CHAPTER 14 :

19 1 0
                                    

Si SJ po yung nasa Multimedia! 😊

May muka na silang sampu! Si Sierra nalang!

~~~~~~~~~~
~Xera POV~

"Girl, may alam kaba about kila Sakura and Sierra?" bulong sa akin ni Pipo.

Magkakasabay kami ngayon sa pag-uwi, pwera lang kay Sakura dahil may dadaanan padaw siya.

"Wala eh. Curious din ako." mahina kong sabi.

"Hmmm.. Something fishy. Hugot mode kanina si Girl galing sa kailaliman ng dagat. Pak na pak!"

"Shhhhh.." inilagay ko pa ang hintuturo ko sa tapat ng labi ko. Bahagya kase silang napatingin sa amin. "Huwag kang maingay baka marinig ka, ano isipin niya."

Ito talagang si Pipo numero unong chismoso. Ay mali! Chismosa pala. Tapos eskandalosa naman.

"Tanungin mo na karakaraka!" utos pa sa akin ng bakla.

"Ayoko nga! Baka ako pa mapag kamalang chismosa. Ikaw nalang. Tutal totoo namang tsismosa ka eh." sinamahan ko pa ng ngisi.

"Sampalin kaya kita sa ears?" umakma pa ang baklang sasampalin ako.

"Huwag!!!" napasigaw ako dahil sa ginawa ni Pipo.

"My loves anong problema? Nakita mo ba si Color?" luminga-linga pa si Lem sa paligid habang tinatanong ako.

"Charotera lang iyang girlaloo mo. Masyadong OA."

"What's your pinag chichismisan ba?" si Vien.

"Eww chismis. Bystanders doing." SJ.

"Maka ewww ka naman. Tse!"

"So may pinag-uusapan nga kayo?" JD.

Napatingin sila sa amin. Hinihintay ang sagot namin ni Pipo.

"Well.. Ahmmm.. Pips ikaw na mag sabi."

"Ano kase.. Curious lang ang kagandahan namin between you and our friend Sakura." sabi ni Pipo habang direktang naka tingin kay Sierra.

Namalik mata ba ako ng makita kong parang tumalim ang mga mata niya?

"Oh that one?" ngumiti si Sierra sa amin.

Pero bakit kakaiba ang ngiti niya? Yung tipong may ibang kahulugan?

"May galit kaba sa kanya?"

Nawala ang pag kakangiti ni Sierra.

"Don't worry you will know about it... in time." makahulugang sabi niya sa amin.

Wala ni isa man sa amin ang nag salita pa. Lahat kami nag patuloy na sa pag lalakad palabas ng gate.

"Pinag kakatiwalaan niyo ba si Sakura?" napahinto kami pare-pareho sa tanong ni Sierra.

"Oo naman." Aze.

"Pinag kakatiwalaan din ba niya kayo? Sa tingin niyo, kung sakaling malaman niya ang mga sikreto niyo, kaibigan niyo parin ba siya o lalayuan na niya kayo?"

Walang umiimik sa amin. Lahat nahulog sa malalim na pag iisip? Pinag kakatiwalaan nga ba kami ni Sakura? Ang mga lihim ba namin ang sisira sa pag kakaibigan namin?

"Katulad ng ginawa niya noon.." napatingin ulit ako kay Sierra.

"Sa akin." nakita ko nanamang tumalim ang mga mata niya.

"Did Sakura do something terrible to you?" Zach.

Nilagpasan kami ni Sierra. Akala ko hindi na siya sasagot pa pero bigla siya humarap sa amin.

Black SectionTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang