Chapter 9

197 3 0
                                    

The italicized words are flashbacks ;)

CHAPTER 9

Halos dalawang buwan na kaming magkaibigan ni Baste pero konti pa lang ang alam ko sa personal niyang buhay. Talagang konti lang.

Alam ko lang na gusto niyang maging independent kahit pansamantala kaya mas pinili niyang mag-aral dito sa Maynila. Minsan na niyang nabanggit na may nakababata siyang kapatid na babae pero hindi ganun kabata, mga apat na taon lang daw ang tanda niya dito.

Hindi niya nabanggit kung saan ito nag aaral basta ang sabi lang niya senior highschool na daw ito at binabalak na mag-aral sa university na pinapasukan namin pag naka graduate na ito.

Wala ring nababanggit si Baste tungkol sa mga magulang niya kaya hindi na din ako nagaatubiling magtanong. Pero dahil sa nakita kong Baste kanina at sa mga tumatakbong katanungan sa isip niya. Minabuti ko ng itanong yung matagal ko ng gustong malaman tungkol sa kanya.

" Baste, asan ang mga magulang mo?" napatigil siya sa pagsusulat at napatingin sakin.

Nakauwi na pala kami, well actually ako lang kasi andito kami ngayon sa dorm ko pagkatapos namin pumunta sa park kanina. Hihintayin na naman ni Baste na ok na lahat para sakin bago siya umuwi sa dorm niya.

" Wala pa kasi akong alam personally sayo Baste.. "

Naka indian seat si Baste sa sahig tapos ginawa niyang lamesa yung kama ko at dun siya gumagawa ng school works samantalang ako nakasandal sa headboard ng kama habang nakain ng ice crea pint, strawberry flavor.

" Nasa Laguna sila Ree. " matipid na sagot sakin ni Baste tapos bumalik na siya sa pagsusulat.

" Magkasama sila? " hindi ko alam kung bakit yun yung sunod kong naitanong. Bigla na lang lumabas sa bibig ko na pinagsisisihan ko kasi nakita kong humigpit yung hawak ni Baste sa ballpen na hawak niya.

" S-sorry Baste... Hindi mo kailangang sagutin pa.. Sorry. "

Huminga ng malalim si Baste, kitang kita ko sa expression ng muka niya na ayaw niyang pag usapan ang tungkol sa mga magulan niya kaya talagang naguilty ako pero sumagot din siya.

" Hindi Ree. . . Hindi na. " umiling iling siya habang nakapikit.

" I'm sorry Baste.. " bigla akong nawalan ng gana sa kinakain kong ice cream kaya pinatong ko dun sa bedside drawer ko.

" Hiwalay na sila. " halos pabulong nyang sabi sakin. Gusto ko siyang yakapin. Ayokong nakikita yung reaksyong nasa mukha niya ngayon. Ayokong nasasaktan si Baste, mahalaga na siya sakin.

" Baste. . . "

" Pansamantala muna kaming kinuha ng Mama ko habang inaayos yung annulment paper nila. Wala kaming magawa ni Sab, parehas kaming underage. 16 pa lang ako at 12 si Sab. . " nakatingin lang si Baste sa notebook na pinagsusulatan niya kaya hindi ko makita yung mata niya pero ramdam ko sa tono ng boses niya na masakit talaga ang naranasan nila.

Let me love youWhere stories live. Discover now