CHAPTER 18

7 0 0
                                    

Si Sakura and Sierra po yung nasa multimedia.

~~~~~~~~~~

*Third Person POV*

"Dapat besf friends tayo forever ah. Walang iwanan, kung nasaan ang isa, dapat nandun ang lahat."

"Oo naman, promise natin iyan sa isa't'isa."

"Finger promise tayo dali!"

Masayang nag-uusap-usap ang tatlong bata sa isang magandang hardin. Kahit mga musmos palang ipinangako na nila sa isa't-isa na hindi sila maghihiwalay ano man ang mangyari, at dito nag simula ang kanilang matalik na pag kakaibigan.

----------

"Gly bilisan mo naman! Magagalit si ate pag na late tayo!" Hinatak hatak pa ni Misha ang huli.

"Sandali lang naman! Hindi kase nag rereply si Trixie nag-aalala na ako."

"Nako, diba nga sabi niya hindi siya makakasama sa atin kase may importante siyang gagawin, hayaan mo na, baka naaabala mo na siya."

"Sige na nga." nagpatuloy ang dalawa sa paglalakad ng may mahagip sila ng tingin, kasalukuyan itong nakikipag usap sa isang lalaki.

Sandaling nakalimutan ng dalawa na nagmamadali sila, hinintay nilang matapos sa pag-uusap ang dalawa at maiwan ang babae, pamilyar na pamilyar sa kanila kung sino ito.

"Trixie?!" hindi makapaniwala ang dalawa sa kanilang nakita.

"Misha! Gly!" Gulat na wika ni Trixie.

"Diba si Denver yung kasama mo? Bakit kayo mag kasama? Diba may asawa na siya? Alam ba ng asawa niya na mag kasama kayo?" Sunod-sunod na tanong ni Misha.

Mabagal na pag iling ang isinagot ni Trixie. "He's my boyfriend."

"Your what?" gulat na bulaslas ni Gly.

"Are you out of your mind? Maraming nag kakagusto sa'yo bakit pumatol ka sa may asawa na?" Misha.

"Malaking gulo ang pinasok mo."

"Siya kase ang mahal ko." nang walang makuhang reaksyon mula sa dalawang kaibigan, nilapitan sila ng huli at hinawakan ang kanilang mga kamay.

" Promise me girls that you will going to keep my secret."

Dahil mahal nila ang kaibigan nila, hindi nila maatim na ipag sabi ito sa iba. "Okey. We'll keep it."

"Thank you." isang matamis na ngiti ang pinakawalan nito.

----------

Kasalukuyang nasa restaurant ang tatlo ng may makita silang familiar na muka.

"Girls look, hindi ba't mommy iyon ni Brix?"

"Oo nga ano, bakit kaya niya kausap si Sir Tuklaw?"

"Halika batiin natin!" yaya ni Gly sa dalawa.

Malapit na ang tatlong babae sa table ng dalawa, ng biglang masagi ng waiter ang envelop sa ibabaw ng table ng kanilang guro.

Hindi lamang ang dalawang matanda ang nagulat, kundi maging ang waiter na nakasagi nito, ang ilang kagaya din nilang custumer, at ang tatlong babaeng nagtangkang lumapit.

Puro pera ang laman ng envelop, lilibuhin, base sa nakita nila, hindi biro ang halaga n'on.

"Sorry po maam hindi ko po sinasadya." hinging paumanhin ng waiter.

"Next time mag ingat ka ah."

"Opo maam." at nakayukong umalis ang waiter.

Nagpalingon-lingon ang matandang babae, inaalam kung may nakatingin pa sa kanila. Dahil medyo nasa kalayuan pa ang tatlo, hindi sila nakita nito.

Black SectionOn viuen les histories. Descobreix ara