CHAPTER 10

8.4K 243 3
                                    

A/N : At dahil birthday ko tommorow, mag uupdate ako ng dalawang chapters para sainyo. Hihihihi

I hope magustuhan nyo to :'>

---------------

TRINITY'S POV

Parang di makabasag pinggan ang katahimikan dito sa loob ng sasakyan dahil ni isa saamin ni kris ang walang nag sasalita. Papunta kami ngayon dalawa sa B.M.U.S or Black Market Underground Association kung saan doon gaganapin ang illegal transaction na pamumunuan ni Mr HOTSchylus. Naka disguise kami ni kris bilang mag asawa na kunwari ay isa kami sa mga bigating guest doon. I'm wearing a wig ash blonde with side bangs and black night gown. Habang si kris naman ay naka brush up ang brown hair niya habang naka black american tuxedo siya na pinatungan ng long black coat na parang katulad sa korea at naka shades din kami para di masyado makilala ang mga hitsura namin.

Malayo pa lang ay natatanaw ko na ang mga expensive cars na naka park sa malawak na parking lot dito sa B.M.U.S . Pagka park ni kris sa sasakyan namin ay bigla na akong tinablan ng kaba, dahil for the first time in my whole life na makaka attend ako sa illegal transaction katulad nito. Akmang lalabas na sana ako ng sasakyan nang biglang bumaba si kris at pinag buksan niya ako ng pinto. Yiee di rin pala ako matitiis, bulong ko habang naglalakad na papasok sa entrance. Kanina pa kasi niya ako di iniimik sa loob ng sasakyan eh. Kaya nakakapanibago lang.

Nang makita ko na ang mga guards sa entrance ay bigla akong napatago sa likuran ni kris dahil may hawak sila na matatas na uri ng baril at nakakatakot pa ang mga hitsura nila.

" Name and passcode " baritonong sabi ng isang guard habang nakatingin ng malagkit saakin.

" Mr & Mrs Crawford. 0822145 is the passcode. " seryosong sabi ni kris habang masamang tinitignan ang guard.

" Welcome to B.M.U.S Mr and Mrs Crawford " laglag ang panga ko ng malaman kong bakla pala siya.

Dire diretso naman kaming pumasok sa loob, bawat tingin ko sa palagid ay halos lahat ng mga bisita dito ay may kanya kanyang mga armadong body guards. edi sila na may mga body guard, bulong ko habang nililibot ng tingin ang kabubuan ng venue.

Umupo kami sa medyo dulong table para hintayin na dumating si Mr Grey. Napatingin naman ako sa wrist watch ko, 6:50 pm na pala, 10 mins na lang at magsisimula na ang illegal transaction. Maya maya ay biglang namatay ang mga ilaw at nag dilim ang kapaligiran, sisigaw na sana ako sa gulat ng magsalita ang emcee.

" Good evening to all of you, and welcome to B.M.U.S " may accent na sabi ng magandang babaeng emcee, nagpalakpakan naman ang mga guest kaya naki palakpak narin kami ni kris.

" Tonight is the biggest transaction of the newest hi-tech weapon between B.M.U.S and biggest mafia boss all over the world " sabi niya sabay nagsitayuan naman ang mga ibang kalalakihan dito, karamihan sakanila ay matatanda at kulubot na ang balat. Marahil ito ang binabanggit ng emcee na mga bigating mafia boss sa buong mundo. Grabe ang ki-creepy ng mga hitsura nila.

" Let me introduce to all of you the man who invented the newest hi-tech weapon all over the world. Please welcome, Lord G " sabi niya, agad naman nagsitayuan at nag yukuan ang lahat ng mga tao dito sa loob pati narin ang mga bigating mafia boss ay nakayuko din kaya nakiyuko na lang din kami ni kris. Sino naman si Lord G? at bakit ganun na lang ang laking respeto at takot nila dito? takhang tanong ko sa sarili. Agad din naman nasagot ang mga katanungan ko ng umakyat na ang tinatawag nilang Lord G sa taas ng stage. Nakasuot siya ng Black European Tuxedo while his brown hair is brushed up, kita din ang kumikinang niyang krus na hikaw sa kanan. Seryoso lang ang mukha niya at di ngumingiti sa mga tao, bigla naman niyang tinanggal ang black shades niya kaya muntik na ako matumba sa kinatatayuan ko dahil sa gulat at nanlamig din ang kamay ko dahil sa nakikita ko. Grey?! siya si Lord G?!? . Takhang tanong ko sa sarili habang titig na titig sakanya, napadako naman ang tingin niya sa gawi namin ni kris kaya napayuko na lang ulit ako. Di naman niya ako siguro makikala dahil naka disguise kami ngayon ni kris.

I'M STALKING THE MAFIA BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon