CHAPTER 21

6.5K 185 3
                                    

A/N : To all my beloved and supported readers na nagtatampo or naiinis saakin dahil almost 1 month na akong di nakakapag update, I want to say sorry. As a teen ager like others, I have many important things to do at isa pa wala parin po kaming wifi sa bahay na kinaiinisan ko talaga. Sa phone lang po kasi ako nag uupdate eh.

Pero don't worry babawi ako sainyo ;)  Dahil 3 chapters ang irerelease ko today! I hope will you enjoy it. Again I'm so sorry, that's all. Enjoy!

---------------

TRINITY'S POV

5 am palang pero maaga akong pumasok sa university dahil magrereview pa ako, kailangan ko kasi mag take ng special exam. Di naman porket na asawa ko ang may ari nito ay pwede na akong magpa excempted ng exam. Syempre unfair naman sa iba pag ganun ang ginawa ko noh.

Pero sa tingin ko ay di ako makakapag concentrate sa exam dahil kanina pa este kahapon pa gumugulo sa isipan ko si grey na hanggang ngayon ay di parin umuuwi simula ng umalis ulit siya pagkahatid saakin sa mansion kahapon.

" Hey trinity gurl! sipag natin ngayon ah? ano nakain mo at nandito ka sa library at may hawak pa na libro? may sakit kaba? " biglang sulpot ni bakla sabay hawak sa leeg ko kung may sakit daw ba ako.

Inirapan ko nalang siya bago tumingin ulit sa hawak kong libro. Nandito kasi ako ngayon sa library, bihira lang kasi ako pumunta dito, siguro mga 2 beses palang ako nakapasok dito simula ng mag aral ako dito.
Kaya ganyan nalang ka oa kung mag react ang baklang to.

" Galit kapa rin ba saamin? sorry na oh! patawarin mo na kami pleaseeeee? " sabi niya habang magkadikit pa ang dalawang palad niya.

Ay oo nga pala may isyu pa pala saamin, gusto ko narin sana sila patawarin eh kaso nakalimutan ko dahil sa sobrang dami kong iniisip.

Nginitian ko nalang siya sabay hampas sa braso ng malakas.

" Oo na di na ako galit. Kayo pa? matitiis ko ba kayo? sorry rin ah? masyado akong naging immature sa mga bagay bagay. " paghihingi ko rin ng tawad sakaniya.

Dapat talaga di ako nagalit sakanila eh, para naman sa kaligtasan ko ang iniintindi nila eh kaya nagsisisi talaga ako sa pag iinarte ko sakanila.

" Yehey! bati mo na kami! masaya niyang sabi sabay hug ng mahigpit saakin.

" By the way, hinahanap ka kahapon ni fafa grey ah? " sabi niya kaya agad akong napaangat ng tingin sakanya at tinignan siya ng may pagtatakha.

Ano daw? hinahanap daw ako ni grey kahapon? pero magkasama kami nun ah? nahuli pa nga niya kami eh.

" Yung time na nagpaalam ka kay ma'am duling para mag cr ay bigla namang dumating si fafa grey, siguro mga limang minuto yun pagkatapos mong lumabas, may dala dala pa nga siyang isang boquet ng flowers eh. Mukhang imported pa nga yung mga flowers na dala niya. Oha ang sweet niya diba? "  agad akong nag iwas ng tingin sabay baling sa iba.

Naguguilty kasi ako sa mga kaganapan kahapon. Malamang hanggang ngayon ay galit parin saakin si grey dahil sa mga nakita niya.

" Are you okay? bat parang pinagbagsakan ka ng daigdig? nag away ba kayo ni fafa grey? tell me " tanong niya pero umiling lang ako sakanya.

" Look at me gurl. Tell me alam kong may problema ka. " napabuntong hininga nalang ako bago tumingin sakanya.

Malakas talaga ang instinct ng baklang to tuwing nagsisinungaling ako.

" Galit siya saakin... " mahina kong sabi dahil nahihiya ako sa sarili ko. Sa pinag gagawa ko.

" Tss. Galit lang pala eh, konting lambing mo lang sakanya at mapapatawad ka nun agad. Ikaw pa? lakas ng kapit mo dun eh. " agad akong napailing sakanya.

I'M STALKING THE MAFIA BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon