Prologue

108 5 2
                                    

Malakas kaba?

Matalino?

Mabait?

Maganda o gwapo?

Mayaman?

Sikat?

Hinahangaan ng karamihan?

May angking talento?

Kung may tinataglay kang katangian na isa sa mga iyan, at kung mahal mo pa ang buhay mo, huwag mong hayaan na mapabilang sa section namin. Dahil oras na mapabilang ka sa amin... Mag-uumpisa nading magulo ang mundo mo...

Baka dahil sa ipinagmamalaki mo, kapalit ay ang buhay mo. Hindi kami kagaya ng ibang section. Ibang-iba kami sa kanila. Dahil sa section namin, nandun na lahat ng klase ng tao sa mundo... Mayaman, mabait, sikat, maganda, gwapo.. Astig ba? Pero hindi lang iyan ang bumubuo sa section namin, dahil meron din sa aming mga mapagkunwari.. Mga mapanlinlang.. At ang hindi namin alam... May Demonyo din pala..

Sa kabila ng aming maaamong muka, ay mga lihim na tinatago.

Pero kung malakas ang loob mo, bakit hindi mo subukang alamin ang misteryong bumabalot sa section namin? Mag-ingat kalang baka kase sa kagustuhan mong malaman ang katotohanan, baka pag gising mo isang araw nakikipag laro kana pala kay kamatayan at mawalan ka din ng kulay...

------

~Sakura Amerei R. Bernardo POV~

Kringggggg... kringggggg... Kringggggg...

Agad kong pinatay ang tunog ng alarm clock ko.

"Five more minutes."

"Sakura Amerei Bernardo! Tama na iyang kaka five minutes mo! Kanina pang 5am tunog ng tunog yang alarm mo, aba 5:30am na!" Sigaw sa akin ni mama habang kinakatok ang pintuan ng kwarto ko.

"Five minutes nalang tala--"

"Kilos na baka malate kapa sa first day of school ngayon, graduating ka pa naman na," pangungulit ulit ni mama.

"Opo ito na po tatayo na!" wala akong magawa kundi pilitin ang sarili kong bumangon.

"I'll give you 30 minutes to fix yourself, then bumaba ka na para makapag breakfast ka pa bago ka pumasok," narinig kong naglakad na si mama pababa.

"Hayyy.. Ayoko pang pumasok, " ibinagsak ko ulit ang sarili ko sa kama. Nakakaasar naman! Bitin ang bakasyon! Bakit pa kase kailangang pumasok sa school?! Simula nanaman ang mga araw na sangkatutak ang gagawing assignment. Maya't-mayang pop-up quiz, or seatwork. Isama pa ang graded recitation. Umpisa nanaman ang mga araw na halos wala kanang tulog dahil kailangan mong gumawa ng report, project o mag review. Walang magandang "umpisa" ang maidudulot ng first day of school... Ay saglit meron pala! Umpisa na pala ulit ng pagsasama-sama naming magkakabarkada! Dahil sa naisip ko, parang bigla akong ginanahang kumilos para mag ayos.

I'm Sakura Amerei Bernado. Pure Pilipino ako, adik lang talaga ang parents ko sa anime kaya nagkaganito ang pangalan ko. Kasalukuyan akong nag-aaral sa Helmington Ville High School. Isang Elite school na gustong gustong pasukan ng karamihan. 10x ata ang tuition fee dito kaysa sa ordinary private school. Hindi kami gan'on kayaman. Sinuwerte lang akong maipasa ang entrance exam nila kaya naging schoolar ako. Hanggang ngayong 4th year HS.

Sampu kaming magkakaibigan. Mag kakaiba man kami ng ugali pero nag click naman kami. Since first year magkakaibigan na kami. 1st day ng school n'ong first year kami unang nag ka kila-kilala. Nasaktuhan kaseng may groupings agad, at dahil sa pare-pareho lang kaming walang pang kilala that time naisipan naming kami-kami nalang ang mag kakagrupo. Doon nag umpisa ang pagkakaibigan namin.

Natapos nadin ako sa pag-aayos.

"See you later guys!"

--------

~Someone's POV~

"This is it. Dumating nadin sa wakas ang pinaka hihintay ko, " Napangisi ako habang tinitignan ang class picture na nakasabit sa kwarto ko.

"Isa-isa kayong mawawala, isa-isa kong kukuhain ang mga bagay na dapat sa akin. Tatlong taon akong nag-tiis na kasama kayo.. Tatlong taon kong itinago ang galit ko.. Tatlong taon akong naghintay.. Ngayon matatapos nadin ang paghihintay ko. Sorry nalang kayo, dahil mapapaaga ang pagsasabi ko ng 'FAREWELL' sa inyo, " Napahalakhak ako ng malakas sa naisip ko.

Nagsimula na akong mag lakad palabas ng kwarto ko. Pero bago ako tuluyang lumabas sumulyap muna ulit ako sa litrato, -- sa litrato ng mga taong kinamumuhian ko. Ang ganda ng kanilang mga ngiti, akala mo talaga mababait.

"Wait for me my beloved classmates. Or should I say.. Wait for your death."

Black SectionWhere stories live. Discover now