Chapter 24

1.4K 42 3
                                    

Chapter 24

It's Sunday afternoon.

And it's Joanne's Birthday. Raven really doesn't want to go but her mother insisted. Ang ayaw niya lang ang salubungin siya ng kung ano anong tanong doon. Knowing those people, they love gossips. And she also remembered Joanne and their conversations last week.

"Raven paalala ko lang. Sa sabado ha? I'm expecting you." Nakangiting sabi ni Joanne sa kaniya nang makasabay niya ito sa pagjo-jogging.

"Sure, count me in." Aniya dito.

"Sabi mo 'yan ha? Atsaka nga pala, wag mong kakalimutang dalhin ang boyfriend mo ha?" May halong pangangatyaw sa tono nito.

"Boyfriend?" Napakunot niyang tanong.

"Aysus! Si AD or Axel Drake para sa'yo! Kaya pala ha? Ikaw, si Papa Axel pala ang boyfriend mo!" Muntik na siyang matalisod sa sinabi. "O, pano Raven. Sabay na kayong dalawa ha?" Di na niya nagawang makapagsalita dahil mabilis itong kumaway sa kaniya at umalis.

Ngayon ay di niya alam ang gagawin. Dalawang linggo na niyang di nakikita ang binata. Kung bakit naman kasi di niya nilinaw ang lahat, di sana ay walang ganoon. Siguro, magdadahilan na lang siya kay Melody kung bakit di makakapunta ang binata.

Three blocks away sa bahay nila Joanne nang may isang bulto ang humarang sa kaniya. Agad nanlaki ang mata niya ng makilala niya kung sino iyon. Napasinghap siya dahil sa dalawang linggong hindi niya itong nakita ay mas lalo yatang gumwapo ito.

"Anong ginagawa mo rito?" Pasinghap na tanong niya sa binata.

"Pupunta sa birthday ni Joanne . Diba doon rin ang punta mo?" Manghang tanong ng binata habang sinasabayan si Raven sa paglalakad.

"Ano naman?"

"Sabay na tayo."

"Kaya kong pumunta doong mag-isa."

"I know. Pero sabay na tayo dahil she expected us to come together." Sabi ni Axel na tila nag-eenjoy sa sa pakikipagtalo sa binata.

"Bahala ka." Pagsuko niya.

"Pero wala akong gift para sa kaniya, nakakahiya naman." Sabi pa ni Axel sabay himas sa batok niya.

"Di sana bumili ka."

"Wala akong time. Kararating ko lang galing Palawan." Pagdadahilan nito.

Pakialam ko? Gustong sabihin ng dalaga ngunit hindi na lang niya isinatinig.

"Share na lang tayo." Nakangiting sabi nito. It's not a question, it's a statement.

"Asa ka! Binili ko ito ng pera ko." Actually ng binili niya iyon ay naisip niya ang binata. Kaya she end up in a figurine na may dalawang swan na hugis puso.

"Edi hati na lang tayo! Come on, Raven. Babayaran ko na lang sa'yo 'yung kalahati." Pangungulit nito.

"Alam mo ang kulit mo rin noh? Kahit sabihin ko na maghati tayo ay wala pa rin. I already put my name on it." Sabi niya upang sumuko ang binata. Galing sa lang kaniya ang regalo iyon.

"Ganito na lang." Mabilis nitong inagaw sa kaniya ang kipkip niyang regalo. Naglabas ito ng isang ballpen na galing sa bulsa na ito at may isinulat na kung ano. "Charan! O diba?"

Pinakita sa kaniya ang isinulat at napailing na lang siya. Paano kasi, isingit daw ba ang pangalan nito sa tabi ng pangalan niya.

"Puro ka talaga kalokohan, Axel Drake!" Parang gustong kiligin nito ng tawagin siya nito sa buo niyang pangalan. It's like a sweet music to his ears. Napansin naman iyon ng dalaga at mabilis inagaw ang regalo dito. "Akin na nga yan!" At mabilis naglakad.

"Hey, ako na magdadala."

"Kaya kong dalhin!"

"Really?"

"Yes!"

"But I think ito na yung bahay ni Joanne ."

Napahinto si Raven sa paglalakad. Parang gusto niyang lumubog sa kinatatayuan niya. Bakit ko di napansin yun? She thought to herself.

Nakita niya ang binata na prenteng nakatayo sa tapat ng bahay nila Joanne. Mabilis siyang lumapit dito at isinubsob ang regalong dala sa dibdib nito. Napalakas ata dahil narinig niya ang pagdaing nang binata.

"O hayan, isaksak mo sa baga mo! Kainis!" At saka mabilis lumiko sa bahay nila Joanne.

"Uyy Raven, galit ka ba?" Rinig niyang sabi ni Axel ngunit di niya ito pinakinggan sa halip ay pinindot ang doorbell.

"Raven, sorry na oh?"

"Raven naman e, wag ka ng magalit.."

"Rachel Va--"

"Hindi ka ba titigil, Axel? Tigilan mo nga ako." Inis niyang hinarap ito.

"Wag ka namang ganyan. Dalawang linggo tayong di nagkita tapos ganyan ka. Sorry na please.. Di mo ba ako namiss. Kasi ako ay namiss kita." Pa-cute na sabi ni Axel.

"H-hindi kita namiss noh? Walang dahilan para ma-miss kita." Kahit ang totoo ay gusto niyang matuwa dahil namiss din siya nito.

"Raven naman. Sorry na kasi.. babawi talaga ako sa'yo.. Na-miss kita e!"

"Tigilan mo ako. Sinabi ko ng di kita nami--"

"Hi Joanne ! Happy Birthday!" Hindi na niya naituloy ang sasabihin ng sabihin ni Raven ang katagang iyon.

"Aww.. may LQ sila. Patawarin mo na Raven." Tila nagdedaydream pa nitong sabi.

Humarap siya sa dalaga at binati ito.

"Ito nga pala gift namin para sa'yo. Pasensiya ka na at isa lang." Tila nahihiyang sabi ni Axel at nalairap na lang ang dalaga.

"Naku, nag-abala pa kayo! Okay na ito. Ang sweet nga kasi isang lang. Hahaha. Tara pasok kayo." Aya nito.

Agad namang inakbayan ni Axel si Raven na ikinaigtad ng dalaga. 'Relax' bulong nito sa kaniya.

At mas lalo pa ata niyang gustong umatras at lumabas ng bahay na iyon dahil nakita niya ang nakangising si Denise at ang ina nitong si Mrs. Guzman. Bakit ba kasi nakalimutan niyang magpinsan ang dalawa? Kaya siguro sinabihan siya ng binata na mag-relax.

"The couple is here! Sabi ko naman sa'yo Couz e! May boyfriend si Raven e!" Tila kinikilig na sabi ni Joanne .

Napatingin siya kay Raven. Ngumiti naman ito sa kaniya at marahang pinisil ang balikat niya, telling her that everytime will be alright.

"Aba! Maupo kayong dalawa!" Nakangiting sabi ni Mrs. Guzman.

Hinila naman siya ni Axel upang maupo. Hindi siya nito iniwan marahil na alamnitong hindi niya kayang sagutin ang maaaring itanong sa kanila. And knowing na nandun si Denise na marahil naghahanap ng butas upang masabi na di sila totoo.

She really hates it. But knowing Axel, she didn't know how the guy besides him coolly answered all the questions na ibinabato ng ginang. Pati siya ay nabibigla at napapatanga sa mga kwentong pinagtagpi-tagpi nito. Kung paano sila nagkakilala hanggang sa naging sila. Gusto niyang pumalakpak sa galing nitong magtahi ng istorya na kung siya ay ni isa ay wala siyang masabi. Kapag siya ang tinatanong ay mabilis naman siyang sinasalo ng binata. Sumakit ang ulo niya sa pinagsasabi nito. Sana lang ay maalala niya ang mga sinasabi ni Axel.

***
Pasensiya na po ulit. Promise next chapter okay na. Mabibigyan linaw kung ano ang ginawa ni Axel sa Palawan. Pagbigyan niyo ako kahit sabaw. I promise to give justice this story. I love you all :*

To more chapters to go! Kapit lang. Pero hope to support my incoming stories. ☺ Ciao! Thanks..

Captured Her Heart (Completed)Where stories live. Discover now