CHAPFER 15:

14 2 0
                                    

Si Sierra po yung nasa Multimedia 😊

~~~~~~~~~~

Biyernes. Isang lingo ko nang ka-klase si Sierra.. Ulit. Sa loob ng isang lingo, walang araw na hindi lumipas na hindi siya nagparinig.

Kinapa ko yung bracelet na naka tago sa ilalim ng uniform ko. Yung friendship bracelet namin ni Sie. Sa loob ng isang lingo soot ko din ito, ginawa kong reminder na gagawin ko ang lahat-lahat maibalik lang ang dati naming pagkakaibigan.

Pero hindi nakaligtas sa mga kaibigan namin ang mga pag paparinig niya. Lalo tuloy silang nahiwagaan kung ano nga ba talaga ang nangyari sa pagitan namin.

Gusto ko mang sabihin sa kanila, pero alam ko hindi pa ngayon ang tamang panahon. Hindi ngayon kung kailan puro patayan ang nagaganap, kailangan ko ng kakampi, ayokong mag-isang lumaban. Kaya mananatiling lihim ang nakaraan namin hanggat hindi natatapos ang gulong kinakaharap ngayon ng section namin.

Sunod-sunod ang pagtunog ng mga cellphone namin. Hindi na ito bago sa amin. Simula din nung lunes nakakatanggap na kami ng text message galing kay Color, ipinapaalala niya sa amin kung ilang araw nalang ang natitira bago niya simulan ang bagong laro niya.

(2 days to go.)

Dalawang araw. Apatnapu't walong oras. Iyan nalang ang natitirang panahon namin bago ulit may mawala sa amin.

Inilibot ko ang paningin ko. Sa ngayon labing dalawa na ang nawala sa amin, kasama na doon si Tristan. Dalawangpu't apat nalang kami. Pag tungtong ng lunes, tiyak bababa nanaman ang aming bilang, pabawas ng pabawas sa pag daan ng mga araw.

"Okey class see you on Monday. I hope that next week would be peaceful as this week."

Napahigpit ang pagkakahawak ko sa ballpen ko. Mali ka maam Rocky, dahil sa susunod na lingo na mag uumpisa ang panibagong impyerno para sa aming mga kabilang Black Section.

Parang earthquake at aftershock. Earthquake palang ang ipinaranas niya sa amin nung nakaraan, kasunod palang ang aftershock. At sa pagitan ng dalawa, mas mapanganib at nakakatakot ang aftershock. Kaya pinaghahanda niya kami sa dilubyong dala niya.

Gusto ko sanang sabihin sa kanya kaso hindi pwede. Binalaan kami ni Color na hindi dapat malaman ng kahit na sino bukod sa aming mga pinapadalhan niya ng mensahe ang mga sinasabi niya sa amin. Inshort kaming labing isa lang ang nakakaalam kung ano ang naghihintay sa amin sa araw ng lunes. Oo, labing isa. Maging si Sierra, nakakatanggap nadin ng mensahe mula sa kanya.

Kung bakit alam niya ang mga cellphone number namin, iyon ay dahil kabilang siya sa Black Section. Siya na mismo ang umamin na isa nga siya sa amin.

Mahirap mang paniwalaan pero iyon ang totoo.

Truth really hurts. Dahil ang sakit talagang tanggapin ng katotoohanan pag isa sa mga taong nakasama mo sa loob ng tatlong taon at itinuring mong kaibigan ang dahilan ng pagkamatay ng iba mo pang kaibigan.

"We only have 2 days left."

"Saturday and Sunday."

"Another reason to hate monday."

"What should we do?"

Isang napaka lakas na sigaw ang yumanig sa amin.

"What kaya that?"

"Is it Color's made?"

"Bakit kumilos na siya? Akala ko ba sa monday pa?"

"Killer sometimes do dirty tricks to fool us."

"Walang isang salita. Tsk!"

Niloko nga ba kami ni Color?

"Lets go see it."

Black SectionМесто, где живут истории. Откройте их для себя