CHAPTER 18

7K 216 3
                                    

TRINITY'S POV

" Where do you want to eat for dinner? " tanong ni grey habang seryosong nagmamaneho at nakatingin lang sa harapan.

" Kahit saan, ikaw bahala ikaw naman gagastos eh " walang gana kong sabi sabay hikab. Inaantok na kasi ako eh, feel ko ang dami kong ginawa ngayong araw.

" Tss. " tangi niya lang sabi.

Huminto kami sa isang exclusive restaurant na sa tingin ko ay pag mamay-ari niya. DGS FRENCH RESTAURANT. Pagpasok namin sa loob ay nagyukuan ang mga waiter and waitress sakaniya.

" Good evening Mr. Schylus " sabay sabay nilang bati habang nakayuko. Nagdire diretso lang si grey at di pinansin ang mga bati sakanya ng empleyado niya.

" A pleasant evening Mr. Schylus. Please follow me. " sabi ng isang cute na lalaking receptionist na color blue ang hair, para siyang anime dahil sa buhok niya at ang cute din ng attire niya. Sinundan nalang namin siya at nagtungo kami sa V.I.P room. Tinuro niya ang reservation seat namin.

" Enjoy the dinner ma'am. " nakangiti niyang sabi habang nakatingin saakin kaya nginitian ko na lang din siya.

" You may fvcking go. " masungit na sabi ni grey kay kuya blue hair. Yumuko muna ulit siya bago nagpatuloy maglakad paalis.

" Let's eat. " walang emosyon niyang sabi kaya kumain nalang din ako.

Habang nililibot ko ng tingin ang paligid ng VIP room ay ngayon ko lang napag tanto na puro pala naka cosplay ang mga waiters/ waitresses niya. Siguro masyadong lutang ang isip ko kanina kaya wala akong gana na pansinin ang mga naka paligid saakin. At tanging si kuya blue hair lang ang naka agaw pansin saakin kanina dahil sa cuteness niya.

Di ko alam na may pagka anime lover din pala itong si grey. Di ko akalain na ang masungit, snobber, short temper, merciless mafia boss ay isang anime lover. Gusto ko tuloy matawa kaso baka bigla nalang niya ako barilin eh.

" About earlier. " pag uumpisa niya kaya agad naman akong napahinto sa mga iniisip ko at napatingin sakanya. Kanina pa kating kati yung dila ko magtanong tungkol sa nangyari kanina eh. Gusto ko ng malaman kung bakit niya nagawa yun, kaso natatakot ako magtanong at baka ako naman ang isunod niya.

" They want to kill you. " muntik na akong mabuwal sa kinauupuan ko dahil sa sinabi niya, mabuti nalang at walang laman ang bibig kundi baka maibuga ko lang yun sa sobrang gulat.

" Gusto nila akong p-patayin? " pag uulit ko habang di parin makapaniwala.

" Yes. That's why I kill them first, before they kill you. " sabi niya, nakahinga naman ako ng medyong maluwag sa sinabi niya.

Sabi ko nga ba eh, di naman ganun kasama si grey para kumitil lang buhay na may buhay. May rason siya para gawin yun at ako ang rason niya. Para maligtas niya ako sa mga taong nagtatangkang patayin at saktan ako.

" Thank you dahil niligtas mo ako. Pero ang di ko lang talaga maintindihan ay kung bakit nila ako kailangang patayin? wala naman akong fraternity, gang, clan, kulto, tribo oh kung anong grupo na maaaring magpahamak o mag damay saakin " bigla naman siyang napatahimik dahil don sinabi ko.

Huli ko na ng malaman ang mga pinagsasabi ko. Aish! ang tanga tanga mo talaga trinity! di ka talaga nag iisip! baka isipin niya na siya ang sinisisi mo dahil naging asawa kaniya. Dahil sa pagiging Mafia Boss niya kaya ka nadamay! Sermon saakin ng epal kong utak.

" Because they know that you are my weakness. Sorry it's my fault-.. " di ko na siya pinatapos pa sa sasabihin niya ng humirit ako.

" Hephep! wala kang kasalanan. Di kita sinisisi okay? dapat nga mag pasalamat pa ako sayo dahil niligtas mo ko eh. Utang ko sayo ang buhay ko. Kaya wag mong sisisihin ang sarili mo " pag papagaan ko sa kalooban niya. Napa buntong hininga nalang siya bago mag salita.

I'M STALKING THE MAFIA BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon