Thirty three

244K 3.6K 336
                                    

"Next!"

Sigaw nung panget na assistant ng naghahandle ng mga auditionees para sa gaganaping play. Ako na ang sunod. Tumayo ako mula sa upuan ko at taas-noong lumakad paakyat ng stage. All eyes are on me. Natigilan ang mga nagpa-practice at napatingin sa akin.

"Mirror, mi-" naputol ako nang biglang tumayo yung judge something at pumalakpak pa. Tinitigan ko siya habang nagpapalakpak at ngumingiti siya doon na para bang may nahanap siyang kayamanan.

"Bravo, bravo! Stage presence pa lang, you're perfect for the role! Body size, appearance, ang tindig mo, everything! Just staring at you hija nararamdaman ko na ang wicked atmosphere. What a performance! Bravo, you're accepted for the role of the Witch."

Daheck. 'Di ko alam kung compliment yan at dapat akong matuwa o insulto at gusto atang masipa ng baklang judge na ito.

"Wala pa nga po siyang sinasabi eh! Paano naman kami?" may mga sumasalungat na mga ibang estudyante doon. I assume magaaudition din sila for the role of the Witch. Nagsitayuan sila at kakausapin na sana sila ng judge nang nagsalita ako.

"Gusto niya bang mag-audition pa? Siguraduhin niyo lang na magagaling kayo." sabi ko. Bigla namang nag-upuan yung mga babaeng iyon. Hindi ko alam kung bakit sila parang naiintimidate sa akin, eh in a nice way ko kaya sinabi iyon. Dapat naman talaga nilang galingan para may challenge naman sa akin diba?

"You're right sir. She's perfect for the role of the bitch... este the Witch."

Bumalik na ako sa upuan ko. Sumunod na yung mga ibang auditionees and finally turn na ni Daphne. Kadire, ang panget niyang umarte. Paano siya makakapasok niyan? Paano ko na lang siya sasaktan at mamatraltuhin?

"Hija, practice ka pa umact ah?" yun yung sabi ng judge sa kanya. No one laughed, of course. Well, except for me. Napatingin sa akin ng masama si Daphne at saka nag-walk out. Sore loser.

Inaanounce na yung casts and well, boring. Sayang naman sana pala nakapasok yun si Daphne. Mga hindi ko pa kakilala yung mga nakapasok. Pumunta na lang ako ng wash room. At sino pa nga bang tsimay na mahilig tumambay dito at mukhang laging dito kami nagkikita? Edi yung Daphne na iyon with her tutas.

"Just because you got on a fucking play, that doesn't make you popular or anything." sabi niya pa. Nakakatawa talaga. Para siyang batang inagawan ng candy. Hindi lang nakapasok sa mga cast ng play eh. Kasalanan ko ba kung ang panget niya umarte.

I stared at myself in the mirror. Walang-wala talaga 'yang Daphne na iyan sa beauty ko no. Pano pa kaya kung pumayat ako diba? Edi kawawa naman siya. Wala ng makakapansin sa kanya. Oh diba? I'm a nice enemy nga oh.

Bigla siyang ngumiti. Nababaliw na ata 'to eh.

"Let's settle this once and for all. Let's see kung sino nga bang mas maganda sa atin.... Does the beauty competition next weekend pique your interest? Ano? Nababahag na ba ang munti mong buntot biik?" nagtawanan pa sila doon. Biik? Wow, that's new.

"Beauty competition lang pala eh. Sana mas hinirapan mo ang challenge, yung kahit isang percent man lang ng chance na manalo ka."

"Yabang talaga. Kala mo naman sinong maganda." sabi nung babaeng nasa likuran ni Daphne. 'Wag na nating alamin ang pangalan niya dahil last appearance niya na 'to sa story promise I swear.

"Aba, kumpara sa'yo, oo!" sagot ko. Talaga naman. Kamukha niya kaya yung libag ko sa bilbil.

Lumabas na lang ako ng wash room. Nakakatamad silang awayin eh, kase paulit-ulit naman silang nababasag sa akin. Mga walang kachallenge-challenge!y goodness. At bakit parang nakakailang sabi na ako ng challenge? My goodness ang random ko!

Umuwi na lang ako at nag-isip ng plano para sa beauty competition na iyon. I remember, nung bata pa ako, I've always wanted to be a beauty queen. Yung tinitingala dahilsa ganda at talinong angkin niya. And then nung nasa high school pa ako and may beauty competition at sinabi kong sasali ako, my classmates laughed at me. 'Ikaw? Tabby sasali? Bawal mataba dun!' Eh beauty competition nga tungaw! Hindi naman sexy competition kainis eh. Ano bang problema sa pagiging mataba? Eh tao din naman kami.

Ay excuse me, DIYOSA pala ako.

And yun nga...my classmates called me names, bullied me, and told me that never akong makakapasok sa isang beauty competition. At nung pinagtatawanan ako ng lahat, someone stepped in to rescue me. Matapang niyang sinabi noon na, 'Di hamak naman na mas maganda si Tabby kesa sa inyo noh! And who said na hindi siya pwedeng makapasok sa isang beauty competition? She can! Maganda kase siya eh kayo?' Tapos natakot yung mga classmates ko. That person smiled at me and told me, 'Kapag may nambubully sa'yo, andito lang ako ah.' I smiled pero deep inside alam kong hindi nga ako pwedeng makasali ng beauty competition.

Daphne knows it. Alam niyang pangarap ko ito. Alam niyang hindi ko matatanggihan yang challenge niya. Alam niya na sasali ako.

Alam niya kase siya yung taon iyon na nagligtas sa akin mula sa mga bullies. How ironic no? Ngayon naman siya na ang nangbubully sa akin pero 'di naman ako magpapatalo.

The hell. Umiiyak ba ako? Eeww ah! Pinunasan ko yung luha ko and binuksan yung laptop. Pumunta ako sa google at nagtype sa search bar.

"How to lose weight in 2 weeks"

Yun yung tinype ko. Alam kong imposible yun no, like duh? Pero malay niyo naman diba may pag-asa? Basta. Sasali ako sa beauty competition na iyon. Whatever it takes. Tatalunin ko 'yung babaeng iyon.... I will be the queen.

The XL Beauty (PUBLISHED)Место, где живут истории. Откройте их для себя