Chapter 16

1.5K 48 16
                                    

Chapter 16

Dumating ang araw ng Graduation Ball nila. Nung umaga nang araw ding iyon ginanap ang Graduation nila. Hindi mapakali si Raven. Lalo na at di dumalo si Axel. Nagdagdagan ang kaba niya dahil simula nang nangyari ng araw na nagalit ito dahil sa sinabi niya ay di na pumasok ang binata. Di rin ito dumalo sa mga practice nila. Tinatawagan niya din ito ngunit out of reach ang phone nito.

Habang tumatagal ang party ay lalo siyang nangamba. Nakikita rin niya ang mga panuyang tingin ng mga batchmate niya at mga ngisi nito. Sa sobrang pagkailang ni Raven ay mas minabuti na lang niyang i-organize ang event at ginawang abala ang sarili. Sa pinakasulok din siya pumwesto para di siya mapansin ng mga ka-batchmate niya.

Ano ka ngayon SC President?

Napahiya ka tuloy? Poor you.





"Anak.." ang tawag na iyon ang nagpabalik sa kaniya sa realidad. Masyadong matagal na ang pangyayari iyon ngunit sariwa pa rin sa kaniyang isipan ang bawat detalye ng pangyayari iyon. Sa huling taon niya sa sekondarya ay nakaranas siya ng kakahiyan. Isang kahihiyan na gawa ng isang lalaking punagkatiwalaan niya.

"Good morning, Ma." Bati niya sa ina. Silang dalawa na lang sa buhay. Ang mama niya ang nagtaguyod sa kaniya upang makapagtapos siya sa pag-aaral.

"Good morning din." Humalik siya dito. "Halika na at ipaghahain kita ng umagahan." Hanggang ngayon ay binubunso siya ng ina, na di naman niya tinututulan.

"Di na po muna, Ma. Mamaya na lang after kong mag-jogging. Ang tagal ko na rin di nagagawa ang morning routine ko." Paliwanag niya sa ina. Totoo iyon. Masyado kasing ginagawa sa opisina nila. Kagabi lang ang nag-celebrate ang kompanya nila ng anibersaryo nito kasabay pa niyon ang pag-promote sa ilang empleyado kabilang na siya. Kaya nga mas naging busy siya at focus sa trabaho ay dahil kailangan niyang patunayan na deserved niya ang promotion na ibinigay sa kaniya. Ngayon lang siya nagkapahinga. Tuwing sabado ay kasama sa morning routine niya ang pagjo-jogging.

"Ikaw naman kasi ay masyadong focus ka sa trabaho mo. Aba! Tao ka lang din! Sana ay alam mo ang salitang pahinga." Pangaral sa kaniya ng ina.

"Ma, naman. Saka alam niyo naman po na sobrang busy ngayon sa office. Buti nga at tapos na ang anniversary ng company." Paliwanag niya sa ina.

"Naku, ikaw bata ka. Kahit kape man lang ba ay ayaw mo muna?"

Umiling siya sa alok ng ina. "Pa-pawis muna ako, Ma. Isang routine lang siguro ako. Sige po." Pero di pa siya nakakaalis ay muli itong nagsalita.

"Ayaw mo talaga." Natatawa siyang umiling sa ina. Hindi niya alam kung bakit kanina pa siya nito kinukulit. "Basta wag kang makikinig sa mga sasabihin ng mga tao." Paalala nito sa kaniya.

Napailing na lang siya habang nagsisimula ng mag-jogging. Panigurado ay may kalokohan na namang ginawa ang ina niya. Hindi kasi maiiwasan ang pagiging tsismosa ng ina lalo na at di na ito pabata.


Sandali palang nakakatakbo si Raven ay may narinig siyang tumawag sa kaniya. Nilingon niya iyon. Si Joanne. Nakatira rin ito sa Subdivision na tinitirhan nila.

Binagalan niya ng konti ang takbo upang maabutan siya nito. "Uyy,, Raven ngayon lang kita ulit nakita ha?" Nakangiting ani nito.

"Naging busy lang sa work. Lalo kang sumesexy ha?" Puri niya dito.

"Ayy, salamat. Naku talagang yung Melody na yan pinagloloko ako. Hmmp!" Ismid nito. Petite na babae lang si Joanne pero may angking kagandahan. At marunong itong mag-alaga ng katawan.

Captured Her Heart (Completed)Where stories live. Discover now