Chapter 22

1.5K 44 5
                                    

Chapter 22

"May lakad ka?" tanong ng ina niya ng makita siyang pababa ng hagdan.

"May kakausapin lang po ako, Ma. Babalik din po ako agad." paliwanag niya sa ina.

"It's a date?" nakangiting tanong ina.

Mabilis naman siyang umiling. "No! I-its just a meet up." thinking its a date gave her a pang on her chest.

"Ows? Why are you stuttering?" she knew it! Her mother didn't buy her.

"Come on, Ma. I really need to go at kung ano man 'yang nasa isip niyo ay throw it away. Nakakasama po." di niya ito inantay makapagsalita pa, humalik siya dito at mabilis lumabas ng bahay. Knowing her mother ay di siya tatantanan nito.









Axel tapped his fingers on the table. Quarter to 6 na ay wala pa ang dalaga. Alam niyang di ito marunong ma-late. He laughed in his mind remembering that time that Raven said to him na she doesn't want to be late on class. Kaya medyo kinabahan din siya because a part him saying that Raven didn't show up. Baka talagang di pa ready ang dalagang pag-usapan ang nakaraan. Kung sa kaniya ay wala na iyon ngunit alam niyang sa dalaga ay sobrang big deal ang issue na iyon. He didn't blamed Raven that day alam niya kasing nadala lang ito and he understand why she said those words.

"Sorry I'm late." Simpleng sabi ng dalaga na nagpawala sa kaniyang iniisip. He looked at the woman in front of her, Raven looks more beautiful on his sight. She wears a simple denim pants and a blouse that suited her.

Axel looked on his wristwatch. "You're not. You're just early five minutes befor time." He said before getting up and pulled a chair for Raven. "Have a sit."

"Thank you." mahinang ani ng dalaga.

"What do you want to eat?" tanong ni Axel sa dalaga pagkatapos sumenyas sa isang waiter.

"Wag ka ng mag-abala. Kumain naman ako bago umalis sa bahay." pahayag ni Raven na di man lang tinapunan ng tingin ang binata. Bahagyang nadismaya si Axel sa inasta ng dalaga ngunit di niya pinahalata iyon bagkus ay ngumiti siya sa waiter at sinabi ang order niya.

Nang makaalis ang waiter ay tiningnan ni Axel ang dalaga, sadyang napaganda talaga nito, hindi ito nakatingin sa kaniya dahil abala ito sa paglalaro ng table napkin. Bahagya siyang tumikhim upang makuha ang atensyon nito at di naman siya nabigo dahil agad naman itong nag-angat ng tingin at muntik na siyang mapasinghap ng maglasalubong ang mga mata nila. Bahagyang nagtaas ng kilay ang dalaga na tila inaantay ang sasabihin niya, humugot naman siya ng isang hininga upang umayos ang sarili niya.

"Axel.." biglang sabi ng dalaga na tila nainip na sa kaniya. "Can we just stop this? Masyado niyang maliit ang mundo para sa ating dalawa. Pwede bang itigil na natin ang pagpapanggap? I can't stand it anymore."

Naningkit ang mga mata niya. "It's that the issue here, Raven? O yung nangyari ten years ago?" mariin niyang tanong dito.

"It's doesn't matter--"

"Really? O hanggang ngayon affected ka pa rin?" putol niya sa dalaga. "Raven, sampung taon na ang nakakalipas. Bakit hanggang ngayon ay big deal pa rin iyon saiyo."

"Dahil di ko matanggap na wala lang saiyo iyon, na parang di ka naapektuhan, pero sa akin napakalaking impact noon." Nanggigil na sabi ng dalaga.

"Nagi-guilty ka ba? Raven, pinapatawad na kita at matagal ng wala sa akin iyon." mahinahon niyang sabi at pinagsalikop ang dalawang kamay niya at inantay ang sasabihin ng dalaga.








Captured Her Heart (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt