Special Chapter

635 28 5
                                    

Contentment.

Iyon ang nararamdaman ni Raven ng mga oras na iyon. Yes, she always felt the contentment in her doing but its over than that.

She looked at the man beside her. It's been a weeks since they got married. They both happy. They live at their own house na matagal na palang pinagawa ng binata. She never thought na ganito pala siyang kamahal ng binata.

At her age, hindi niya sukat akalain na matatagpuan niya pa ang lalaking makakasama niya habambuhay. Hindi na kasi siya umaasa pang magkakaroon siya ng sariling pamilya. Masaya na siyang kasama anh kaniyang ina at nasanay siyang sila lamang dalawa. Pero ngayon, sino ba namang mag-aakala na na si Axel pa rin sa paglipas ng mga taon. Hindi na siya umaasa pa noon na magtatagpo ang landas nila, akala niya rin kasi ay nangibang-bansa na ito at doon na bumuo ng sariling pamilya.

Pinagmasdan niya ang asawang mahimbing na natutulog sa kaniyang tabi. Linggo ngayon kaya hindi nila kailangan gumising nang maaga. Mamayang hapon pa naman sila magsisimba kasama ang kaniyang ina.

Maingat siyang bumangon at dumeretso ng banyo. Pagkatapos niyang maghilamos at magsepilyo ay dumeretso na siya ng kusina para maghanda ng pagkain. Habang nagluluto ay naramdaman niyang may yumakap sa kaniya mula sa likuran.

"Good morning.." ani ni Axel sabay halik sa kaniyang pisngi pagkatapos ay ibinaon nito ang ulo sa kaniyang kanang leeg.

"Good morning din. Maupo ka na muna at matatapos na itong niluluto ko."

"Ang aga mo namang nagising. Alas-siyete pa lang ng umaga." maktol na sabi ng kaniyang asawa na hindi pa rin bumibitaw sa pagkakayakap sa kaniya.

Napangiti si Raven. Kapag bumabangon siya ay tila nararamdaman ni Axel kaya bumabangon na rin ito. Madali itong magising lalo na kapag wala siya sa tabi nito. "Susunduin pa natin si Mama bago tayo magsimba. Magpapasama rin daw siyang mamalengke dahil doon tayo maghahapunan sa bahay. Kaya agahan daw natin ang punta."

"Bakit hindi na lang dito tumira si Mama.? Marami namang bakanteng kwarto rito." Ani ni Axel habang nagtitimpla ng kape.

"Ayaw niya raw iwanan 'yung bahay, kasi bahay na namin yun simula ng mag-asawa sila ni Papa. Ayaw niya naman na doon tayo tumira dahil dapat daw ay hindi tayo nakikisunong sa mga magulang natin." mahabang paliwanang ni Raven.



Kinagabihan ay nagtipon-tipon sila sa bahay ng kaniyang ina. Inimbitahan din ni Raven ang magulang ni Axel pati na rin si Miranda. Hindi alam ng lahat na mayroong importanteng sasabihin si Raven na balita.

"Salamat sa dinner, Balae. Napakasarap ng kare-kare na niluto mo." ani ng ina ni Axel.

"Wala 'yun, balae. Buti nga at nakakalagluto pa rin ako kahit papaano. Minsan kasi ay simpleng mga ulam lang ang naluluto ko dahil ako lamang ang mag-isa rito. Kaya natuwa ako nang sinabi ni Raven na magdidinner kayo ngayon dito." masayang kwento ng kaniyang ina.

Tumikhim si Raven para makuha ang atensyon ng lahat." Actually po kaya po naisipan kong ayain kayong magdinner dito ay dahil may mahalaga po akong sasabihin." Medyo kinakabahan niyang sabi pero sinigurado naman niya ang lahat bago niya ipaalam.

Ano 'yun, mahal? May problema ba?" nag-aalalang tanong ni Axel sa kaniya.

"OMG! Wag mong sabihing buntis ka na?" excited na tanong ni Miranda. Napairap naman siya rito kahit kailan ay panira ng moment.

Bumuntong-hininga siya bago magsalita. "I'm 5 weeks pregnant."

Nakatitig lang sa kaniya ang lahat na tila hindi narinig ang kaniyang sinabi. Hindi maintindihan ni Raven ang ekspresyon ng mga mukha nito. Tumingin siya kay Axel na nakatingin din sa kaniya na naluluha ang mga mata. Ngumiti siya rito.

" Magiging tatay na ako?" mabagal siyang tumango rito. "Mom! Dad! Mama! We're preganant! I'm going to be a father!" masayang sigaw nito na parang malayo ang mga kausap. Hinawakan ni Axel ang mukha ni Raven at hinalikan sa labi. Niyakap niya ito ng kay higpit.

Masaya silang binati ng kanilang mga magulang dahil may darating na anghel sa kanila. Hindi pinagsisisihan ni Raven na bingyan niya ng pagkakataon muli ang puso niya na mahalin ulit ang taong una niyang minahal. Hindi man perpekto ang love story nilang dalawa ay alam nilang inilaan sila sa isa't isa. May tamang panahon nga lang ang pag-ibig.

Wala nang hihilingin pang iba si Raven. Isang panibagong yugto na naman ng kaniyang buhay ang kaniyang bubuksan. Ang pagiging isang ina.

"I love you." ani ni Axel habang matama itong nakatingin.

"I love you too.."

-------
Thank you for reaching this far. Thank you for the love and support to Axel and Raven. This is all for you. ❤️❤️

Captured Her Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon