CHAPTER 7

7.4K 250 14
                                    

A/N : WARNING! R16 and above. Bawal sa bata at sa nag iisip bata.
Ang kabanatang ito ay para sa mga GREYNITY Shipper na gustong gusto na may kilig at sarap sa scene. De joke lang, kilig lang muna wag muna sarap. Excited kayo eh! Hahaha.

MILD SPG

---------------
RAZE'S POV

" Cheers! " sabi ni kevin sabay taas ng wine glass niya

" Yeah cheers! " sagot naman ng mga MIB's ng schylus mafia.
Nandito na kami sa dagger house ni grey, pagkatapos kasi ng misyon namin sa cruise ship ay dumiretso na kami dito para mag celebrate ng success naming misyon. Nakita ko naman si kevin sa kabilang side ng swimming pool na busy makipag flirt sa mga chicks na babaeng inarkila pa niya sa kung saan. Kahit kailan talaga napaka babaero nitong pinsan ni drake bulong ko. Napailing na lang ako sa inaasta niya. Si Drake and Kevin ay magpinsan, mas matanda lang si drake ng 2 taon kay kevin.

May kanya kanya silang mundo dito, may nag bi-bilyar, majong, naglalaro ng baraha, nag swi-swimming, kumakain at kung ano-ano pa. Nakagawian na kasi namin mag party tuwing pagkatapos ng mga mission namin. Simula ng sumabog ang cruise ship ay di ko pa nakikita si grey. Parang badtrip na badtrip siya dahil sobrang seryoso at naka kunot ang noo niya, dire diretso lang siya at walang lingon na bumaba sa helicopter sabay harurot ng red ducati motor niya. Di namin alam kung saan siya pupunta miski si butler jin di rin niya alam kung saan pupunta si grey.

" Gurl! pahiram muna ako ng asawa mong pogi huh? " biglang sulpot ni Agent R habang hila hila si drake na nag mamaka-awang wag ako pumayag. Napangiti na lang ako ng nakakaloko, mapagtripan nga to, sabi ko sa utak ko tumango na lang ako hudyat na pumapayag ako sa kagustuhan ni Agent R.

" No raze baby pleaseeeeee! " sigaw niya habang kinakaladkad na siya palayo ni Agent R. Okay lang saakin dahil bakla naman si Agent R eh, di sila talo. Saka secret agent din siya ng schylus mafia, siya lang na nag-iisang agent ang kasama namin ngayon sa party dito sa dagger house.



TRINITY'S POV

Hanggang ngayon di parin ako maka get over sa holding hands while running namin ni Mr HOTSchylus. Letse bat ang lambot ng kamay niya? bat sakin ang gaspang? nasan ang hustisya?! tanong ko sa sarili habang ngiting ngiti kakaisip sa mukha niya. Pero bigla na lang ako napasimangot ng maalala ko na baka na trap sa cruise ship si grey kakahanap saakin. Parang nakokonsensya tuloy ako sa nangyari, what if nadamay siya sa pagsabog ng cruise ship dahil sa kahahanap saakin? tanong ko sa sarili sabay iling, no way! Di yata makakaya ng konsensya ko kung magkaganun, kaya kailangan alamin ko kung ligtas ba siya ngayon din at di ko na'to ipagpapabukas pa.

Agad akong tumayo sa papag at kinuha ang folder na may laman ng info ni grey kung saan sya nakatira. Bago ako lumabas ng kwarto ay hinubad ko muna ang pantulog ko at nagbihis ng short at black t-shirt kinuha ko rin ang wallet at Iphone ko at umalis na.

Sa wakas nakasakay din ako ng jeep after 30 mins na kahihintay, bat kasi walang jeep ang dumadaan eh, ay te malamang alas tres palang ng madaling araw eh! sabi ko habang umiiling, wala ng atrasan to!

Nakanganga akong nakatingin sa mala-palasyong mansion sa harapan ko. Oh my! Bahay pa ba to? Napalunok ako ng mariin ng may mga armadong naka men in black ang pagala gala sa loob at labas ng bahay, paano naman kaya ako makakapasok? ang higpit kasi ng seguridad ng bahay niya eh!

Mawawalan na sana ako ng pag asa ng biglang may lumabas sa gate na isang maid, napangiti na lang ako ng nakakaloko.
Lumapit ako sakanya ng dahan dahan, ng mapansin niyang may tao sa likod niya ay akmang haharap na siya saakin ng bigla ko siyang sinapak ng pagkalakas lakas sa mukha, doon ko kasi binuhos ang lahat ng hinanakit at poot ko sa balyena kong tiyahin at sa duling kong professor sa math sa sapak na yun, hahaha oa ko na. Nawalan siya ng malay kaya agad ko siyang hinila sa matataas na damuhan sabay kuha ng damit niya na pang maid. Pumasok na ako sa gate habang nakayuko, mahirap na baka mabuko pa ako eh.

I'M STALKING THE MAFIA BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon