CHAPTER 5

47 4 4
                                    

Sorry sa mga typo. Dakilang tamad akong tao. Haha. Kaya hindi ko na ineedit. Pagpasensyahan niyo na po. ^_^

Si Peter Paul "Pipo" po yung nasa multimedia. Ang gwapo diba? Hihihi..

~~~~~~~~~~

~Someone's POV~

Pinagmamasdan ko ang mga ka-klase ko. Ang tatapang din talaga ng mga ito. Nagagawa pang pumasok. Tignan natin mamaya kung ganyan padin sila katapang kapag nalaman nilang nabawasan nanaman kami.

I'm slightly impressed kila Bry. Hindi ko akalaing nakilala nila ako. Dapat din pala akong mag pasalamat kay Tricia, kung hindi dahil sa kanya hindi pa dapat patay sila Bry ngayon. Yung bruhang iyon nag bigay ng clue sa kanila kung sino ako. Akala naman nila matatalo ako kapag madami sila. Pft.

Ang tagal namang may dumating para ibalitang nabawasan nanaman kami. Naiinip na ako. Gusto ko ng makita ang reaction nila. At kung sino ang makakahula sa iniwan kong clue.

"Guys!" lahat kami napa baling sa pinto. Finally dunating na!

"Sila Bry!" Bingo!

Walang nakapag salita ni isa man sa room. Napangiti ako ng lihim. Lahat ata sila alam na ang susunod na sasabihin ng pumasok. Asan na ang tapang niyo ngayon? Wala pa kayo. Mga weak!

"Patay na sila.." nanghihinang sabi ni Cheska. Siya yung pumasok sa room.

"Sila? Sinong sila?" tanong na isa kong ka klase.

One laro tayo.

Two sali kayo?

Three promise masaya ito.

Four alamin niyo sino ako.

Five pag kilala niyo na'ko...

"Kasamang natagpuan sa tabi ng ilog ang katawan nila Tin, Krista, Ben at Sid." Sagot naman ni Cheska.

Six tumakbo na kayo.

Seven or joyride.

Eight at the devil's side.

Nine so seal your fate.

Ten before it's too late.

Narinig kong may nag iiyakan na sa kanila. Loosers! Mga plastic talaga.

Hihintayin ko nalang mahulaan nila ang next clue ko. Buti nalang talaga walang bobo sa section namin. Ibig sabihin lahat sila mamamatay...

The number one rule in my game.

Who will ever find out who am I, will be the next one to die.

"Gusto ko ng lumipat ng school!" Biglang sigaw ng isa kong ka klase.

"Ako din!" Sang ayon naman ng isa.

Mga weak talaga. Tsk. Suko na agad? Nag-uumpisa pa ngalang ang laro ko.

Nagtakbuhan sila palabas ng room.

Hindi niyo ako matatakasan. Hindi niyo matatakasan ang kamatayan. Kung may matitira man.. Kaming dalawa lang.

Tumingin ako sa kanya.

Nanlisik ang mga mata ko ng makita kong nakatingin nanaman 'siya' sa taong 'iyon'. Hanggat nandiyan siya hindi niya ako makikita. Pero hindi ko siya pwedeng patayin agad. Siya ang ihuhuli ko. Tama lang sa kanya ang mag dusa ng sobra.

Inagaw mo sa akin si Red..

Hintayin mo ang araw nang kamatayan mo..

----------

Black SectionWhere stories live. Discover now