Thirty eight

248K 3.8K 749
                                    

"Magsisimula na ang play in two minutes!" pagsisigaw nung backstage manager. Nakakainis, naghahanda na nga ako dito eh, pero kase bigla ba namang ayaw magkasya nung blouse. Kaasar. Kahapon lang sinuot ko 'to, tapos biglang ayaw ng maisuot?! Pakinshet. Tang ina. Gagoness. Uubusin ko na lahat ng mura sa mundo hindi ko pa rin nasusuot yung costume ko.

"Tabby, mag-ready ka na," sabi nung isa kong kasama sa play.

"Mukha ba akong hindi nagre-ready?!" sabi ko sa kanya. Nagtatanong pa may mata naman. Napatingin ako bigla dun sa size ng blouse. Taena. Large lang pala. Kaya ayaw magkasya. Hindi sa kin 'to eh.

"SINONG KUMUHA NG COSTUME KO?!" sigaw ko sa kanila. Napatigil naman lahat at nagsihanap nung blouse ko. Nakakainis, konti na lang magsisimula na.

"Tabby, 'yan yung costume mo. Ikaw lang naman mataba dito eh," sabi nung isang impakta at nagsitawanan sila doon.

"Oo nga eh, saka ako lang maganda. Ikaw nga, sa halip ng kung anu-anong sinasabi mo dyan, tulungan mo kong pagkasyahin 'tong costume ko."

"Ayoko nga, nagme-make up pa ako eh, kaylangan kong maging pretty."

Tinignan ko siya ng masama. "Sana kainin mo rin yung make-up no para mapaganda ka din sa loob? Saka the pak! Puno lang ang role mo dito magme-make up ka pa?! Tigilan mo nga yang kaartehan mo bilis."

Napasunod ng wala sa oras ang bruha. Tinulungan niya akong pagkasyahin yung blouse na yun and thankfully nasuot ko na rin siya (pumapayat nga ako). And on time, tinawag na kami sa stage.

Ang daming nanunood. Napuno nga buong auditorium eh. Pero sa lahat ng nanunood doon, isa lang yung talagang napansin ko. Si Kei. Tinitigan ako. Bigla tuloy akong kinabahan. Pero okay, kaylangan mawala yung kaba.

Ayoko ng ikwento yung play. Wala naman ding kwenta. Basically snow white story lang siya na ang twist eh bakla pala si Snow White. Buti na lang talaga at yung role ng witch yung kinuha ko. Natapos na at nagpalakpakan yung mga tao. Ang daming humihiyaw. Daming mga nagsasalita, pero isang boses talaga ang nangingibabaw eh.

"WHOOO!! I LOVE YOU TABBY!" kanino pa ba? Edi kay Kei. Pinagtitinginan tuloy siya ng mga tao. Kainis! Pa-i love you i love you pang nalalaman katayin ko 'to eh.

"Kinikilig ka naman."

Sabi ni konsensya. Nakakarami na 'tong konsensiya na 'to ah. Pati 'to makakatay ko na eh.

Agad na akong umalis doon sa auditorium kase kaylangan ko pang maghanda para sa beauty pageant. Umuwi muna kami ni Kei para makapag-ayos na ako at nandun naman yung hair stylist at taga make-up sa bahay.

"Tabby! Napaka-seksi mo pa rin ever ever!" sabi ni Ate Jojie, hair stylist ko. Take note, KO.

"Bola na nga binobola mo pa lalo." hirit naman ni Kei. Nakakainis din talaga 'tong lalake na ito no? Konti na lang talaga eh papalayasin ko na 'yan eh.

"Wahee! Sinetch naman itetch? Boyfriend mo ah Diyosang Tabby? In fernez, gwapo ng fez! Kung hindi lang 'to kyota eh tutuhugin ko na 'to!" sabi naman ng maharot na si 'Teng Kasin na taga make-up KO. Take note, KO ulit ah.

"Ano ba? Lalandiin niyo 'yang pulubing unggoy na iyan oh aayusan niyo ako?" sabi ko at umupo na doon. Nakakainis talaga. Ang dami-daming lumalandi kay Kei. At hetong Kei naman na ito, sarap din upakan. Parang gusto pang nilalandi siya.

Natapos na ako ayusan then after nun kinuha ko na yung gown at nilagay sa kotse. Sa school na ako magbibihis. Sumama naman si Kei kase gusto niya daw akong paroonin. Sus, ang sabihin niya nahuhumaling siya sa beauty ko ngayon.

The XL Beauty (PUBLISHED)Where stories live. Discover now