CHAPTER 17

7.4K 213 3
                                    

TRINITY'S POV

Naka pikit lang ako habang dinadama ang lamig ng hangin dito sa roof top ng school. Alas singko palang ng umaga kaya kakaunti palang ang mga estudyante na pumapasok ngayon. Eto naman kasing si grey eh! pinipilit niya akong sumabay sakanya paalis ng bahay, yan tuloy sobrang aga ko tuloy pumasok.

Habang nakatanaw lang ako mula sa itaas ng roof top ay di ko sinasadyang mahagip ng mga mata ko si Calyn na naglalakad kasama ang tatlong mga armadong lalaki na sa tingin ko ay body guards niya. Bigla siyang tumingin sa taas dito sa gawi ko at nag tama ang mata namin, di ko alam kung imagination ko lang ba yun or what dahil parang nakita ko siyang ngumisi saakin bago nag patuloy ulit sa paglalakad. I don't know but I feel something bad aura in her today.

" What are you doing here? " napatigil ko sa pag iisip ng kung ano ano ng biglang may malamig na boses ang nag salita sa likuran ko.

Agad naman akong pumihit paharap sakanya at agad naman nag tama ang mga mata namin ni chans. Seryoso lang siya na nakatitig saakin at walang mababakas na kahit anong emosyon sakanya ngayon. Parang di siya ang weirdong chans na laging nakangiti at malakas man trip.

" Ikaw pala chansiie. Kamusta na? " masigla kong bati habang nakangiti para maibsan naman kahit papano ang seryosong niyang mukha.

Pero di niya ako pinansin sa halip ay lumapit lang siya saakin sabay niyakap ako ng sobrang higpit. Akmang hihiwalay na sana ako sakanya ng magsalita siya ulit.

" Stay for a while please? " nanginginig niyang sabi, kahit naguguluhan ako sa inaakto niya ngayon ay hinayaan ko nalang siya sa gusto niya.

" Sorry chansiie kung di ko agad sinabi sainyo ang lahat. Sorry kung nagsinungaling ako sainyo, di ko naman talaga inten-.. " napatigil ako sa pagsasalita ng hinawakan niya ang labi ko gamit ang isang daliri niya.

" Sshh. It's okay. Pinapatawad kana namin. Ang di ko lang talaga matanggap na may asawa kana. Sana pala naging selfish nalang ako para di ka naagaw saakin ng iba." naiinis niyang sabi habang unting unting gumagaralgal ang kanyang boses na tila maiiyak na siya. Di ko maintindihan ang pinag sasabi niya pero di ko nalang yun pinansin pa.

" Promise di na kayo galit saakin? bati nyo na ako? " tanong ko bahagya naman siyang tumango ng mahina.

" Yes. Matitiis ba namin ang little baby namin? " sabi niya kaya napasimangot ako. Haaaays yan nanaman siya sa little baby na yan. Ako kasi ang pinakabata saamin sa mag be-bestfriend kaya ganyan ang tawag nila saakin.

" Wag mo na nga akong tawaging ganyan, di na ako bata " pagmamaktol ko habang naka pout.

" Pero para saakin baby parin kita. " sabay kindat saakin. Lumalabas nanaman ang ka weirduhan niya, pero mas okay na to kaysa naman kanina na sobrang seryoso ng mukha niya.

Bigla namang nag pop out sa utak ko ang mga kaganapan namin kahapon ni grey dahil sa term na baby. Bigla tuloy nag init ang mukha ko dahil doon. Arghh! hanggang ngayon ay nahihiya parin ako sa pag dradrama kong yun.

" Wait bakit namumula pisngi mo? may sakit ka ba? " concern na tanong niya saakin habang sinusuri ang kakabuan ang mukha ko. Ngumiti na lang ako ng pilit sakanya bago kumalas sa pagkakayakap.

" Wala noh! Tara na nga. Baka nandun na sa room sila conyo at bakla " pag iiba ko ng usapan sabay una ng lumakad paalis.

" Oh wait hintay! " habol niya saakin sabay akbay saakin.

Malapit na sana kami sa room ng masalubong namin ni chans si calyn.

" Oh hi guys! sabay na tayong papuntang room " sabi niya habang nakangiti.

I'M STALKING THE MAFIA BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon