Chapter 72: (Before what happened:2)

Start from the beginning
                                    

"Yan ka na naman Lai eh.. iniiba mo iyong usapan."

"Hindi ah. Haha.. basta you will know him soon. Okay aalis na ko, madali lang naman ako gagamitin ko iyong bike ko." Again, I kissed his cheek and I waved my hand before I walked towards the door.

Nung nasa garage na ako kinuha ko iyong bike ko at nagstart na ako magpaandar papunta sa playground na sinabi ko kay G.

Nung nakarating ako ay nakita ko na siya agad na nakaupo sa bench na malapit sa swing. Nakita niya na rin ako thanks sa mga light post na nandito kaya maliwanag pa.

"Hello, G. Miss mo ko agad? Haha" natatawa ako pero ang seryoso ng hitsura niya. "Ano ba kasing pag-uusapan? Or rather, anong sasabihin mo at pinalabas mo pa ako ng ganitong oras?" Umupo rin ako sa bench na inuupuan niya.

He sighed, again and again, then he faced me. He looked into my eyes. Kinabahan ako.

"They already knew about us knowing each other." Iyon ang sinabi niya after ng ilang minutong katagalan.

Hindi naman ako nagulat. Alam ko naman na malalaman ng mga kaibigan niya iyon, pati iyong Kayla Marien, na pinsan ni G. Nagtataka pa nga ako kung bakit hindi pa dati? Bakit natagalan bago nila nalaman iyon. Hindi naman masyadong discreet ang pag-uusap namin ni G, from phone to personal.

I met G or Geo way back nung nasa America ako. Two weeks palang ako nun sa america at nag-aaral ako doon pero nung pauwi ako ay may mga lalaking malalaki ang humarang sa daanan ko. White guys sila na mukhang mga goons at sobrang natakot ako.. pero naisip ko rin na kung mawawala ako makakasama ko na naman ang kambal ko kaya tinanggap ko na ang posibleng gawin nila kaya nung nag-angat ng baseball bat iyong isang lalaki ay pumikit nalang ako..

But then, matagal na akong nakapikit pero walang tumatama sa akin kaya I had to open my eyes.. and I saw someone's back. He's protecting me and he seemed to know how to handle those americans kasi bigla na rin nagsilayuan iyong mga iyon. Nung humarap sa akin ang 'savior' ko, nakita kong hindi siya mukhang american kaya I knew na he's asian. Mas nalaman ko pang pinoy siya nung nagbulong siya ng tagalog words kasi tinatarayan ko siya.

After that encounter, nalaman ko pang sa iisang school kami nag-aaral kaya mas naging close kami. Until we became friends and the rest is history.

"Hindi ka ba nagulat?" He asked. Umiling ako.

"Bakit ako magugulat? I kinda expected this.. na malalaman nila. Dapat nga dati pa eh.. pero I guess magaling kang magtago sa Girlfriend mo." I chuckled lightly. Pero hindi pa rin siya tumatawa.

This is getting uncomfortable for some reason.

"Ano ba talaga, Geo? What do you want to say?"

..

..

..

"Itigil na natin ang plano.. stop this revenge thing, Laira." Tama ba iyong dinig ko..?

Tinignan ko siya sa mata at nakita kong tama nga ang rinig ko. Sinampal ko siya at tumayo ako na parang hindi ako makahinga kapag nakaupo. Napahawak pa ako sa sentido ko at pinipigilan ang maiyak.. pero hindi rin napigil.

Ghost Detective! (COMPLETED)Where stories live. Discover now