Chapter 48: What About Love?

Start from the beginning
                                    

"No sweetie. No hugs."

"No hug?" tapos nag frown siya at yung mga mata niya parang iiyak na.

"Don't cry baby. Iha-hug na ni mommy si daddy."

She looks up at me. "Really?" Tumango ako at lumapit  kay Charles at niyakap siya. While we're in a hug binulungan ko siya.

"Sinadya mo to no?! Siraulo ka talaga! Lagot ka sa'kin mamaya."

Tapos kumalas ako at binigyan siya ng pinaka-peke kong ngiti at bumalik na sa kinauupuan ko at nagsimulang kumain.

"So kailan ka magsisimulang magtrabaho?" tanong ni Jacob.

"I don't know. Maghahanap pa ko."

"Oh come on Nick. You passed the exam. Hindi ikaw ang maghahanap, sila ang maghahabol sa'yo.  Tignan mo maya-maya lang sasabog yang phone mo sa dami ng calls." sabi ni Erick habang tinataas baba niya yung dalawang kilay niya.

"Itigil mo nga yan, mukha kang tanga."

"What's tanga mommy?"

Holy shoot! Tss. Bawal pala mga ganitong words sa harap niya. Waaaaahh!

"Ahh. Ehh."

"It's nothing sweetheart." says Jacob coolly.

"You'll know it when you grew older." dugtong ni Charles.

Si Erick, tango lang ng tango.

"Ow. Okay. Can I use that word?"

"NO!" sabi naming apat ng sabay sabay.

"Ok." she bit her lower lip tapos kumain na din naman ng spaghetti niya. Hoo. Nakahinga din kaming apat.

"Sorry." Sabi ko sa kanilang tatlo. Tapos tinignan ulit nila ako na parang takang-taka.

"What?! I said sorry. I won't say anything like that again when she's around. I promise." tumango na lang silang tatlo tapos kumain na kaming tahimik.

Hanggang ngayon hindi pa rin sila sanay sa'kin kapag sinasabi ko yun.

Ganito lang kasi yan. Kung ikaw binigyan ng isa pang chance na mabuhay, hindi ba't magbabago ka. Para sa ikabubuti mo, para in case may mangyari ulit sayo. Tapos matuluyan ka na, wala kang pagsisihan. Nagawa mo yung mga bagay na dapat at gusto mong gawin. Nasabi mo yung mga salita na dapat at gusto mong sabihin. Ganun lang yun. You're trying to be a better person kasi sa dati mong buhay, you generally suck.

So there. Now you know that I survived the accident. Hindi ako braind dead, o lumpo, o kahit na ano. (LUMPO? eh sa pagkaka-alala ko sa ulo ako tinamaan nung lokong yun.. bakit ko naisip na pwede akong maging lumpo??!)  Ah siya. Wag niyo na lang pansinin.

Normal ako. Katulad ng dati, medyo mas maayos nga lang ngayon. And a CPA. Yep! It's positive! I passed the board exam. Sa totoo lang kanina pa may mga tumatawag sa cellphone ko, pero pinatay ko muna. This is family day and I'm not letting anyone interrupt us. Maghintay sila no. CPA yata ko! Wuaahahahahaha! YABANG ko. Amp! Talk about being a better person daw.

 "Nick magbayad ka na." utos ni Erick.

"Yeah. Your treat right?" dugtong ni Charles.

Hay. Kelan kaya ako titigilan ng mga to?! Pero dahil nga sa sinabi ko na ako manlilibre ngayon, ako nga ang nagbayad. Lumabas din naman kami ng mall pagkatapos. Hawak ni Daddy Dharles at ni Papa Erick ang kamay ni baby Denise nila.

At si Jacob? Siya pinaka-kawawa. Siya may bitbit lahat ng pinamili namin. May bitbit din naman ako. Hehehe. Pero hindi kasing dami nung kay Jacob.

Deal Breaker (Published under Pop Fiction, Summit Publishing)Where stories live. Discover now