Chapter ThirtyFive

Start from the beginning
                                    

"Okay lang kung aya--"

"May isang babae akong nagustuhan.. Kakaiba syang babae, hindi sya maarte, hindi rin pala ayos at sobrang simple. Karamihan sa mga babae gumaganda lang sa make-up pero sya kahit walang make up maganda sya.. Kapag nakikita ko sya sumasaya ako, kapag naka ngiti naman sya parang napupuno ng rosas ang buong paligid ko."

"Huh??Talaga? ang swerte naman nung babaeng nagugustuhan mo." Siguro yun yung fiance nya:( kawawa naman si ako.

"Maswerte? Siguro, kung kami yung nagkatuluyan."

Napatingin ako sakanya dahil sa sinabi nyang yun. "Meron na syang iba?"

Ngumiti muna sya bago sya magsalita. Pero binawi nya rin yung ngiting yun

"Alam mo dati akala ko totoo yung destiny pero hindi pala. Kasi ang destiny nasa isip lang natin, pinapaniwala lang natin yung sarili natin na para satin talaga yung taong yun kaya ang resulta.. Umaasa tayo. Nakakatawa nga eh, kasi kahit alam natin yung totoo pinaninindigan parin natin yung kung ano yung pinaniniwalaan natin. Kasi ganito yung buhay."

Magkapatid nga sila ni Nathan, ganun din yung sinabi nya sakin. Pero bakit nung si Destiny yung nagsabi parang tagos sa puso??

Feeling ko ibang tao yung kaharap ko ngayon dahil sa sinabi nya. Hindi sya mahilig magsabi ng mga negatibong bagay.

"Huwag mong sabihin yan. Para sakin totoo talaga yung destiny, meron talagang tamang tao na nakatadhana parra satin."

"Akala ko nga dati kami na yung magkakatuluyan, kasi madalas kaming magkita sa hindi inaasahang lugar. Kapag gusto ko syang makita iisipin ko lang sya at makikita ko na sya. At tamang tama sa mga oras na yun kailangan nya rin yung tulong ko."

"Huwag mo sanang isipin na malungkot magmahal nang dahil lang sakanya. May itsura ka, magaling ka din pumorma, mayaman, matalino, tapos ang baet mo pa. Almost perfect ka na nga eh kaya bakit ka nagpapalunod sa pagibig mo sa kanya? kung wala naman sya balak pa na sagipin ka."

Nag smile nga sya pero mahahalata mo parin yung lungkot sa mata nya. "Teka lang! anong oras na ba? kailangan ko ng umuwi. Hindi ka pa ba uuwi?"

"Dito muna ko."

"Sure ka?"

Tumango lang sya.

Bakit ganito?? Habang naglalakad ako paalis parang feeling ko mas lalo akong lumalayo sakanya. Gusto kong sabihin sakanyang please huwag kang sumuko dahil totoo talaga yung destiny.. Totoo ako Travis.. 

Pero sa sitwasyon ko ngayon hindi ko pwedeng sabihin yun sakanya.

Umuwi ako ng malungkot. Ewan ko ba bakit ganito yung pakirandam ko, arang ang bigat bigat talaga.

*Beep beep*

"Bakit ka naglalakad? Nagtitipid ka na naman?"

Status: Single But Married [Unedited♥]Where stories live. Discover now