CHAPTER 1

79 6 14
                                    


Si Sakura Amerei Bernardo po yung nasa multimedia. ^_^

~~~~~~~~~~

~Sakura POV~

"Sakura!" Napalingon ako sa likod ko ng may tumawag sa akin. Napangiti ako ng makita ko sila Xera, JD at Pipo.

"Morning guys!" Bati ko sa kanila. Naglakad naman sila papalapit sa akin.

"Kamusta naman ang summer vacation mo girl?" nakataas pang kilay na tanong sa akin ni Pipo.

Peter Paul "Pipo" I. Yllanez. Anak ng sikat businessman at bussiness woman. Hanggang ngayon nanghihinayang parin ako para sa isang ito. Sayang ang genes niya. Bakit ba kase naging bakla siya? Nabawasan na naman tuloy ang gwapo sa mundo.

"Hoy!" pumitik si Pipo sa ere.

"Pinagnanasahan mo nanaman ang kagandahan ko!" Narinig kong tumawa sila Xera at JD.

Napatingin ako sa kanila.

Xerafiena Alexis "Xera" C. Jackson. Anak ng isang sikat na fashion designer at Sikat na photographer. Minsan sumasali nadin siya sa mga fashion show. Sa lahat nga ata ng modelo ito ang malakas kumain.

At Si Johann David "JD" W. Jacobo. Anak ng isang Chief. Bata palang siya namatay na ang mama niya. Siya ang masasabing pinaka mabait sa amin. Sino ba naman ang magloloko kung 'chief' ang tatay mo?

"Yuck! Kadiri ka talaga! Pinagnanasahan mo nga ang kagandahan ko!" umarte pa ito na parang diring-diri.

"OA ka ah! Buti nga nag kagusto ako sa'yo." ganting asar ko.

"Kung ikaw lang din naman huwag nalang, pero kung si fafa Zach ang mag kakagusto sa akin why not! Tatangapin ko ng buong puso!" nag flip pa ng hair ang bakla.

"Did I just heard my name?" sabay sabay kaming napabaling sa pinag mulan ng boses.

Zachary James "Zach" M. Alleje. Anak ng isang Senador. Simpleng may bahay ang kanyang mama. Napaka seryoso niyang tao, ni hindi ko pa nga siya nakitang ngumiti man lang. Top 2 sa klase. Siya ang tumatayong pinaka leader ng grupo. Nagmana ata sa papa niya.

"Fafa Zach!" tili ni Pipo sabay lapit dito at akmang hahalikan si Zach sa pisngi.

Ginamit naman ni Zach ang notebook niya pangharang at inurong ang nguso ni Pipo.

"Ay mahiyain ang baby ko." patuloy parin ni Pipo.

"Pipo tigilan mo na si Zach, baka bigla kang masuntok niyan." natatawang sabi ni JD.

"Oo nga Pips mag pakalalaki kanalang kase." segunda naman ni Xera.

"Stop Stop Stop! Yuck! Stop calling me Pipo or Pips! My name is Paula. Okey? Paula! Isa pang tawagin niyo akong Pipo o Pips kakalbuhin ko na kayo!" inirapan pa niya sila Xera at JD. Tinawanan lang siya ng dalawa.

"Peter Paul. You're too loud." pag saway ni Zach kay Pipo. Sabay pasok sa loob ng classroom.

"Tse! Isa kapa fafa Zach! Pinag tutulungan niyo ang kagandahan ko!" tili pa ng bakla.

"Kase ng---" naputol ang sasabihin ko ng makarinig ako ng nag-aaway sa likod.

"Muntik na tayong malate dahil ang kupad mong kumilos!" sigaw ni Lem kay Dem

"Sabihin mo excited kalang pumasok! Ang aga-aga pa kaya!" ganting sigaw ni Dem sa kakambal niya. Oo kambal 'yang dalawang iyan. Hindi lang sila ganun magkamuka, pero hawig sila.

Phenelophy Demi "Dem" L. Dean and Lemuel Dylan "Lem" L. Dean. Anak ng isang sikat na basketball player at musician. Si Dem ang laging nangunguna sa klase. Siya ang pinaka matalino sa amin.

Black SectionWhere stories live. Discover now