Seventy four

210K 3.2K 723
                                    

Sabado ng gabi. Hinihintay ko si Greg na dumating dahil sabi niya sa akin, idedeliver niya na lang daw yung sushi dito sa bahay. Nandun ako sa kwarto habang nagla-laptop dahil walang magandang palabas sa TV nang biglang may kumatok sa pinto.

Kahit tamad na tamad na akong tumayo, pinilit ko ang sarili ko para buksan yung pinto kase naka-lock.

Nung binuksan ko yun, bumungad naman sa akin yung nakangiting mukha ni Kei. Yung ngiti niya, kakaiba. Hindi yun yung ngiti na makulit, ngiti na pang-asar. Parang ibang tao nga 'tong nasa harap ko eh. Kase yung ngiti niya, yun yung ngiti ng isang taong hindi mo kaclose.

Inalis ko na lang sa isipan ko 'yun. "Oh, ba't ka kumakatok dyan ah?" tanong ko sa kanya.

"Wala kasi akong magawa. Papasok." sabi niya sa akin at pumasok na lang bigla. Ano kaya yun? Wala pa nga akong sinasabing pwede na siyang pumasok eh! Nako naman. Wala na lang akong nagawa dahil nakahiga na siya dun sa kama ko na yakap yakap pa yung malaki kong teddy bear. Ang kapal talaga ng mukha eh. Pinatay ko na yung laptop ko pagkatapos ay naupo doon sa kama, sa may tabi niya. Malaki yung kama ko syempre, kaya kasya kami doon.

"Ba't ba nanggugulo ka na naman ah?" tanong ko na naman. Actually, gusto ko na nandito siya. Pakipot effect lang ako. Ewan ko ba trip ko eh pake nyo.

Napatingin ako sa kanya. Nakapikit pala yung mga mata niya pero alam kong hindi siya tulog. Tapos, binuksan niya na yung mga mata niya pero hindi naman siya nakatingin sa akin kundi sa isang sulok lang.

"Wala, gusto ko lang pumasok dito. Ang lamig dito eh, 'di tulad dun sa kwarto na tinutulugan ko ang init."

"May aircon kaya doon! Aysus. Ayaw mo pang sabihing gusto mo kong makatabi." sabi ko. Hahahahaha ang lande ko ano ba 'yan.

Ngumiti siya. Yung ngiti na naman na maliit lang, yung hindi mapang-asar. Yung hindi "Kei-like" smile.

"Oo na, sige na nga... gusto nga kitang makatabi dito sa kama. Saka ito si teddy bear." sabi niya pa sabay yakap ng mas mahigpit dun sa malaki kong teddy bear at napapikit na naman. Para siyang baby na may hawak na paborito niyang teddy bear... ang cute cute. Pero nakakainis medyo actually! Kase naman, halos lahat ng space ng kama occupied niya. Kakapiranggot na nga lang ng pwet ko yung nakaupo sa kama.

Hinablot ko yung isa kong unan at biglang hinampas sa mukha niya. Nagulat naman siya at napabangon ng 'di oras. Napahawak siya sa pisngi niya. "Aray ko naman Tabby! Ang sakit nun ah!"

Ngumiti ako. "Gusto mo isa pa?" tapos hinampas ko ulit sa mukha niya. Mukhang hindi niya nga expected eh.

"Aba... ganun ah? Sige! Kala mo magaling ako sa pillow fight!" sabi niya naman at humablot ng isa pang unan. Ang dami ko kaseng unan eh. Tapos bigla ba namang hinampas sa mukha ko.

"ARAY WALANG HIYA KA ANG SAKIT NUN AH!" sigaw ko. "KALA MO, MAS LALAKASAN KO SA'YO!" tapos sinugod ko siya at pinaghahampas. Hinarang naman ni Kei yung braso niya panangga. Nung natapos na ako bigla niya na naman akong hinampas. Naghampas-hampasan kami doon.

Pillow fight... Actually hindi na normal na pillow fight yun eh. Parang WWE na eh. Pano ba naman kase, naka-dalawa pang unan si Kei. Ako naman isa lang, wala na kasing unan doon. Napaka-unfair. Hinampas hampas ko siya at siya naman ginagamit yung dalawang unan pang-protekta laban sa akin. Tapos sabay niyang pinaghahampas sa akin yung mga unan.

Nahulog tuloy ako sa lapag. "ARAY KO!!!!! AKALA MO DITO NAGTATAPOS ANG LAHAT HA?! MUKHA MOOO!!!! HUMANDA KA SA AKIN!!!!" tumayo ako kaagad at sumugod na naman papunta sa kanya. Si Kei naman tumalon pababa ng kama at tumakbo. Inunahan ko na siya sa pagtakbo sa CR, dahil alam kong doon siya didiretso.

Nagulat pa siya na nahulaan ko yung gagawin niya. Syempre, kase naman lagi na lang kapag nag-aasaran kami dito siya sa CR tatakbo. Pinaghahampas ko naman siya ng unan at napabitaw na siya dun sa mga hawak niyang unan, tapos lumalakad na lang siya paurong. Nung hahampas pa ako ulit, nahawakan niya ako sa braso kaya natigilan ako. Tinitigan niya ako ng malapitan. Nagkatitigan kami.

The XL Beauty (PUBLISHED)Where stories live. Discover now