CHAPTER 13

7.2K 237 6
                                    

TRINITY'S POV

Nawala ang pagka badtrip ko sa balyena kong tiyahin nang huminto kami sa isang elegant mansion. Kanino naman kaya mansion to? ang ganda eh! ganto yung mga dream house na bibilhin ko kapag makapag trabaho na ako as IT manager someday.

Bababa na sana ako sa sasakyan nang pinagbuksan ako ng pinto ng gwapong MISTER ko. Napangiti na lang ako ng lihim dahil doon, baka kasi sabihin niya ang feelingera ko naman.

" May pagka gentleman din pala to sa katawan si grey, nahihiya pa saakin eh. " mahina kong bulong, pero narinig parin ito ni grey.

" Tss. " sabi niya sabay talikod na saakin at nag diretso na papasok sa loob ng aking dream house wanna be.

Pagpasok palang sa loob ng gate ay makikita mo na agad ang big fountain sa harapan na napapaligiran ng mga makukulay at nag gagandahang bulaklak. Pagtumingin ka sa left side mo ay may mini forest kang makikita. Pag sa right side ka naman tumingin ay makikita mo ang napaka lawak na lupain na pwede mong tayuan ng subdivison sa laki. Plain palang siya kaya kitang kita mo ang lawak nito. Siguro ganyan din kalawak sa mini forest na nasa left side. At kapag tumingin ka naman sa harap mo ay makikita mo ang napaka laking mansion.

Di ko na namalayan na nasa harap na pala kami ng steel door ng mansion.

" Good Evening Mr. Grey how can I help for you? " bigla akong napatago sa likuran ni grey ng may magsalita na parang computer system sa may bandang pinto.

" Open the door. " sabi ni grey sabay unting unti bumukas ang pinto na gawa sa bakal. Para siyang pinto ng elevator pero malaki.

" Woooooow! " mangha kong sabi with matching clap hands pa. Ang astig naman! sa una aakalain mong simply yet elegant mansion lang siya dahil sa napapaligiran siya ng mga halaman at nag gagandahang bulaklak, pero ang di nila alam ay may natatagong hi-tech system pala itong mansion na'to.

" Welcome in OUR new home, little dimwit " malamig na sabi ni grey, matutuwa sana ako kaso dinagdagan pa niya ng little dimwit sa hulihan eh! pasalamat siya at hanggang ngayon ay di ko parin alam meaning nun dahil naging busy ako, kundi baka mabalibag ko sya ngayon din.

" Ohmyhouse! t-talaga? bahay natin tong dalawa? really as in totoo? " sabi ko habang naka ngiting dyosa.

Tumango lang siya sabay ngiti. W-wait ngumiti si grey?! ngumiti siya?!? nginitian niya ako?! what the fudge?! ang gwapo niya lalo! di napalampas ng dalawang mata ko ang paglabas ng dalawang malalim na dimples niya sa magkabilang pisngi dahil sa pag ngiti niyang yun.

Pagkapasok palang namin sa loob ng mansion ay namangha ako sa sobrang ganda ng motif niya, mas maganda pa ito kaysa sa dagger house at gold house niya na napuntahan ko. Pinag combine siya ng gold/white/gray with matching hi-tech system pa.

" Ang gandaaaaaaa " mahina kong sabi habang pinapalibot ng tingin ang kabubuan ng mansion, nakanganga lang ako kaya naramdaman kong nagbabadya ng tumulo ang laway ko kaya agad ko namang tinikom ang bibig ko. Mahirap na at baka makita yun ni grey, edi bawas ganda points yun kung sakali.

" Do you like it? " malamig na tono ni grey sabay upo sa crystal sofa. Napatingin naman ako sakanya at ngumiti ng sobrang tamis.

" Oo naman! mas bongga pa nga to sa dream house ko eh! " sabi ko with matching action pa.

" Good. I have a suprise to you. I hope you like it " sabi niya sabay lapit saakin at hinila ako palabas ng mansion, nagtungo kami sa right side kung saan napaka plain ng lupa.

" Wear this. " sabi saakin ni grey dahil may iniabot sakanya si butler jin at binigay naman to saakin ni grey, isa itong makapal na sweater na color gray, my favorite color. Sinuot ko naman ito kahit na nagtatakha ako kung bakit niya saakin pinapasuot to. Meron din siyang suot na katulad kong sweater na color gray din.

I'M STALKING THE MAFIA BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon