Chapter 73 (Part 2)

Start from the beginning
                                    

Bigla kaming napatayo sa narinig na boses ni Akeyla na halatang nagtitimping sumigaw. Pumunta kami sa labas ng bahay kung saan namin narinig ang boses niya at nakita ko ang buong barkada nandun at lahat sila nakatingin ng masama sa iisang tao... Kay Geo.

***

GEO

This is not what I had imagine to happened. I talked to L already and she promised me! She promised me she won't do anything to my cousin! She promised she'd spare my cousin from her wrath to Rodney.. but she betrayed me.

Nung nagkakagulo kanina sa school at nakikita kong sinasaktan nila si Marien, para akong naestatwa na nakatayo sa malayo at nakatunganga sa mga nangyayari.. then, my eyes met my cousin's eyes and I saw a small smile, instead. Hindi siya galit sa akin.. alam niya ang ginawa ko, of course, si Leira ang source niya. Pero hindi nun mababago na napabayaan ko ang pinsan ko.

Lagot ako sa lahat ng galit sa akin ng barkada... lalong-lalo na sa mga magulang ni Marien at kay Jerry.

"Did you like my surprise earlier, G?" Tinitigan ko si Laira ng may nagbabagang tingin. Is she asking me that?

"Oh.. ba't naman ganyan ang tingin mo? Oh well, sorry ah? Sorry kung di ako tumupad sa usapan natin kagabi. Nag-init ang ulo ko sa pinsan mo kasi.. sinaktan niya rin ang kuya ko. Bumawi lang ako ng.. konti. Haha"

Napakuyom ang kamao ko at nagpipigil akong masaktan ang babaeng nasa harap ko.. she's too far from that girl that I met years ago. Ang layo niya sa maamong si Laira Scott. Is she the same person that I've befriended and helped?
Pero hindi nakaalis sa pandinig ko ang sinabi niya sa huli.. Marien hurted his brother? Haha! Thats utterly insane.

"You're crazy... hindi na tama yang nasa isip mo Laira.. sana balang-araw, hindi pa huli ang lahat kapag nagsisi ka sa mga pinaggagawa mo. At sana.. hindi ka nalang naging kakambal ni Leira, magkaibang-magkaiba kayo."

*slap*

She slapped me.. hard.

Well I expected that.

"Don't talk as if you know me.. dont talk as if kilalang-kilala mo ako at ang kakambal ko. You have no right.. no right, at all." Naglakad na siya paalis. Hindi ko na ininda ang sakit ng pisngi ko sa sampal niya at pumunta na agad ako sa kotse at dumiretso sa bahay ni Pran.

Nagtext si Pran sa akin kanina na nandun nga nila dinala si Kai at pumunta na raw ako kung ayaw ko raw na magkasira-sira ang barkada. And I won't let that happen.

Pagkarating sa tapat ng bahay nila Pran, nag-doorbell na agad ako at ang taong naiipit ko sa lahat ng kagaguhan ko, siya pa ang nagbukas ng gate sa akin.

Nung nakita ako ni K.. wala siyang emosyon na binuksan ang gate at akala ko hahayaan niya kong magpaliwanag, na ipaliwanag ang side ko.. pero.. Isang sapak sa mukhang sinampal na kanina ni Laira, ang natanggap ko. Alam ko namumula na iyon by now.. pero wala na akong pake pa kung magkabangas ang gwapo kong mukha.

"ANONG GINAGAWA MO DITO?!" May diin pero mahinahon pa ring tanong niya.

Nagsilabasan naman lahat ng barkada at nakita ko pang huling lumabas si Thomas at Rodney na biglang naging blangko ang hitsura ng makita ako. Tinitigan ko silang lahat, lalo na si K, at kahit ang sasama ng tingin nila.. sinalubong ko iyon. Ako naman may kasalanan nito eh.

Ghost Detective! (COMPLETED)Where stories live. Discover now