Chapter 23

1.4K 39 5
                                    

Chapter 23



Kanina pa hindi mapakali si Raven, inaantabayan niya kasi ang pagdating ng binata. Ngunit lumipas na ang alas-diyes ay di pa rin ito dumarating usually kasi ay alas-nueve pasado ay dumarating na ito.

She wants to settle something and that's her feeling towards Axel, nang nakaraang gabi kasi after niyang makausap ang binata at settle the things in the past ten years ay narealized niya ang lahat. She loves Axel at sa paglipas ng panahon ay di nagbago iyon kaya siguro ayaw niyang pakawalan ang galit niya dito dahil maaring lumabas ang totoo.

Bumalik sa kaniya ang nangyari, kung bakit niya iniyakan ito at nagkulong sa kwarto nang mahigit isang linggo ay dahil minahal na niya ang binata.

Pero ang kinakainis niya ay kung kaylan malinaw na ang lahat sa kaniya ay saka naman missing in action ang binata. Mas lalo yata siyang natakot sa pag-iisip na tinotoo ng binata ang sinabi nitong hindi na siya guguluhin nito.

"Salamat naman at mawawala na ang mga basura rito. Babalik na rin sila sa wakas sa lugar nila. Hmmp!" Sabi ni Miranda nang makalapit siya kay Raven ngunit hindi ito pinansin ng huli. "Hoy, babae! Anong tinatanaw mo dyan sa hallway?" Sigaw niya dito.

Parang wala naman kay Raven ang pagsigaw ng kaibigan sa kaniya bagkus ay hinarap ang computer.

"Ano? Wala kang balak sagutin ako? Isnabin daw ba ang beauty ko?"

"Wala iyon. Bumalik ka na sa trabaho mo." Aniya na di inaalis ang tingin sa monitor ng computer ngunit tumatagos naman ang tingin niya sa hallway.

Pinagmasdan naman ni Miranda ang kaibigan at base sa kinikilos nito ay may kakaiba. Lihim siyang napangiti ng mapagtanto kung bakit balisa ang kaibigan. "Inaantay mo si Sir Axel noh? Aminin namimiss na niya si Sir! Ikaw ha?" Sabay sundot sa tagiliran ni Raven.

Napaigtad naman si Raven sa ginawa ng kaibigan kaya mabilis niyang pinalo ang kamay nito ngunit tinawanan lamang siya.

"Manahimik ka, Miranda. Wala akong inaantay, kaya kung pwede ba ay bumalik ka na sa trabaho mo at wag mo akong kulitin." Napabuntong hininga siya at bumaling dito. "At higit sa lahat, hindi kami ni Axel at walang dahilan para hanapin ko siya." Mariin niyang sabi.

"Oo na... naniniwala na ako kahit hindi." Irap niya sa kaibigan. "Kaylan ka daw ba magkakaroon ng sariling opisina. Ang taray kasi e! Ang taas mo na!"

"Baka next week pa. Saka okay na rin muna yun kasi mas okay ako dito sa cubicle kasama kayo."

Napatigil lang sila sa kwentuhan ng may pumasok na isang delivery man na may dalang pumpon ng bulaklak. Nakarinig naman sila ng mga impit na tili, napairap na lang si Raven.

"Delivery po para kay Miss Raven Santos." Magalang na sabi ng delivery man.

Lahat naman doon ay napatingin sa gawi ni Raven, na di naman makagalaw.

"Ay, kuya dito po. Siya po si Raven." Sabay turo sa kaibigan.

Mabilis namang lumapit kay Raven ang delivery man.


"Pakipirmahan naman po." Mabilis namang tumalima si Raven at pinirmahan ang papel. Pagkatapos ay nagpasalamat sa delivery man.

Nang makaalis ang delivery man ay mabilis na kinuha ni Miranda ang note na nakasingit sa bulaklak, its a tulips with different colors, at iwinagayway sa ere nang mapansin niyang nakatingin ang grupo ni Denise.

"Ang sweet naman ni Sir Axel. May flowers at letter pa oh? Hahaha.. haba ng hair ng friend ko."

"Hoy... tumigil ka nga dyan,nakakahiya ito. Saka ibaba mo nga yan dito." Saway niya sa kaibigan ngunit di siya pinansin nito.

"Miranda, basahin mo na!" Kantyaw ng mga kasamahan nila.

"Ehem!" Pag-uumpisa nito, napailing na lang si Raven sa kalokohan ng kaibigan. "To the most beautiful woman that I've met next to My Mom. -Axel." Kasunod noon ay ang sunod-sunod na hiyawan sa loob.

"Ang sweet naman ni Sir."

"kyahhhh...kinikilig ako."

"Wiwit!"

Mabilis namang inagaw ni Raven ang bouquet kay Miranda nang mapansin niya ang pag-alis ng grup ni Denise.

"Edi nganga siya ngayon! Hmmp! Naniwala naman!" Ismid ng kaibigan at mabilis naglakad papunta sa pwesto nito. "O, tapos na ang kilig moment 101! Back to work na!" Hiyaw pa nito.

Muntik na siyang mapahalakhak ng malakas nang makita niya ang totoong nakasulat sa note...

I'm on Palawan. Take care. :)
-Axel

Wala na talagang magawa si Raven kundi mapangiti.







Sa mga sumunod na araw ay ganoon pa rin ang nangyayari, araw-araw siyang may bouquet na natatanggap na iba't ibang kulay at di mawawala ang note doon. Gusto niya mapasimangot dahil di bulaklak ang kailangan niya kundi ang binata mismo. Ni hindi man lang ito magawang tumawag o magtext man lang sa kaniya. Tanging bulaklak lamang ang nagiging paramdam nito sa kaniya.

"Obvious na si Sir ha?" Ani nito habang sinisipat sipat ang bulaklak sa table niya.

"Ginagawa lang niya yan para di manghinala sila Denise. 'Wag mong lagyan ng malisya." Pero ang totoo ay naiisip niya na sana ay mayroon ding pagtingin ang binata sa kaniya.

"Miss mo na?"

"Ang alin?" Kunot noong tanong niya.

"Hindi alin kundi sino kamo?"

"Sino naman ang mamimiss ko?"

"Si Sir Axel!" Exage na sabi ni Miranda.

"Wag kang magsimula, Miranda."

"Alam mo ang indenial mo noh? Kahit ba konti ay wala kang nararamdaman sa tao?"

"I... I don't know.." marahang sagot niya. "I'm afraid to keep myself for falling hard to Axel."

"Kung ang iniisip mo ay ang nangyari ten years ago, it happened for a reason. And both of you already learned from that. Don't stop yourself for falling anong malay mo inaantay ka lang pala ni Sir Axel na malaglag then handa na siya saluhin ka niya kasi siguro dati kagaya mo... natakot rin siya noon kaya niya nagawa yun." Mabang paliwanag nito sa kaniya. Wala talaga siyang masabi sa kaibigan kapag ganoong usapan. Napaseryoso nito at talagang expert na ito sa ganoong bagay.

"Ano gusto mo? Hayaan ko ito? Gusto mong masaktan ako?"

"Gaga!" Sabay batok sa kaniya ng kaibigan. "Kapag di ka nasaktan, walang love. Hindi naman puro saya ang love noh? Total package na yan! Kapag natakot kang masaktan di mo masususbukan ang saya kung paano magmahal. Ang nega mo noh?"

"What I should do now?"

Tiningnan siya nito ng makahulugan at ngumisi sa kaniya. With that, she already know what her friend is thinking.


****

Sabaw :/ I can't find the right words. :( Nalulungkot pa ako dahil sa grades ko..

Next update: It's either tomorrow or next sunday. ☺

Captured Her Heart (Completed)Where stories live. Discover now