Chapter 1

3.9K 77 28
                                    

Chapter 1

"Good morning, Ate Raven." Bati kay Rachel Valerie ng isang lower year pagkapasok pa lang niya ng school. Raven is her nickname. She hates it when someone call her whole name. Kaya nga lahat ng taong nakakakilala sa kanya ay iyon ang tawag sa kaniya. Para sa kaniya masyadong pambabae ang pangalan niya.

"Good morning." Kaswal na bati niya kahit di niya ito kilala. Kilala siya sa school dahil siya ang nahalal na Supreme President para sa School Year na yun. She also active in some Club and academic extra-curricular.

Nilagpasan niya na ang lower year student na bumati sa kaniya at nagpatuloy sa paglalakad. Sanay naman sa kaniya ang mga tao sa school. Kapag may bumabati sa kaniya kung minsan ay tango lang ang ginagawa niya. Marami rin ang iwas sa kaniya dahil sa pagiging seryoso niya. Wala rin siyang maituturing na kaibigan dahil takot na siyang magkaroon nun.

She made her way sa may dulong building. Doon kasi nakapaskil ang section na kabibilangan ng bawat fourth year students. Actually, di naman niya kaylangan tingnan iyon dahil kasama siya sa top 10 last year kaya automatically ay sa top section siya kasama. Sa dulong building din na iyon ang kanilang classroom. Every year level ay may kanya-kanyang building kaya di ka na malilito.

"Hi Miss President! Classmate na naman tayo this year, Yo!" Bati sa kanya ng classmate niya na si Jay. Seatmate niya ito last year at ni minsan ay di niya pinagbigyang makakopya sa kaniya. Now, she is silently praying na sana ay di niya maging katabi ito.

"Yeah, whatever." Simpleng sagot niya. Inikutan niya rin ito ng mata.

Dumeretso na siya sa bulletin board. Gusto niya ring makita kung sino ang magiging kaklase niya. Pero di pa niya nakikita ang list dahil na rin sa dami ng tao roon ay may biglang tumili!!

"Wahhhh!! I can't believe this! Classmate ko si Papa Axel!!" At kung di siya nagkakamali ay si Tina yun ang cheerleader ng school.

"As if naman na papansinin ka nun!" Si Cheen na nakatayo sa tabi ni Tina.

Napailing na lang siya. Axel Drake Garcia, a certified chickboy ng school. Heartrob na kung heartrob pero ayaw niya sa kagaya nitong repeater. If she's not mistaken ay dalawang beses itong umulit ng 3rd year bago lumipat sa school nila. Gwapo ito kung sa gwapo pero hanggang doon lang iyon.

Pinilit niyang sumingit sa bulletin board. May nakakakilala naman sa kaniya kaya yung iba tumatabi na lang. Nang makarating siya sa harap ng bulletin pinasadahan niya ng tingin ang section list nila at ganun na lang ang gulat niya na makita ang pangalan niyo sa section niya.

She silently cussed. She never thought na mapupunta sa top section ang lalaking iyon. Axel Drake Garcia, bigtime! Mukhang sasakit ang ulo niya this school year. Hindi lang dahil kay Axel kundi pati narin sa mga babaeng pilit isinisingit ang sarili nila sa lalaki.

Bakit kasi may mga lalaki pang kagaya nito.

She is silently praying na sana ay magpakatino ito this school year!

--
♥pinkyyours

Captured Her Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon