CHAPTER 17

5 0 0
                                    

Sina Lem, Xera, Pipo, Dem at JD 'yung nasa multimedia. (Sila lang ang may pic na magkaka sama huhu)

May 9 pa huling update ko. Haha. Wala na talaga akong balak ituloy ito, pero ewan, bigla ko nalang naisipan na ituloy. Binasa ko pa tuloy simula umpisa XD nakalimutan ko na kase. Huhu hindi ko matandaan yung ibang twist ko haha.

Before ako tamarin naituloy ito naka 20 chapters na ako actually. Hindi ko lang pinublish yung iba haha.

Try ko talagang matapos ito. Thank you!

~~~~~~~~~

Lahat kami ay tahimik lang na naghihintay sa itatanong ni color sa tatlo, habang may kaba at awa sa aming dibdib.

Napaka tuso talaga ni Color, pinili niya talaga kung sino-sino ang pag sasamahin niya sa laro niya.

Simula first year kami, ay matalik ng mag kakaibigan ang tatlo, sa pagkakaalam ko mag kakaklase na sila simula pa noong grade school.

Kaya alam ko, lubos silang mahihirapan laruin ang larong ito. Kung ako ang nasa kalagayan nila, hindi ko alam kung anong pipiliin ko, buhay ko ba o buhay ng pinaka matalik kong kaibigan. Handa nga ba akong isakripisyo ang buhay ko para sa mga kaibigan ko, o handa kong isakripisyo ang mga kaibigan ko para sa buhay ko?

"Buhay mo o buhay ng kaibigan mo?" mahinang sabi ni JD, pero dahil katabi ko siya ng mga sandaling ito, narinig ko ang sinabi niya kahit parang bulong nalamang ito.

"Selfless or selfishness?" seryosong pahayag din ni Zach.

Hindi lang ito basta simpleng laro, bukod sa may patayang magaganap, test din ito kung gaano ka katotoo, kung gaano mo pinahahalagahan ang mga kaibigan mo at ang pagkakaibigan niyo.

"Kung sino man sa inyo ang unang makakuha ng tatlong tamang sagot ay ang unang maliligtas. You only have five seconds to answer." Color.

"I can't do this, hindi ko kayang laruin ang larong ito kung alam kong maaring isa sa inyo ang mamatay kung lalaban ako." umiiyak na sabi ni Gly.

"Ako din. Hindi bale ng mamatay ako basta mabuhay ang mga kaibigan ko." sagot din ng umiiyak na si Misha.

"I love you girls. Hindi ko kayang mabuhay na hindi na kayo kasama. That's why I wont play this game too."

Nasasaktan ako para sa kanila, hindi ko na napigilan ang pag patak ng mga luha ko. Ganun din ang iba.

"Okey the first question is... Do you really treasure your friendship?" pag katapos na pag katapos mag tanong ni color umilaw ang tatlong buzzer.

Alam kong napakadali lang ng sagot sa tanong ni Color. Kung wala lang sila sa ganitong sitwasyon, sigurado ako mas mabilis pa sa hangin ang pagsagot nila ng 'Oo'. Ngunit dahil nga naiipit sila sa sitwasyon, wala ni isaman sa kanila ang nais na pumindot ng buzzer at sumagot.

Lahat ng mga mata ay nakatingin sa kanila.

"Anong ginagawa niyo bakit ayaw niyong sumagot?" Nyfa.

"Times up! At dahil walang pumindot sa inyo.."

Lahat kami ay nagulat ng makarinig kami ng pag galaw ng machine. Yung mga patusok na nasa ulunan nila ay gumalaw pababa.

"Dalawang beses nalang pwedeng bumaba ang mga patusok sa ulunan niyo, ang pang apat na pag baba nito ay kikitil na sa inyong mga buhay. Sa bawat tanong na walang pumindot ng buzzer, pare-parehong bababa ang mga patusok ninyo. Kaya kung ako sa inyo, pipindutin ko ito at sasagot ng totoo."
"Damn you who ever you are! Bakit mo ba kami pinag lalaruan?! Anong ginawa namin sa'yo?" galit na sigaw ni Gly.

Black SectionWhere stories live. Discover now