Sixty three

187K 2.9K 214
                                    

"Tabitha, hija dear tignan mo 'tong mga inuwi ko sa'yo oh! Lahat yan binili ko sa New York. Kaso teka ah, parang pumayat ka ata? Lumiit yung braso mo oh. Naku! Ginugutom ka ba dito? Kulang ba yung mga padala namin para sa makakain mo?"

Naningkit tuloy yung mga mata ko. "Mommy, hindi po ako ginugutom dito, okay? Sadyang sexy naman talaga ako eh, ewan ko ba sa inyo ba't di niyo marealize yun."

Natawa si Mommy saka si Dad. Nilabas pa ni Dad yung mga dala nila, ang dami nga eh. Mga damit, pagkain, may mga gadgets pa nga! Nako talaga kahit kelan ang gagastos. Aanhin ko naman yang mga pinamili nila ah?

"Hindi kaya may boyfriend na yang baby girl natin ha?" biglang sabi naman ni Dad. Hay nako nakisali pa si Daddy. Bakit ba ako nagkaron ng mga ganitong magulang?!

"Ha? Talaga? Baka nga, feeling ko rin kase pumapayat siya eh. Naku, sabihin mo yung totoo anak? May boyfriend ka na?" tanong ni Mom.

I shook my head naman agad. "Wala akong boyfriend. Wala. Doon na nga lang ako sa kwarto, dalhin ko na 'tong mga chocolates at damit ah."

Tumango na lang sila kase abala din naman sila sa pag-aayos nung mga gamit. Umakyat ako dala-dala yung tsokolate at kumatok sa pinto ni Kei. Nung binuksan ko, natutulog pala ang loko. Nako. Mukha nga siyang hindi nakatulog sa bigat ko... Hay. Umupo ako doon sa kama, malapit sa kanya. Tinignan lang siya. Ang tagal na pala naming magkasama ano... ganito din yung una siyang napunta sa bahay, natutulog siya habang tinititigan ko. Para kasi siyang baa matulog, ang cute cute. Pinindot ko yung pisngi niya. Kung tutuusin naman talaga ang swerte ko sa kanya eh. Napaka-rare kaya ng lalakeng ito.... pero kaso, sa totoo lang natatakot din ako. Hindi pa ako ready magkaroon ng boyfriend... Hay basta ang gulo ko I know right. Siguro naman makakahintay si Kei diba? Kase gusto niya ako.

Kase mahal niya ako. Sabi niya ako ang pinakamagandang babae sa mundo.

"I love you Kei." sabi ko.

Bigla namang hinila ako ni Kei papunta doon sa dibdib niya. Loko. Gising pala. "Ano ulit yun? Hindi kita narinig."

Sinuntok ko nga siya sa braso tapos kumawala sa kanya. "Ewan ko sa'yo. Langya gising ka pala. Matulog ka na nga mukha ka pang inaantok oh. Saka lock mo yung pinto. Andyan sila Mommy sa baba, kaya dadalhan na lang kita ng tanghaliaan ah."

"Para naman akong preso neto." sabi niya naman.

"Eh kung bumalik ka na lang kaya sa bahay niyo? Puro ka reklamo eh!"

"Sabi ko nga po." tapos binigay ko na lang sa kanya yung chocolates. Lumabas na ako ng kwarto niya at bumaba ulit. Pinalapit ako nila Mommy at sinabing kakaen na daw kami ng almusal. Ay oo nga pala, hindi pa ata nakakain ng almusal si Kei. Pero okay na yun, matutulog naman siya.

"Ikaw ba nagtimpla neto, ha, Tabitha?" tanong ni Dad. Yung mug na tinitimplahan ni Kei ng kape kanina. Tumango na lang ako. "Sa akin na lang ah." tapos yung ininuman na ni Dad. Nagluluto si Nay Erma tapos umupo na sila Mommy at Dad sa upuan. Sumunod na rin ako.

Nangiti si Mommy. "Hanggang New Year kami dito anak. Diba? Do you feel happy?"

I nodded. Actually medyo masaya nga ako. Pero hindi rin ako sanay na umuwi sila Mommy ah. Bakit kaya? Hmmm.... hindi kaya may something? Ay nako nevermind na nga. Kung anu-ano pang pinag-iisip ko.

Kumaen na kami ng almusal tapos kwento lang sila ng kwento tungkol dun sa business nila sa US. As if namang may care ako no. Nung natapos akong kumaen, nauna na ako sa kanila at umakyat ulit ng kwarto para maligo.

Tapos kong maligo nag-laptop lang ako hanggang sa hindi ko namalayan na lunch time na pala. Chineck ko yung phone ko at nagtext pala si Allison.

'Best, punta kayo ni Kei, *Echos* Theme Park, 1pm. Kasama ko si Greg hubbie hehehe

Pusang gala. Greg hubbie?! SERYOSO?! Grabe naman 'to! Haaaay. Tumingin ako sa orasan at 11:56 na. Lumabas ako ng kwarto pero pagkalabas ko, nandun na si Kei sa baba ng hagdanan. Agad akong tumakbo palapit sa kanya.

"Hoy Kei! Ba't ka bababa ah?!" tanong ko sa kanya sa mahinang boses lang. Nandun kase sila Mommy sa sala nanunood ng TV.

Mapungay pa yung mga mata niya. Kakagising lang eh. "Ha? Syempre iinom akong tubig, saka nagugutom na ako."

"Nandyan nga sila Mommy eh! Doon ka sa kwarto, aalis tayo. Magbihis ka. Tapos sa labas na lang tayo mag-lunch."

"Tabitha? May kausap ka ba?"

Nagulat ako nang makita ko na tumayo na si Mommy mula sa sofa. Tinulak ko naman agad si Kei paakyat, tapos sinabi sa kanya na pumasok na siya sa loob ng kwarto. Ako naman bumaba na sa hagdan at nagpakita kay Mommy.

Ngumiti ako. "Ha? Wala po ah. Mommy, aalis lang po ako. Pupunta po kame ni Allison sa theme park eh."

"Sige anak." tapos ayun bumalik na siya sa panunood ng TV. Whew buti na lang. Umakyat ulit ako at kinatok na si Kei. Maya-maya lumabas na rin siya na kakaligo lang at bihis na.

"Pano tayo makakalabas?" tanong niya.

Sinagot ko naman siya. "Dahan-dahan lang tayo syempre. Nanunood sila Dad doon, kaya wag tayong gagawa ng ingay ah. Pero bilisan mo Kei ah."

"Sure, magaling ako dyan." nag-grin pa siya. Tang ina ang cute.

Bumaba na kami at nandun nga sila Mommy at Dad nanunood ng TV. Binalaan ko si Kei. Ngumiti lang siya, tapos mabilis na gumapang palabas ng bahay. My goodness! Ang galing niya! Para siyang butiki! Bago siya nakalabas ng pinto kinindatan niya pa ako.

My goodness. Gumapang din kaya ako? Parang masaya eh.

Gagapang na din sana ako pero bigla naman lumingon si mommy. "Tabitha? Ingat ka ah."

Nangiti na lang ako. Whew buti na lang lumingon siya. Kundi gumapang na talaga ako. Nagpaalam na ako at lumabas na ng bahay kasama si Kei.

The XL Beauty (PUBLISHED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat