CHAPTER 13

33 1 0
                                    

Si Vien po yung nasa multimedia 😊

~~~~~~~~~~

~Sakura POV~

Kahit nalaman kong si Yul ang huling biktima ni Color hindi ko padin maiwasang huwag mag-alala para kay Tristan, hanggang ngayon kase hindi parin siya pumapasok. Isang lingo na. Patuloy parin ako sa pag text at pag tawag sa kanya. Umaasa akong ma contact ko na siya. Pero bigo parin ako.

Nasaan na kaya siya? Bakit kaya hindi siya sumasagot? Kung hindi naman niya ginagamit yung cellphone niya edi sana lowbat na ito dahil sa ilang ulit na pagtawag ko.

Tanungin ko na kaya si maam Rocky? Baka may alam siya kung nasaan si Tristan.

Lalabas na sana ako ng room ng biglang bumukas ang pinto. Pumasok si maam sa loob kaya napa upo nalang ulit ako.

Mamayang uwian ko nalang siguro siya tatanungin.

"Good morning class."

"Good morning maam."

"Black Section started with 35 students. And now you are down to 24."

Dahil sa narinig, hindi namin maiwasang malungkot at maalala ang mga ka klase naming nawala. Bakit kaya naisipan ni maam ungkatin ito?

"Tricia, Bry, Ben, Sid, Tin, Krista, Jhon, Ken, Patrick, Patricia, and Yul are all gone."

Eleven. Eleven na silang nawala sa Black Section.

"Kahit na may mga kakaibang nagaganap sa section niyo. Kahit na nasisira na ang pangalan ng Helmington Ville High. One person still choose to transfer here. Not just that, because she also choose to be a part of this section."

Lahat kami nagulat sa ibinalita ni maam Rocky sa amin. Sinong mag aakala na sa kabila ng mga patayang nagaganap may taong mag lalakas loob na mapabilang sa amin. Taong handang makipag laro kay kamatayan.

"You may come in. And introduce yourself." Naka ngiting sabi ni maam.

Akala ko wala ng mas nakakabigla pa sa nalaman kong nadagdagan ulit kami. Na may isang taong pinili kami upang maging ka klase.

Meron pa pala.

Kung nabigla ako sa idea na may isang taong nag lakas loob na mapabilang sa amin. Mas nabigla ako ng malaman ko kung sino siya.

"Sierra.." mahina kong sabi pero sapat na para marinig ng katabi ko.

"You kilala her?"

Tumango ako ng dahan-dahan habang hindi inaalis ang tingin sa babaeng naka tayo ngayon sa harapan ng klase. Ang saya ng pag kakangiti niya. Ngiting hindi mo aakalaing may itinatagong galit.

Galit na para lamang sa akin.

"Hello! I'm Sierra Bianca Guzman. Nice to meet you all. Hope we'll become friends."

"Sure."

"Oo naman."

Sagot ng iba sa amin. Habang ang iba naman ay nag thumbs up at ngumiti.

"Okey miss Guzman pwede ka ng umupo. Maraming vacant seat ikaw ng bahala kung saan mo gusto."

Iniikot naman ni Sierra ang paningin niya. Tinignan kung nasaan ang mga vacant seat. Hindi sinasadyang mag tama ang paningin namin na ikinawala agad ng ngiti niya.

Napayuko ako ng bahagya. Wala sanang naka pansin namay something sa aming dalawa.

Nakita kong umupo siya sa dating upuan ni Yul na katabi ni Zach.

Black SectionWhere stories live. Discover now