Chapter 15

1.4K 46 7
                                    

Chapter 15

Mabalis dumaan ang mga araw. Di rin namalayan ni Raven iyon. Bilang Presidente ng Supreme Government ay malaking responsibilidad niya. Sa nagdaang mga buwan ay marami siyang inasikaso. Nagdaang Intramurals, Haloween Party at maging Christmas Party nila ay siya ang nag-oorganize nun. At maging ang ginanap nilang Valentine's Party. Mga ilang booths na inasikaso niya upang ma-aprobahan ng Head nila. At ngayon na nalalapit nilang Graduation Ball. Sumasakit na ang ulo niya. Hindi nga niya alam kung paano niya napagsabay-sabay ang lahat, isama pa ang major exams nila at projects.

"May ka-date ka na ba sa Graduation Ball?" Out of the blue tanong ni Axel sa kaniya. Kasalukuyan siyang nag-aayos ng gamit niya. Wala na kasi silang masyadong ginagawa dahil mukang tinatamad na ang mga teacher nilang pumasok lalo na at tapos na ang finals nila.

"Wala akong panahon para mag-accomodate ng date, Axel." Mahinahon niyang sabi dito. At totoo naman iyon.

"Bakit naman?" Nakasimangot na tanong ulit nito sa kaniya.

"Ako ang Organizer ng event, Axel. Masyado akong magiging busy sa pag-aayos n'yon kaya baka di ko rin maaasikaso." Bilang SG President ay hanggang huli ikaw ang dapat humawak ng buong responsibilidad. Kasa-kasama sa meeting ng mga Teacher para doon. "Ikaw ba? Sino ang ka-date mo?" Tanong niya sa binata pero di niya nagustuhan ang naramdam niya sa pagtatanong niyang iyon. Isang pakiramdam na bago lang sa kaniya.

"Ikaw sana ang gusto kong maka-date." Deretsong sagot niya.

Pakiramdam niya ang lumakas ang pintig ng puso niya sa sinabi nito. Umiwas siya ng tingin dito. "Iba na lang, Axel. Marami dyan at tiyak ako na sila pa mismo ang magpiprisintang maging date mo sa Ball."

"Pero ikaw ang gusto ko. Sige." Kita at ramdam niya sa tono nito ang lungkot ant pagkadismaya.

Kahit sa maikling panahon ay talagang napalapit na ito sa kaniya. Sa lahat ay ito lang ang pinayagan niyang maging malapit sa kaniya. Mas naging malapit pa ng ito sa kaniya ng mga panahong umaarte itong maysakit para samahan niya sa Clinic para umiwas sa mg babaeng lumalapit dito. Kapag kasi siya ang kasama nito ay di makalapit ang mga babae sa binata hanggang tingin na lang ang mga ito dito.

Naalarma naman siya ng tumalikod na ito at nagsimula ng maglakad paglabas.
"Axel...." tawag niya dito. Huminto naman ito ngunit di ito lumingon sa kaniya. "...sorry."

"Okay lang, Raven. I understand." Mahinang sagot nito. Malayong-malayo sa Axel na kilala niya. Yung masayahin pero ngayon ay parang pinagbagsakan ng langit at lupa ang mukha nito.

"Wala ka bang maisil na ka-date sa Ball?" Pakiramdam niya ay parang may bumara sa lalamunan niya ng sinabi niya iyon. Knowing na may ka-date ang binata sa ball ay parang nakakaramdam siya ng paninikip ng dibdib na di niya maintindihan.

"Wala. Ikaw lang ang gusto ko. Sa'yo lang ako kampante. Pero naiintindihan ko naman e, aatend na lang ako para may kasama kang mag-organize ng event." Tumingin ito sa kaniya saglit at nagpatuloy na ulit sa paglalakad.

Agad naman siyang tumayo. "Teka lang Axel.." huminga muna siya bago magsalita muli. "...sige pumapayag na akong maging date mo sa ball kung wala kang mapiling iba." Tila naman nagbunyi siya ng lumingon ito sa kaniya at ngumiti.

Mabilis naman itong lumapit sa kaniya. Muntik pa nga itong madapa dahil halos hawiin nito ang chairs na nadadaan. Nang huminto ito sa harap niya ay nakapaskil dito ang malawak na ngiti sa labi at hinawakan siya sa balikat. "Sure yan ha? Walang bawian." Parang bata nitong sabi. Napatango na lang siya. "Yes! Sulit ang acting ko!" Sigaw nito.

Captured Her Heart (Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя