CHAPTER 4

7.8K 220 1
                                    

TRINITY'S POV

* AT 5 LUXURY HOTEL

Malayo palang natatanaw ko na ang building hotel, habang papalapit sa 5 luxury hotel ay lalong bumibilis ang heart beat ko. Kalma lang trinity kalma lang. Pagpapakalma ko sa sarili, nagulat ako ng huminto na ang sinasakyan kong van.

" Ma'am Kwon we're here. " sabi ng driver habang nakangiti pa, ang cute naman niya. Nginitian ko na lang siya bago umalis, pero nagulat ako ng pinagbuksan niya ako ng pinto. Ang gentleman naman ni kuya cute bulong ko sa sarili ko.

Nandito na ako sa tapat ng glass door ng hotel, okay inhale exhale kaya mo to! Taas noong naglalakad ako papasok sa loob ng magarang hotel, agad ko namang nasalubong ang receptionist nilang chicks, ang ganda niya kasi eh. Nginitian ko muna siya bago magtanong.

" Excuse me, I'm Trinity Kwon where's my reservation? " sabi ko tinignan niya muna ako mula ulo hanggang paa, aba letse to ah! Makatigin kala mo may nagawa akong kasalanan. Tinanggal ko naman ang shades ko to exposed my blue contact lense habang may kinakalikot kunwari sa bagong Iphone 8 ko. Wala painggit lang, charot hahaha.

" Oh Ms. Kwon let's follow me " maarte nyang sabi sabay lakad, tss ang arte supalpalin ko sya ng bagong Iphone ko eh.
Huminto kami sa medyo dulong table, at tinuro niya saakin kung saan ang table ko at iniwan na agad ako.

Habang nakaupo at hinihintay si Mr. Schylus ay naglalaro muna ako ng games sa Iphone 8 ko.
Nagulat ako ng biglang may 10 mga armadong men in black ang dumating, lahat naman ng tao dito sa loob ay natahimik at napayuko, anong meron? tanong ko sa sarili ko. Maya maya ay biglang may hot handsome guy na nakasuot ng gray tuxedo at black shades ang dumating at umupo sa isang table malapit saakin.
Wait parang familiar siya, tama siya pala si Mr. Schylus. Paksyet ang hot niya sa suot niya, makalaglag panty putrages! Mas gwapo siya kesa sa picture na binigay saakin ni mr. panot. Naka poker face lang siya at wala paring emosyon habang kinakausap siya ng matandang lalaki na mukhang foreigner. Habang busy ako sa pagpapatansya kay Mr. Schylus ay biglang nag vibrate ang Iphone ko, letse istorbo naman tong damuhong to.

Focus Ms. Kwon focus! Wag kang masyadong pahalata, kapag pumalpak ka malalagot ka saakin.

Ps. Mr. D

Napairap nalang ako sa kawalan ng mabasa ko ang text ni mr.panot. Nagulat ako ng biglang tumayo si Mr. Schylus at umalis, lagot kailangan ko syang masundan, wala pa akong impormasyong na nasasagap sakanya, kundi lagot ako kay mr.panot. Bulong ko sa sarili. Sabi kasi ni mr. panot alamin ko daw kung ano ano ang mga pinag uusapan ni mr. schylus, pati narin kung saan siya nagpupunta, sabihin ko rin daw kung sino sino ang madalas niyang nakakasama at madalas niyang pinupuntahan.

Nandito ako ngayon sa parking lot habang nagtatago sa likod ng mga kotse, mahirap na at baka makita niya ako at biglang barilin. Kami lang kasi na dalawa dito sa parking lot dahil naiwan sa loob ang mga men in black niya. Agad kong kinuha sa bag na black ko ang hi- tech identity telescope para mas makita at makilala ko ang mga taong lalapit sakanya. Ang Identity telescope ang pinaka hi- tech at newest na invention ng DGS Hi-technological Group of Companies, kapag tinutok mo kasi sa isang tao ang telescope na ito, malalaman mo ang identification niya. Astig right?

Biglang may babae na parang model ang lumapit kay Mr. Schylus, agad ko namang tinignan sa telescope ko ang babae. Natashia Krympton, 19 years old, graduate in Krympton University and taking Business Management. Okay masyadong ng madaming identification, di ko na tinignan ang iba pang nakalagay sa telescope dahil di naman ako interesado sakanya.
Nagulat ako ng bigla niyang niyakap ng mahigpit si Mr. Schylus at akmang hahalikan sa lips ngunit wala pang 0.1 secs ay tumilapon ang babae sa sahig. Ouch I'm sure masakit yun, una ba naman yung pwet eh, yan landi landi kasi.

I'M STALKING THE MAFIA BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon