CHAPTER 16

16 2 1
                                    

Starting from this chapter. Gagawin kong 3000 and up words para mas mahaba haba.

'yung nasa multimedia, ayan po yung friendship bracelet nila Sakura at Sierra.

~~~~~~~~~~

*Sakura POV*

Dumating na ang araw na pinakahihintay namin. Teka.. Mali pala, dumating na ang araw na lubos naming kinatatakutan.

Ano kayang nag hihintay sa amin mamaya? Dumoble nanaman ang nararamdaman kong kaba. Habang papalapit ang oras ng pag pasok ko palala naman ng palala ang nararamdaman kong kaba.

"Sakura gising kanaba? Baka malate ka nanaman!" narinig kong sigaw ni mama mula sa baba.

"Gising na po!" ganting sigaw ko naman. Sa totoo lang hindi naman talaga ako nakatulog. Paano ba naman ako makakatulog kung alam kong kinabukasan may kakaharapin akong panganib? Kung alam kong pag sapit ng umaga, baka isa sa mga kaibigan ko nanaman ang mawala. Ito nanaman ang larong galit at sikreto ang puhunan, buhay at pagkakaibigan naman ang pinaglalabanan.

"Bumaba ka na diyan Sakura." agad naman akong tumayo sa pag kakaupo sa kama.

"Good morning mama." bati ko sa aking pinaka mamahal na ina sabay yakap mula sa kanyang likudan, hindi ko ito usual na ginagawa, pero baka ito na ang huling araw na mayakap ko siya. Gusto kong umiyak ngayon, gusto kong sabihin lahat-lahat kay mama. Pero ayokong pati sila madamay dahil sa napasukan naming gulo, kami ng mga ka section ko.

"Good morning din. Bakit parang ang lambing mo ata ngayon? May gusto kang ipabili ano?" pag bibiro sa akin ni mama.

Umupo muna ako sa upuan ko bago sumagot. " Wala po mama."

"May problema ka ba anak?"

Natigil ang pag lalagay ko ng palaman sa tinapay dahil sa tanong ni mama.

"Wala din po." umiiling ko pang sagot.

Tinignan ako ni mama namay nagdududang tingin. Wala akong nagawa kundi umiwas nalang, hindi talaga sila pwedeng madamay dito.

"Si papa po?" pag iiba ko ng usapan.

"Maagang umalis. May dadaanan padaw kase siya. Bilisan mo nading kumain baka ma late ka pa."

Hindi naman talaga ako kumakain, halos tinititigan ko lang ang mga pag kaing nasa harapan ko. Alam ko kakailanganin ko ng lakas para sa haharapin ko mamaya, pero hindi ko manlang magawang nguyain at lunukin ang pagkaing nasa bibig ko, dahil sa nararamdaman ko.

"Sige po ma, aalis na po ako."

"Bakit parang hindi naman nabawasan ang pag kain?"

"Hindi po kase ako nagugutom."

"Sige mag-ingat ka nalang sa pag pasok. Umuwi ka ng maaga ah, ipag luluto kita ng paborito mong sinigang." nakangiti pa si mama habang sinasabi iyon.

Muli niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi.

"I love you mama." sabi ko sa kanya habang naka yakap padin.

"I love you too. Kung ano man ang pinag dadaanan mo ngayon, alam ko malalagpasan mo din iyan. Anak ka namin ng papa mo, kaya makakaya mo iyan."

Ngiti nalang ang naisagot ko kay mama bago ako tuluyang umalis. Pero nagulat ako ng makita kong may taong naka sandal sa gilid ng gate namin.

"Zach?!"

----------

*Zach POV*

"Zach?!" Halata sa muka niya ang pag kagulat, ngayon lang kase ang unang beses na nakita niya ako sa labas ng bahay nila.

Black SectionWhere stories live. Discover now