CHAPTER 24

7.4K 224 9
                                    

TRINITY'S POV

Kasalukuyan kaming buma-byahe pabalik sa building ni grey at kanina ko pa napapansin na may sumusunod saamin na isang black van simula ng sumakay ako ng taxi kanina.

" Manong may alam po ba kayong mga shortcut na pwedeng daanan bago makadating sa building ni grey? " tanong ko habang di inaalis ang tingin sa side mirror kung saan makikita ang pagsunod saamin ng black van

" Ah opo ma'am, bakit niyo ho naitanong? " sabi niya habang abala parin sa pagmamaneho

" Uhm pwede po bang daanan po natin yung mga alam niyong shortcuts? " tumango naman siya sa sinabi ko

" Okay po ma'am " masigla niyang sagot sabay pihit pakaliwa kung saan may maliit na daanan na sa tingin ko ay shortcut.

Gusto ko kasing iligaw ang black van na sunod ng sunod saamin. At para malaman ko kung pareho lang talaga kami ng mga dinadaanang way or sinusundan niya talaga kami.

Nang makarating na kami sa tapat ng building ni grey ay pansin kong wala na ang umaaligid saaming van kaya naka hinga na ako ng maluwag. Samantalang si manong hugotero ay wala man lang kaalam alam sa pagsunod saamin ng black van kanina.

" Thank you po sa paghatid at sa pag payo po saakin. Eto po oh. Keep the change " sabi ko bago bumaba ng taxi sabay bigay sakanya ang one thousand pesos na cash pagkatapos ay kumaway na ako bilang pamamaalam sakanya.

" Ay salamat po ma'am, hulog po talaga kayo ng langit! " tuwang tuwa niyang sabi habang sinusuri at tinatapat pa sa araw ang one thousand na binigay ko para malaman kung peke ba ito or hindi. Napailing nalang ako sa inaakto niya.

Inayos ko muna yung nagusot kong damit saka nag suklay ng buhok at lagay ng pulbos sa mukha para di ako mag mukhang haggard. Di ko na kailangan na mag make up pa dahil kahit wala naman akong abubot sa mukha ay mataas ang confident ko na mas maganda parin ako sakanya.

Pagkadating ko sa entrance ng building ay nabungaran ko agad si shrimp gurl habang prenteng naka upo sa isang couch na tila may hinihintay. Bigla naman tumaas ang mga dugo ko dahil don.

So nandito parin pala siya ah? tignan lang natin kung makakalakad kapa matapos mong halikan ang labi ng honey ko. sabi ko sa utak sabay ngisi at lapit sakanya.

" Ohh hi bitch! " mapang asar niyang sabi nang mapansin niyang palapit ako sa gawi niya.

Malakas ang pagkakasabi niyang iyon na tila nag aagaw siya ng atensyon sa mga empleyado dito. Kaya naman napahinto at napatingin sa gawi namin ang mga empleyado.

Agad naman akong lumapit sakanya at nakipag tagisan ng tingin. Pigilin niyo ko masasampal ko na talaga tong babaeng to! Nakatingala na ako sakanya dahil matangkad siya plus naka 4 inch heels pa siya kaya hanggang leeg niya lang ako. Pero kahit ganon, di ko parin siya uurungan.

" You know what bitch? I love the way he kiss me. He's so aggresive and a little bit wild " sabi niya habang nakangisi at hinahawak hawakan pa ang labi niya.

Agad naman nag salubong ang kilay ko dahil sa sinabi niyang iyon. Sino ba ang tinutukoy niya? wag niyang sabihing si ....

" Damon is the best kissing monster I've ever met... " di ko na siya pinatapos sa sinasabi niya dahil di ko na napigilan pa ang aking galit kaya kusa nalang gumalaw ang aking kamao patungo sa panga niya.

Tumilapon naman siya sa sahig habang sapo sapo ang kanyang panga na nagdudugo dahil sa sapak ko.

Bahagya akong napangiwi dahil ang tigas ng panga niya.

I'M STALKING THE MAFIA BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon