Thirty seven

232K 4.4K 689
                                    

A/N: Dedicated sa kanya dahil sa support niya. Thank you! :"> wow, naka-100 votes and 1.3K reads na ahh. Sana umarangkada din sa comments. demanding haha.

--

School day na. Eto yung annivesary ng pagkakatayo ng school, yung may mga activities na gagawin. And of course, no classes at pwedeng magsama ng mga outsiders kahit lalake pa. Ito yung event na pinakagusto ng lahat sa eskwelahan. Kase naman, all-girls nga eh, kaya parang mga gutom na gutom sa lalake yung mga diablets dito. Well, aaminin ko ako din naman.

Pero as of now, wala namang eye-catchy. WELL, EXCEPT FOR ONE. At alam niyo ba kung sino yung pinagkakaguluhan at hinihiyawan at hinaharot ng girls ngayon? Sino pa ba? Edi yung kasama ko ngayon. Itong pulubing unggoy na ito na walang ginawa kundi bumili ng bumili ng mga pagkain sa iba't ibang booths.

"Ang takaw-takaw mo naman!" Sabi ko sa kanya. Pero kinuha ko na rin yung corndog na hawak niya at kinain iyon. Hindi na siya nakaangal pa kase pera ko naman yung pinangbabayad niya. Nahiya naman ako sa kanya eh.

"PINOY HENYO, SALI NA PO KAYO! ANG MANANALO DITO ANG PRIZE AY ISANG BOX NG PIZZA!" may nag-aanounce doon sa isang corner. Hindi ata sila napapansin kase konti lang tao doon kaya ayun. Pero teka... isang box ng pizza?! Seryoso? OMG.

"Sali tayo doon!" sabi ko kay Kei. Umagree naman siya kase mukhang pizza din 'tong lalake na ito eh.

"SASALI KAMI!" sabi ko sa babaeng maingay. Mukha pa ngang nagulat eh.

"Sige po, yung maghuhula upo doon sa may left. Tapos yung mag-oo or hindi, bubunot dito," may pinakita siyang fish bowl na may mga nakatuping papel sa loob.

"Kei, ikaw manghula. Bilis." sabi ko sa kanya. Umupo naman siya doon sa left na chair. Ako naman bumunot muna tapos umupo sa may right side na chair. Nakahakot kami ng mga audience kasi naman yung mga humaharot na lamok kay Kei eh makasunod.

Nilagay na nung babae yung word sa noo ni Kei. Langya, ang dali naman ng word. Pinya lang pala. Siguro naman mahuhulaan 'to ng unggoy na ito no? I mean pang grade one nga eh!

"Okay, timer starts now." sabi nung babae at pinindot yung hawak niyang stopwatch.

"Tao? Bagay? Hayop? Pangyayari?"

Sinipa ko siya. "Isa-isa lang takte hindi ako makasagot eh saka ayusin mo nga."

Napaisip pa siya. Nako mukhang aabutin pa kami ng World War 45 dito eh. "Pagkain? Pagkain 'to no? Ikaw pa Tabby, alam kong pagkain 'to. Siguradong-sigurado ako."

Sinipa ko ulit siya. "Ang dami-dami mo pang pinagsasabi hulaan mo na lang mauubos pa yung time naten. Nako Kei!"

"Uhmmm, pang-almusal?"

"HINDE."

"Pang-merienda?"

"HINDE."

"Prutas ba 'to prutas?" tanong niya. Ayun! May isip din pala ang loko. Napatango ako na medyo naeexcite na.

Sa sobrang excitement ko napalakpak ako at sumigaw. "Nagtatapos sa letrang A!!"

"Miss bawal po yan..." sabi nung babae pero hindi ko na lang siya pinapansin. For sure mahuhulaan niya na ito. Konti lang naman ang mga prutas na nagtatapos sa letrang A eh.

"Okra! Okra 'to, okra 'to diba? Nagtatapos sa letrang A."

Napatayo ako bigla at binatukan siya. "At kelan pa naging prutas ang okra?! Nako nako Kei!!! Nagsisimula sa letrang P! 5 letter word!!! Yan mahuhulaan mo na ah ang dali-dali lang."

Napatayo din siya at napalakpak pa. Napangiti. Mukhang alam niya na nga ang sagot at parang ang confident niya eh. Oh em gee, isang box ng pizza here I coooooooome~

"Alam ko na ang sagot! Sus ang dali lang pala." sabi niya at nangingiti na.

Napapatalon na ako sa tuwa nga eh. Grabe masaya din pala 'tong laro na ito no. "Ano? Ano? Bilisan mo mauubusan tayo ng time!!"

Tinaas niya yung hintuturo niya. Alam niya na nga ang sagot for sure. Akalain mo yun? Pero sabi nga apes are genius. Matalino din naman pala 'to si Kei.

"Ang sagot ay..." sabi niya. Nakakainis pa-thrill pa. Nang-iinis na ata 'to at gusto pang ubusin yung time para kabahan ako. Nako talaga!

"10 seconds," sabi nung girl.

"Ano na? Kei umayos ka sabihin mo na kase yung sagot! Nang-aasar ka pa nako!!!" Grabe, talagang nababaliw na ako sa larong ito ah. "Anong sagot...?"

Bubuka na yung bibig niya. Ayan na, sa wakas sasabihin niya na at makakakuha na ako ng isang box ng pizza. Lahat din ng nanunood doon mukhang naeexcite na sa sasabihin ni Kei eh. Pathrill pa kase alam naman niya yung sagot! Ang kulit!

Naamoy ko na ang tagumpay! Naamoy ko na ang pizza!

/^3^/ --------> itsura ko.

^ o ^ -----------> itsura ni Kei.

/^ O ^/ ---------> itsura ng audience.

....

.......

............ NAKO PINYA LANG ANG TAGAL PA AHH KAINIS TALAGA 'TO SI KEI

.............................

"POKRA! Yun ang sagot! Letter P ang umpisa, A nagtatapos! 5 letter word! Prutas! Oh ano ka haaaa? Yooohooo~ Tabby may pizza na tay-"

Naputol yung sasabihin niya kase bigla ko siyang binatukan.

-________- ------> ganyan na ang itsura ng lahat. Nakakainis! Nandun na eh!!! Pathrill thrill pa ito kala mo naman alam yung sagot!!! Kainis!! T__T

"Time's up." sabi nung girl habang nakatingin sa orasan niya.

"Bakit? Hindi ba tama yung sagot ko?" tanong pa ni Kei habang hinahawakan pa yung batok niya. "Pokra naman yung sagot diba?"

"NAKO KEI BOOBY BIRD KA TALAGA! Mas malala ka pa sa booby bird! Ikaw na ang pinaka-booby bird sa lahat ng booby bird!!!! Nako Kei!!! Anong Pokra?! Pinya! Pinya ang sagot!" kinuha ko yung papel na nakadikit sa ulo niya at nilagay sa mukha niya.

"Ahh pinya pala yun. Sorry. Kala ko Pokra eh."

Nakakainis talaga! Nako. Wala na. Wala na ang pizza ko. T 3 T

The XL Beauty (PUBLISHED)Where stories live. Discover now