Chapter 3

2.1K 70 24
                                    

Chapter 3

Nagpaalam saglit si Ms. Cortes, may kukunin daw ito sa faculty. Tapos na rin naman itong mag-check ng attendance.

"Hi Axel!" Rinig na rinig ni Raven ang pagtawag na iyon. Si Tina. Napailing na lang siya.

"Hi Babe!" Sabi naman ni Axel. If she knew hindi alam ng binata ang pangalan nito.

Ilang balita na ba ang narinig niya tungkol sa lalaki? Dahil kay Axel, maraming relasyon ang nasira di dahil sa inagaw nito kundi sinasabi ng mga babae na mas gusto nito ang lalaki kesa sa mga nobyo nila. Di naman pwedeng sisihin nila si Axel dahil alam nila na wala itong ginagawang masama. Masyadong malandi lang talaga ang mga girlfriend nila. How Raven know? Dahil takbuhan siya ng mga classmate niya. Tsk! Pag-ibig!

Hindi na lang pinansin ni Raven ang kay agang landian sa classroom nila. Umaasa siya na sana dumating na ang teacher nila.

"Okay class. I'm going to arrange your seat. It's not alphabetical." Sabi ni Ms. Cortes.

Nagtayuan na sila sa may bandang huli. Raven knew that she will be seated in the last row. Eventhough, she wants in frontseat. Kapag kasi sa likod ay di siya makapag-focus dahil ang dami niyang nakikita.

Isa-isa ng tinatawag ang mga kaklase niya. At halos puro reklamo ang nadidinig niya. Hindi niya alam kung sadyang matalino lang si Ms. Cortes at alam nito kung sino ang pagtatabihin o ang paghihiwalayin. Napailing na lang tuloy siya.

"Miss Santos, sa tabi ka ni Mr. Garcia. Okay lang ba sayo sa likuran?"

Di napansin ni Raven na siya na lang pala ang nakatayo. She just nodded to Ms. Cortes at naglakad na papunta sa upuan niya. Di na nga niya pinansin kung sino ang katabi niya. Pagkaupo niya at deretsong sa labas ng bintana ang tingin niya. Mas gusto niya kasing tumingin sa labas kesa kausapin ang mga kaklase niya.

May sinabi pa si Ms. Cortes pero di niya na lang pinansin. Alam niya naman na according sa seating arrangement yun. Tumunog na ang bell hudyat na tapos na ang oras nila para sa subject ni Ms. Cortes. Nagpaalam na ito sa kanila.

"Hi Rachel Va-"

"Its Raven." Sagot niya at humarap sa katabi niya na tumawag sa kaniya. At bigla na lang nanlaki ang mata niya na makilala ang katabi niya. "Anong ginagawa mo dyan?" Gulat na tanong niya.

"Hi there! Tayo kaya ang seatmate. Sabi na at di ka nakikinig kanina e. Ayos ba?" Tanong nito at tinaas-baba pa nito ang kilay.

What the efff---. She thought to herself. Sa dinadami-dami na pwedeng makatabi bakit ito pa!

Cursed that Stupid Seating Arrangement!

***
♥❤️❤️

Captured Her Heart (Completed)Where stories live. Discover now