Chapter 11

1.5K 67 10
                                    

Chapter 11

Kanina pa palakad-lakad si Raven sa likod ng stage nila. Doon niya kasi sinabi sa binata na magkita sila bago mag-umpisa ang klase. Sinabihan niya rin ito na agahan ang pasok. Di naman masisi si Raven. Marami na siyang gagawin kapag malapit na ang exams. Yes, a part of her wanted to finished their task with him para di na niya ito makasama. Di na niya kaya ang presensiya nito sa malapitan. Pero di naman siya ganung tao. Ang sa kaniya ay baka mawalan na siya ng enough time para sa article na iyon. Gusto niya na hindi siya inaabutan ng deadline sa bawat gawain niya. Malaking part ng dyaryo ang article niya kaya dapat niyang ibigay ang best niya.

After the exam ay alam ni Raven na may kung ano-ano na namang activities ang school nila. Magkakaroon ng taunang Intrams pag tapos ng exam nila. Kaya alam niyang magiging busy at hectic ang schedule niya.

"Sorry na late ako ng gising. Kanina ka pa." Sabi ni Axel pagkarating pa lang.

Tinaasan siya ng kilay ng dalaga. "Di ka pa rin nagbago sa gawi mo. Late ka pa rin." Binuklat nito ang bag at kinuha ang flashdrive doon. Tiningnan niya rin ang wristwatch niya. 10 mins na lang ay magsisimula na ang unang klase nila.

Hinarap niya ang binata at inabot ang flashdrive niya dito. "Mamaya na lang natin gawin after class. Sa room na lang tayo. Eto yung flashdrive ko. Male-late na kasi tayo." Sabi niya na tila sinisisi ang binata.

Napakamot na lang ng batok ang binata. Alam niya kasing wala siyang laban dito. Kinuha na lang niya ang flashdrive na inaabot sa kaniya. "Tara na baka ma-late na tayo." Sabi niya pagtapos itago sa bulsa ang flashdrive ng dalaga.

"Mauuna na akong pumasok. Sumunod ka na lang matapos ang ilang minuto. Sanay ka namang ma-late diba? Saka baka kung anopang isipan ng iba. Sige."

"Ang sama talaga.." alam niyang di na siya narinig ng dalaga. Iniwan na kasi siya nito.

Matapos ang dalawang minuto ay naglakad na rin siya papuntang classroom. Pagpasok niya palang ay hinanap agad ng mata niya ang dalaga. Tahimik lang ito at di man lang siya tinapunan ng tingin. May notebook at ballpen na rin ito sa table. Napailing na lang si Axel. Kakaiba talaga ito. Napakalaki ng dedikasyon sa pag-aaral.

Mabilis natapos ang klase nila maghapon. May nagpa-activity, quiz at assignment. Alam ni Axel na kulelat na naman siya dahil hindi naman siya nag-aral ng leksiyon nila.

Nang makalabas na ng klase ang mga kakalse niya ay agad niyang nilapitan ang dalaga na abala naman sa pagliligpit ng mga gamit nito.

"Raven.." tawag niya dito. Nag-angat naman ng tingin ang dalaga. "San tayo?" Tanong niya.

"Dito na lang sa table ko. Manghila ka na lang ng upuan dyan." Simpleng sabi nito na parang wala lang. Umusad ito upang magkaroon ng space sa tabi nito.

Binaba na muna nya ang laptop niya sa table nito at dinukot ang flashdrive sa bulsa upang ilapag din. Bago humila ng upuan at pumwesto sa tabi ng dalaga.

"Buksan ko?" Alangang tanong ng dalaga. Tumango na lang siya. "May password." Sabi pa nito. Sabay baling sa kaniya ng laptop.

Tumipa si Axel ng password sa laptop at muling iniharap dito.

"For Privacy huh?" Pang asar ni Raven sa kaniya.

"Bakit di ka ba naglalagay ng password?" Balik tanong ni Axel dito.

Umiling si Raven. "Di ko kaylangan. Wala naman akong tinatago e. Tara magsimula na tayo. Nasan yung mga nakuha mong pictures?"

Nagsimula na nga silang magtrabaho. Namili muna sila ng mga pictures na gagamitin nila. I-crop then konting edit. Buti na lang at high-tech ang laptop ni Axel. Pinabasa ni Raven kay Axel ang ginawa niyang article. Pagkabasa ng binata ay in-approvan agad niya ito. At exactly 6:00 ay natapos nila ang lahat. Two hours of working is enough. Sinave na ni Raven ang gawa nila sa flashdrive at pinatay ni Axel ang laptop.

"Bukas na natin ipasa ito kay Mrs. Ramirez. Sana magustuhan niya." Sabi ni Raven habbang nag-aayos ng gamit.

"Maganda nga ng pagkakagawa e, biruin mo powers nating dalawa ang ginamit. Isinulat ni Rachel Valerie Santos at Kinuhanan ni Axel Drake Garcia. O diba? Pwede na tayong Partners in Crime!" Tumatawang sabi ni Axel.

Napailing na lang si Raven. "We're not a Partners in Crime, Axel. Thank you sa cooperation mo. But, I'm not looking forward to work on you again even in the future." Matigas na sabi Raven. At nagsimula ng maglakad papuntang pintuan.

"Tsk! Ang tigas talaga ng babaeng 'to!" Bulong ni Axel habang inaayos niya ang pagkakalagay ng laptop sa bag niya ng may mapansin siyang bagay sa ilalim ng lamesa ng dalaga. Pinulot niya iyon. Ballpen ito ng dalaga. Madalas niyang makitang nasa table ito ng dalaga ngunit di niya pa nakitang ginamit ito.

Sinisipat niya ang ballpen na iyon upang alamin kung ano ang espesyal doon. Napansin niya may naka-engrave na letra sa isang bahagi niyo.

RVS ♥

It must really important to her. Nasa isip ni Axel. Nagulat si Axel ng may biglang humila nito sa kaniya.

"A-ahmm. T-thank you. Akala ko na wala na. Sige." Sabi lang ni Raven at tinalikuran na siya nito.

Napailing na lang si Axel. Grabe talaga si Raven. Parang hirap pa ditong magsabi ng thank you. Pero napaisip si Axel kung kanino galing ang ballpen na iyon at parang importante ito sa dalaga.

--

"Buti na lang nakita ko ulit ito." Sabi ni Raven habang hawak niya ang ballpen. Naglalakad siya pauwi sa kanila. Buti na llang at si Axel ang nakapulot niyon.

Bigay sa kaniya ng Papa niya ang ballpen nung huling kaarawan niya kasama ito. Ito ang kahuli-hulihang regalo ng Papa niya kaya iniingatan niya. Kung para siguro sa iba ay napakasimpleng bagay lang ng isang ballpen. Pero sa kaniya ay malaking bagay iyon. Sentimental para sa kaniya ang bagay na iyon. At kahit kaylan ay di niya hahayaang mawala ito. The best gift na para sa kaniya iyon dahil mula iyon sa isang espesyal na tao.

---

Captured Her Heart (Completed)Where stories live. Discover now