CHAPTER 1

13.7K 283 1
                                    

TRINITY'S POV

" Are you listening to me Ms. Ashwell Trinity Kwon?!? " sigaw saakin ng duling kong professor sa math. Wengya! malay ko ba na saakin sya nakatingin. Nakatunganga lang kasi ako sa tapat ng bintana habang nag le-lesson sya. Litsi bakit kasi first subject namin yung math eh? Nasan yung hustisya?!

" Sorry ma'am duli- este diling, di na po mauulit " nakayuko kong sabi, phew muntik ko nanaman syang matawag na duling. Narinig ko naman ang mga pilit at mahihinang tawa ng mga hinayupak kong classmate. Tinignan ko lang sila ng masama kaya tumigil na sila. Takot lang nila saakin.

" Go to the board and solve the math problem!" napangiwi na lang ako sa talsik na laway ni ma'am duling, putres naman oh makinig nga sa lesson nya ayoko eh magsolved pa kaya? Napailing na lang ako sa isip ko at umupo na lang sa upuan ko.

" Aba't inuubos mo pasensya ko huh?! Magsosolved ka or papapuntahin kita sa dean? " nanggagalaiti niyang sabi habang lumalaki pa ang butas ng ilong niya, tsss as if namang may choice ako? Tumayo ako at hinarap si ma'am.

" Mas okay ng pumunta sa dean kesa mabobong intindihin yung solving na'yan"
sabi ko sabay lakad palabas, narinig ko nanaman yung mga bulungan ng mga classmate ko.

" Pfft go gurl I support you! " sabi ng langhya kong bestfriend na si Chricia Smith habang kumakaway pa, napailing na lang ako at inirapan ko na lang siya.

" Ngo ngriningy ngongoporngahan ngita! ngandingo ngang ngako. Ngahal na ngahal ngita!( Go trinity susuportahan kita, nandito lang ako. Mahal na mahal kita! )" sabi naman ng ngongo kong classmate na si paeng. Nginitan ko na lang siya ng pilit dahil di ko naman maintindihan yung pinagsasabi ng pulpol na yan. At ang loko parang nangisay habang nakapikit at naka ngiting aso pa. Nag dire diretso na lang ako at di na pinansin pa ang pinagbubulungan nila.

Nandito na ako sa tapat ng pinto ng Dean Office, nagdadalawang isip pa ako kung kakatok ba ako or what. Akmang pipihit na ako paalis ng makita ko si ma'am duling na nasa tapat ko, mukhang alam ko na yung pinuntahan nya dito ah?

" Ms. Kwon saan mong balak pumunta aber? Hala pasok! " napangiwi na lang ako dahil tumalsik nanaman yung laway niya sa noo ko, iwwww.

* AT DEAN OFFICE

Kanina pa sumasakit yung pwet ko kakaupo dito sa couch, habang si ma'am duling este diling naman ay di magkamayaw sa pagpapa cute at pagpapansin kay Mr. Dean, at ang panot naman na'to gustong gusto naman ang pagpapapansin sakanya ni ma'am duling. Inirapan ko nalang sila sabay baling sa bintana, ang laswa kasi eh, makakandong ba naman tong duling na to kay mr. dean panot parang wala ng bukas.

By the way di niyo pa pala ako kilala so I will introduce my self. I'm Ashwell Trinity Kwon. Trinity na lang for nickname, Half korean and half filipina ako, I'm 16 years old at nag aaral sa Schylus International University ang pinaka sikat na university dito at sa buong asia. First year college palang ako at ang tini-take kong course ay Bachelor of Science in Information Technology. Baka isipin niyong mayaman ako, its a big NO. Isa lang naman akong hamak na scholar dito, wag niyo ng alamin kung paano ako nakapasok dito dahil ako mismo di ko alam kung papano ako nakapasa, basta may nagsabi lang saakin na dito na ako mag aaral kaya sinunggaban ko na. Aba blessing na to noh, mag iinarte paba ako? Maliit lang ako but cute naman, maputi yung balat ko then sakto lang yung tangos ng ilong ko, manipis ang labi ko at ang ganda ko. Hahaha Ok back to the reality muna tayo.
Biglang tumayo si Mr. Dean slash Panot at pumunta sa harapan ko habang naka kunot noong tinitignan ako. Mabuti naman at napansin na nila ako, para kasing sila lang dalawa ang nag eexist sa mundo eh.

" Ms. Kwon pang 35 times kanang na guidance, ano nanaman ba ang kabalbalang ginawa mo? " seryong sabi saakin ni mr. dean, napayuko na lang ako, eto nanaman tayo sa mahaba habang sermon niya.

I'M STALKING THE MAFIA BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon