Chapter 10

1.7K 63 17
                                    

Chapter 10

Maaga siyang pumasok sa araw na iyon. Excited na siyang makita ang dalaga. Ewan niya ba at sa simpleng bagay lang patungkol dito ay masaya na siya. It is not him. Alam niyang may kakaiba sa kaniya but he didn't know it yet. Mas maganda sigurong enjoyin na muna niya kung ano iyon. Kahit nasaktan siya sa sinabi ng dalaga nung isang araw ay binalewala na lang niya. Hindi pa rin siya tititgil hangga't di nagiging malapit dito.

He is whistling while walking to their classroom. Alam niyang wala pang tao kundi ang dalaga. Maaga kasi talaga itong pumapasok. Pagpasok niya ay tama ang hinala niya. Mag-isa lang talaga ito habang nagbabasa.

"Good morning, Raven!" Masiglang bati niya dito.

Tumingin ito sa kaniya ngunit sandali lang iyon. Muli itong bumalik sa pagbabasa. Napangiti na lang siya. Ang suplada talaga nito.

Hindi na niya ginulo ito. Baka uminit lang ang ulo sa kaniya. Kaya pumwesto na lang siya sa upuan at dumukdok. Nag-iisip kung anong planoupang mapansin ng dalaga.

---

Gustuhin man ni Raven na batiin ang binata ay pinigilan niya ang sarili. Baka kasi pagpinansin niya ito ay di na siya tinantanan. Nakita na niya itong dumukdok sa lamesa nito. Baka matutulog? Isip niya. Ang aga kasi nitong pumasok which is not him. Palagi kasi itong late. Namumuro na ito sa violatoon dahil sa pagiging late. Nakalimutan ata ang salitang punctuality.

Ibinalik na niya ang atensiyon sa binabasa. Tama na ang dalawang gabi panggugulo ng binata sa isip niya. Mas lalo lang siyang naiinis.

Di rin naman nagtagal ay dumami rin ang tao aa classroom nila. At alam niya na iisa lang ang reaksiyon ng mga ito. Lahat ay nagulat dahil maaga si Axel. Maging ang guro nila ay nagulat din.

"Anong nakain mo Mr. Garcia at ang aga moatang pumasok ngayon?" Puna ni Ms. Cortes.

"Omelette po Ma'am!" Masigla namang sabi ni Axel. Nagtawanan naman ang mga kaklase niya.

"Mas maganda siguro ay araw-araw kang kumain ng Omelette para lagi kang maaga." Pagsakay ng guro nila dito.

Naging smooth naman ang araw na iyon para sa kanila. Laking pasasalamat ni Raven at di siya kinulit ng binata. Baka kasi haluan pa ng kung ano ng mga classmate niya kapag nakita silang nag-uusap.

Buong araw na iyon ay wala namang ginawang masyado si Raven pero huli pa rin siya. And unexpectedly, inaantay siya ni Axel.

"Uwi ka na?" Tanong nito pagkalabas niya ng classroom.

"Hindi. Papasok ulit. Slow lang." Simple niyang sagot.

"Ang sungit mo talaga, Rachel Valerie! Meron ka ba ngayon?" Sabi nito ng nakangisi habang sinasabayan siyang maglakad papuntang gate.

Nanalaki ang mata niyang tumingin dito. "W-what?" Alangan niyang tanong dito. "Ikaw Axel tumigil ka lang ha? Wala ako sa mood ngayon. Kaya pwede bang wag mo na akong kulitin." Sabi niya na ibinalik ang tingin sa daan.

"Okay." Simpleng sagot ng binata. Tahimik silang naglakad sa may gate. Huminto ito sa tapat ng dalaga.

"Hatid na kita?" Alangang tanong nito sa kaniya.

Umiling na lang si Raven. "May paa ako. At makakauwi akong mag-isa. Sige."

"Ayaw mo talaga?" Pagpupumilit ni Axel.

"No need Axel. My decision is final." Sabi niya at nagpatuloy ng paglalakad.

HIndi naman na siya nito kinulit pa. Buti na lang at tila marunong na itong makiramdam. Ayaw niyang maging attached sa binata.

----

Mabilis lumipas ang mga araw at linggo. Ngayon nga ay ang huli nilang interview sa may ari ng resorts. Mababait naman ang may ari at staffs ng mga ito. Hinayaan silang makapasok at makakuha ng litrato sa loob ng walang bayad. At hiningan lang sila ng mga kopya ng dyaryo. Masaya si Raven na may na-accomplished sila. Buti na lang at maging si Axel ay marunong makisama. Muntik pa ng silang mapagkamalang may relasyon na siya namang pilit sinasabing hindi sila.

"Thank you, Ms. Perez for this interview." Magalang niyang sabi dito. Sadyang mababait ang mga ito. Kaya lubos na pinagpapala ang resorts nila.

"Oh! It's my pleasure, Dear! Give me a copy of your school newspaper okay?" Masiglang sabi nito.

"Makakaasa po kayo. Ako pa po mismo ang magdadala sainyo ng kopya." Nakangiting sabi niya dito.

"That's good to hear. Anyway, isama mo rin ang boyfriend mong photographer." Sabi nito sa kaniya sabay kindat sa kaniya.

Napangiwi naman siya sa sinabi nito sabay tingin sa gawi ni Axel hoping na sana ay di nito narinig. Ngunit mukang malakas ang radar nito at nakangiting lumapit sa kanila. Balak sanang sabihin sa kausap na hindi sila ngunit naunahan siya ng binata.

Inakbayan siya nito sabay sabing. "Sure Miss Pere! Kami na po ng Girlfriend KO ang magdadala ng kopya nun sayo. Makakaasa po kayo." Sabi nito na may diin pa sa salitang KO.

"Perfect!" Sabi nito na may kasamang palakpak. "You two are good together! Anyway, I have to go may Date pa kasi ako with my boyfriend!" Kinikilig pang bigkas nito.

"Thank you for your time. Goodluck for your date." Sabi pa ni Axel.

Pagkaalis na pagkaalis ni Miss Perez ay siniko ni Raven si Axel dahilan upang matanggal nito ang brasong nakaakbay sa kaniya.

"G*go ka talaga, Garcia! Kahit saan ay dinadala mo yang kalokohan mo! Sa halip na sabihin mo na walang 'tayo' ay nakisakay ka pa." Asik niya dito. Parang lalong nainis lang siya.

"Eh, di naman ako nag-conclude e. Sila kaya yun! Saka di mo ba narinig bagay daw tayong dalawa!" Kasabbay ang pagtaas baba ng kilay nito.

Napairap naa lang si Raven. Wala talagang pinipiling lugar ang para maging maloko ang binata.

"Bahala ka nga diyan! Akala lang nila yon!" Nag-umpisa na siyang maglakad. Nang makakita siya ng bench ay umupo siya doon at itinuwid ang mga binti. Nangalay ata kanina kakalakad nila sa resort. Ipinikit niya ang mga mata at sinimulang hilutin ang mga tuhod.

Napapitlag siya ng may ibang kamay ang humawak sa mga binti niya. Pagdilat niya ay si Axel pala. "Anong ginagawa mo?" Tanong niya dito.

Pero imbes na sagutin siya ay tinanong lang din siya nito. "Okay na ba? May masakit pa ba sayo?" Mahinang tanong nito.

"O-okay na ako. T-tigilan mo na nga iyan!" Paalis niya dito. Naiilang kasi siya. Lalo na at naka-tokong short lang siya.

Binitawan naman siya nito at umupo naman ito sa tabi niya. Tahimik lang sila. Hindi naman awkward silent ang namamagitan sa kanila.

"Bukas umpisahan na nating i-edit ang lahat. May laptop ka ba?" Pagbasag niya sa katahimikan nila.

"Meron. Bakit parang nagmamandali ka?" Takang tanong ni Axel sa dalaga. Nakatingin siya dito ngunit deretso lang ang tingin nito.

"Dalhin mo bukas. Para mapili natin ang gagamiting pictures. Mamayang gabi sisimulan ko na ang paggawa ng article. Sa Flashdrive ko na i-save para maipasa na natin." Sabi ni Raven na deretso pa rin ang tingin.

"Bakit pakiramdam ko na ayaw mo na akong makasama kaya gusto mo ng matapos natin ito?" Tila nahihinampong sabi niya.

Tumayo na ang dalaga. "Siguro nga ganun. Malapit na ang exam natin kaya gusto ko ng matapos 'to. Halika na." Iniwan na siya ng dalaga.

Hindi maintindihan ni Axel kung bakit ganun si Raven. Maging siya ay di niya maintindihan ang sarili. Maisip pa lang niyang iiwasan siya nito ay nalulungkot na siya. Ayaw sa kaniya ng dalaga iyon ang malinaw sa kaniya.

----

Captured Her Heart (Completed)Where stories live. Discover now