Chapter 1

55.1K 778 21
                                    


"Anak pinagluto kita ng paborito mong ulam" Tuwang tuwa naman ako habang nilalapag ni Mama ang Adobong manok na tuyo sa lamesa, paborito ko kasi ang adobong manok na tuyo kaya lagi itong hinahanda sakin ni Mama.

"Thanks ma" agad naman ako kumuha ng napakaraming kanin.

"Mukhang gutom na gutom ka ngayon anak ha" nakangiting sambit ni mama at kumuha na din ng pagkain.

"Ma naman hindi ka pa ba nasanay sakin?" Natatawa kong sabi at nagtawanan lang kami ni mama at kumain na. Kaming dalawa lang ni Mama dito sa bahay yung Papa ko iniwan niya na kami nung nalaman niyang buntis si mama sakin hindi na siya nagpakita pa kaya proud na proud ako kay mama dahil napalaki niya ko ng maayos at may respeto.

"Pagkatapos mong maligo kana at papasok ka pa sa school" Parang highschool akong pinagsasabihan ni mama, ganyan naman siya lagi dahil only child ako, napakaover protective din niya sakin kaya hanggang ngayon wala pa kong boyfriend hindi naman din ako nagmamadali at gusto ko pang makapagtapos dahil itong year na lang gagraduate na din ako. Hindi ko lubos na isipin na nakaya ni mama na pag-aralin ako sa mataas na paaralan dahil hindi naman kami ganon kayaman kaya ang tanging masusukli ko lang kay mama ang makapagtapos ako sa pag-aaral.

"Ma, alis na po ako"

"Mag-iingat ka anak" Ngumiti na lang ako at umalis na. Sumakay naman ako sa jeep na papunta sa school

"Manong para po!" Sigaw ko sa manong dahil kanina pa ko pumapara at hindi niya naririnig dahil napakalakas ng tugtog niya sa loob ng jeep. Bigla naman niyang prumeno ng malakas kaya napausog kaming lahat sa unahan, buti na lang hindi ako nahulog pero napasubsob ako sa likod nung lalaking katabi ko.

"Shit" rinig kong sabi niya.

"Sorry po" sabi ko lumingon naman siya at nanlaki ang mata ko. Gosh seriously nagjejeep siya? Akala ko ba mayaman siya?

"Tabi nga" nauna naman siyang nagbumaba kaya bumaba na rin.

"Uy, sorry ah" tumatakbo naman ako dahil napakabilis niyang maglakad, ayaw niya bang makitang nagjeep siya dahil baka maturn off yung mga babaeng nagkakahumaling sakanya, napatawa naman ako ng malakas kaya napatingin siya sakin.

"Anong tinatawa-tawa mo dyan?" Huminto naman ako sa pagtawa at nagseryoso ng mukha

"Wala, nagsosorry lang ako kaso ayaw mo kong pansi-" hindi naman niya ko pinatapos magsalita at nagsalita din siya.

"Yeah, Forget about that and wag na wag mong sasabihin kahit kaninong sumakay ako ng jeep" bumilis na siya maglakad kaya naiwan na ko

"OKAY!" sigaw na sabi ko para naman marinig niya.
Pumasok na din ako sa loob ng School at nakita ko rin siyang naglalakad sa hallway, iba na rin yung damit niya para hindi siguro siya mapansin na siya yung nakasakay sa jeep. May mga kasama naman siya mga barkada niya siguro parang sila yung nasa boys over flower, apat din sila at halos lahat ng babae ay nagkakandarapa sakanila pero hindi ako isa don. Di ko sila type no.

"Grabe ang pogi talaga ni Xander"
"Oo nga eh, napakaswerte talaga ng mga nagiging girlfriends niya" bulong bulungan ng isa sa mga nagkakandarapa sakanya. Pumunta muna ko sa locker ko para ilagay ko yung mga ibang libro na hindi ko naman gagamit.

"Later's babe" malanding sabi nung babaeng napakaiksi ng skirt kay Xander. Tumango lang naman ito at napatingin sa gawi ko kaya sinarado ko na yung locker ko.

Dumuretso na ko sa Room kung saan ang unang class ko at dumating naman agad yung prof kaya nagsiayusan sila ng kanya kanyang pwesto, bigla naman bumukas yung pinto ng napakalaki at lumabas dito ang lalaking kumikinang at pinagtitinginan ng buong klase, chos. Si Xander sino pa ba?

"You're late Mr. Green" nakataas na kilay na sabi ng prof namin habang nakatingin sakanya.

"Whatever" Umupo naman siya dun sa likod din, bali ako tapos may katabi akong nerd ba to? Nakasalamin kasi siyang parang kay harry potter o baka uso lang talaga yun at hindi ko alam? Ewan. Tapos siya na. Sinubsob niya yung mukha niya sa desk at natulog nakaharap sa gawi namin at nasisinagan ang mukha niya ng araw. Kitang kita ko naman ang buhok niyang light brown at medyo magulo, uso ba yun? Karamihan kasi ng mga nakikita ko ganon ang style, hays nawawala na talaga ako sa uso at puro pag-aaralan lang ang inaatupag. Pati na ata ang style ko napagiwanan na at para nasa 70's Era pa ko. Nakapaldang mahaba kasi ako tapos nakablacer na white na longsleeve at nakarubbershoes. Yeah napakabaduy talaga puro naman kasi ganto ang damit ko simula pa ng highschool ako at hanggang ngayon hindi parin nagbabago.

"Mr. Green read the whole book in front of class!!" Beastmode na si Prof, nagising naman siya sa alingawngaw na boses na nagpaikot ikot sa apat na sulok ng kwarto.

"What?" Mukhang inaatok pa na sabi niya.
Nagtawanan naman yung iba naming kaklaseng lalaki at ang mga babae nagsilabasan ang cellphone at halatang pinipicture siya.

"From now on I don't wanna see your face in my class now get out!!" Sigaw ulit ng prof namin at binali na ang hawak niyang maliit na bamboo stick. Nakakatakot talaga siyang magalit

"Okay" lumabas naman si Xander at nagpatuloy na sa pagtuturo ang prof namin at halatang badtrip parin sa ginawa ni Xander.

Natapos na din yung class niya kaya nagsilabasan na ang iba kong kaklase at konti na lang ang natira, inayos ko pa ang bag ko bago umalis, dumaan muna ko sa locker ko para kunin yung ibang notes ko para sa susunod na subject.

"Ginawa niya yun?" Natatawang sabi nung isa, as usual nagkukumpulan nanaman silang magkakaibigan.

"Yeah, i dont wanna see her face too tsaka alam ko namang may pagnanasa din sakin yung babaeng yon" nakangising sabi ni Xander sa mga kaibigan niya. Tinutukoy niya siguro yung Prof namin mukhang bata pa kasi yun at maganda kapag wala siya sa class niya o nakita mo lang siya mapagkakamalan mong estudyante lang siya dito.

Nagtawanan naman silang apat, ang peplayboy talaga nila.

Hello, DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon