CHAPTER 2

77 4 21
                                    

~Someone's POV~

Sige lang tumawa lang kayo ng tumawa, sulitin niyo na, dahil konting panahon nalang, hindi niyo na magagawa iyan.

Yung saya niyo, mapapalitan ng lungkot. Yung tawa niyo mapapalitan ng pag-iyak. Yung tuwa niyo mapapalitan ng takot at pangangamba. Yung tiwala niyo mapapalitan ng Hinala. At higit sa lahat yung makulay niyong mga buhay mapapalitan ng kamatayan..

Minnie minnie minimo.. Sino kaya ang uunahin ko sa inyo?

Tinignan ko sila. Silang mga naka maskara, nag tatago sa mga angel na muka. Ang mga taong mapag kunwari. Mapagpanggap. Kung maka ngiti akala mo mababait. Pero may itina tagong baho at sikreto.

Napangiti ako ng may maisip ako.

Ano kaya kung...

Tama. Sila nalang ang ihuhuli ko. Uunahin ko muna ang mga panggulo. Iisa-isahin ko sa harapan nila ang pag patay sa mga ka-klase namin. Isn't it nice na makita ang magiging reaction nila pag unti-unti silang nauubos? Isn't it amazing na paglaruan sila?

Kasalanan naman nila kung bakit ko sila ihuhuli at papahirapan ng ganito. Tinignan ko sila ng masama. Sila, sila ang dahilan kung bakit ko gagawin ang lahat ng ito. Sila ang nag udyok sa akin. Kaya diba dapat lang na pasalamatan ko sila? Ang bait ko diba?

Well.. Iba ngalang ang way ko ng pasasalamat.

Magandang laro ito. Muli nanaman akong napa ngiti. Sino kaya ang makakatagal? Sino kaya ang malilinlang? Sino kaya ang makakatakas sa aking mga kamay? Napatingin ako sa isang tao. Matutuwa ako kung dalawa lang kaming matitirang buhay. Sabihin nalang natin, na isa siya sa mga reasons ko kung bakit ko gagawin ito. At..

Tinignan ko ulit ang isa pang tao. Siya naman ang lubos kong pahihirapan. Siya ang pinaka kinamumuhian ko sa lahat. Kaya siya ang ihuhuli ko, para makita niya kung paano isa-isang mamatay ang mga ka klase namin... At mga kaibigan..

Napatigil ako sa pag iisip ng maramdaman kong parang may mga matang naka titig sa akin.

Tumingin ako sa paligid. Hindi niya ako nag ka mali. Tsk. Napataas ako ng kilay. Yung titig niya halatang may gustong sabihin.

Umiwas ako ng tingin mahirap na. Itinuon ko nalang ang paningin ko kay Fatima, d'on sa adviser namin. Ano kaya kung isama ko siya sa mga paglalaruan ko?

Wait... Siya kaya ang unahin ko? Napangiti ako. Well hindi masamang Idea. Siya ang gagawin kong cue sa laro ko.

Sa larong ito..

Kung saan, sino man ang unang makakuha...

Talo..

Well hindi naman sila ganun ka talo, may premyo naman kase sila..

Ang premyo?

Kamatayan..

Atleast hindi na sila mahihirapan emotionally pag nakita nilang unti-unti silang nauubos at isipin kung sino na ang susunod diba? Iwas nervous break down din.

Excited na akong simula ang larong binuo ko ng tatlong taon...

----------

~Lemuel Dylan L. Dean POV~

"Kringgg..." tumunog na ang bell. Mean to say break time na. Yes! makakakain nadin sa wakas.

"My loves ano gusto mong kainin?" tanong ko kay Xera.

"Hmmm.. Spaghetti, chicken, footlong, salad, and Ice tea." sagot nito.

"Baka may gusto ka pang idagdag?" tanong ko.

Black SectionWhere stories live. Discover now