Epilogue

2.7K 83 9
                                    

Epilogue

In every story, there's an ending for a new beginning. At sa istoryang binuo, hindi maiiwasang may masaktan at makasakit ng iba. Pero sa huli, we learned things and changed for the better. Grow up and be a better person.

She looked at the mirror, she saw a lady-no a woman to be exact. Parang kaylan lang noong una siyang nagmahal. Akala niya mali. Akala niya hindi pwede.

Pero sadyang hindi talaga iyon ang tamang oras para sa kanilang dalawa. Panahon ang mali, panahon ang hindi pwede.

Akala niya hindi na siyang magmamahal muli dahil nasaktan siya at tuluyang naging bitter sa love. Pero the same person who she loves so much, who brought her pain is the person who picked up the broken pieces of her heart to make it whole again.

Lahat ng takot at pangamba niya dahil dito. Who have thought that after ten years they will met again? Life is unexpectable, she thought.

A knocked on the door make her senses back in reality.

"Raven, andyan na si Axel sa baba." Rinig niyang sabi ng ina.

She opened the door. Her mother looked at her amused. She looked at her too. She's wearing a lavander dress.

"Ang ganda ng anak ko. Iba na talaga kapag inlove." Nakangiting sabi ng ina.

"Ma!" Sigaw niya.

Ngumiti ito nang nakakaloko. "Bakit? Hindi ka ba in love?" Her mother stopped and smiled at her. She combed Raven's hair just like before. "Dalaga ka na. Masaya lang si Mama dahil masaya ka. At hinding-hindi akong magsasawang ipagmalaki na anak kita." At hindi naiwasang may tumulong butil ng luha sa mata ng ina.

She wants to cry too. "Ma, hindi ako kung ano man ako ngayon kung hindi dahil sa'yo. And just like you, I will never tired saying I'm proud that you are my mother. Your love is unconditional."

Ngumiti ito sa kaniya at pinunasan ang pisngi niya. "'Wag kang umiyak. Sayang ang make up mo. At inaantay ka na ng prinsipe mo sa baba."

Tumango na siya sa ina at mahigpit na niyakap ito. Mahal na mahal niya ang ina. Sa simula hanggang sa huli ay hindi siya iniwan nito. Ito ang sandalan niya sa tuwing nahihirapan siya. Ang naging unan niya sa panahong nasasaktan at umiiyak siya. Ang bestfriend niya na nasasabihan niya ng problema. At ang the best na ina para sa kaniya na naging inspirasyon niya sa lahat ng achievements niya ngayon. She blessed and thankful na napunta siya sa mabuti at mapag-alagang ina. Papiliin man siya ng paulit-ulit kung sino ang gusto niyang maging ina niya ay paulit-ulit niya ring pipiliin ang mama niya.

After ng drama nilang mag-ina ay bumaba na siya dahil nag-aantay na sa kaniya ang nag-iisang lalaking nagpatibok ng puso niya.

Bumungad sa kaniya ang gwapong mukha nito na may nakapaskil na ngiti sa mga labi. And she can't help herself to smile too.

"Good morning, Sweety." Tumayo ito at sinalubong siya. Yumakap ito sa kaniya at binigyan ng isang magaan na halik sa labi.

"Good morning. Ang aga mo a?"

"I will never late if it comes to you." At kumindat pa ito sa kaniya.

Captured Her Heart (Completed)Where stories live. Discover now