CHAPTER 12

35 3 0
                                    


Si Aze po yung nasa multimedia 😊

~~~~~~~~~~

~Third Person POV~

Isang araw na ang lumipas pero hanggang ngayon hindi padin nila alam ang sagot sa iniwang text message ni Color sa kanila.

Lahat sila halo-halo ang nararamdaman. Takot,pangamba, lungkot, sakit, galit.

Habang sila ay hirap na hirap na sa mga pangyayari, Si Color naman ay tuwang-tuwa sa nakikitang reaksyon nila. Sa tuwing may iiyak at sa tuwing nakikita niyang nasasaktan ang mga ka klase niya walang pag lagyan ang kanyang kaligayahan. Demonyo na talaga siyang maituturing.

Buo na ang pasya niya, ipaparanas niya din sa lahat ang mga naranasan niya. Kung paano mawalan ng mahal sa buhay. Kung paano mabuhay mag-isa. Kung paano kinuha ng mundo ang lahat sa kanya.

Walang natira sa kanya..

.. kaya wala din siyang ititira sa kanila.

Pero nag bago ang ihip ng hangin. Hindi inakala ni Color na may malambot pang parte ng puso niya. Na habang nag plaplano siya hindi niya naiwasang mahulog sa isang tao. Hindi niya naiwasang magmahal. Pero dahil din d'on kaya lumala ang galit niya. Ayaw na niyang maulit ang dati. Ayaw na niyang maranasan ulit kung paano mawalan ng minamahal. Lalaban siya...

..lalaban siya hanggang kamatayan.

----------

~Sakura POV~

Break time namin ngayon. Pero instead na nasa canteen kaming sampu, mas pinili nalang naming mag stay dito sa room.

Hanggang ngayon kase hindi pa namin alam kung ano ang ibig sabihin ng natanggap naming message mula kay Color.

"Ang bilis ng panahon, friday nanaman."

"Seven days in a week. Pero parang equivalent lang siya nang tatlong araw."

Bakit parang ng marinig ko ang '7 days in a week' may something akong naramdaman?

"Kanina lang umaga pa, maya-maya lang gabi na. Hayy! Natatapos ang araw nating wala man lang tayong nagiging move para malaman kung sino si Color."

"Hindi nga natin maintindihan kung ano ang ibig sabihin nito." Ipinakita pa ni Lem sa amin ang cellphone niya na may text galing kay Color.

Sandali lang parang...

Kinuha ko ang sarili kong cellphone.

"Friday. 6pm." Lahat kami bumaling kay Zach with 'what-are-you-saying' reaction.

"Bongga! may meeting ba tayo fafa Zach?"

"Bakit mo naisipang mag pa meeting p're?"

"Not me. But Color." Sagot ni Zach.

Ang gulo ng sagot ni Zach. Napa nganga kami.

"Ahmm... can you explain it to us?"

"I see." Si JD. "Ibig sabihin ng 5/7 is friday. Dahil ang friday ang pang limang araw kung ibabase sa araw ng pasok."

"Which is ngayon."

"And the VI means time. At dahil naka cross out ang D which means day ibig sabihin 6pm ang tinutukoy niya."

"Ipinadala niya yung message nung araw na mamatay si Yul ibig sabihin ngayon ang tinutukoy niyang araw."

"Saan naman natin siya tatagpuin?"

"Berbardo's residence."

Nagulat naman ako.

"Huh? Bakit sa amin?"

Black SectionWhere stories live. Discover now