Two

480K 8.1K 1K
                                    

Nagpunta ako ng mall at agad na dumiretso ng Forever 21. Nakakainis talaga. Hindi pa rin ako maka-move on doon sa lalakeng nakabunggo ko kanina. 12pm na, lunch time ngayon sa school so baka magsisipuntahan na rin yung mga diablets dito sa mall. But like I care. Pumasok ako ng Forever 21 at nag-browse ng mga racks para may makitang magandang bilhin.

I just really need to shop now!

Habang naghahanap ng mabibili, may nangalabit sa akin at napatingin naman ako sa chabitang babae na isa sa mga nag-aassist dito sa store. Nakangiti pa siya sa akin.

"Ma'am, may double XL po kami dito,"

Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa. Napataas ang kilay. Nakakairita talga.

"BUTI MERONG SIZE MO, 'NO?" sabi ko sa kanya at tinalikuran siya. Aba dapat lang sa kanya yun no! Ang kapal ng mukha! XL lang kaya ako!

"Hmph. Ang taba taba mo makapagtaray ka dyan." sabi niya pa. Kamalas-malasan niya mainit ang ulo ko at handa akong makipag-away kaya hinarap ko ulit siya.

"Ano naman kung tinatarayan kita? Buti nga pinapansin pa kita. Privilege yun! Sa dami ba naman ng mga taong humihingi ng attention ko, isa ka sa ma mapapalad na napansin ko! Kase naman eh, your body kase... talagang kapansin-pansin. Kung magtago ka na lang kaya behind these racks?"

Nakahakot kami ng mga audience at yung mga tao tinawanan yung saleslady. Wala na lang siyang nasabi, namula na lang sa kahihiyan. Oh? Ano siya ngayon?

"Nakikipag-away ka na naman ba Tabby?"

Dug dug. Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko. Kilalang-kilala ko kung kaninong boses iyon. Siya lang kase ang may ganung kagwapong boses. I straightened my skirt and tucked a loose hair strand behind my ear at napalingon sa direksyon ng boses.

And I'm right. It is him. But with her.

"Hey Rowell... and Daphne." talagang madiin yung pagkasabi ko ng Daphne. Yang plastik na impaktitang iyan. Ang lakas ng loob makapulupot sa Rowell ko! Baka mahawa ang prince ko ng plastic virus!

"Kuya Rowell," he corrected me tapos hinawakan pa ang ulo ko. "Ikaw talaga. Bad ang mang-away."

"Eh siya naman nauna eh!"

"Even though. Apologize to her, Tabby." utos naman ni Rowell este Kuya Rowell daw. Kahit labag sa kalooban ko, nag-sorry na lang ako sa chabitang saleslady na iyon na mukha rin namang nahumaling sa kagwapuhan ng prince charming ko.

"Good girl. Kakain kami ng lunch ni Daphne. You wanna join us?"

Tinignan ako ng masama ni Daphne. Alam ko ang pumapasok sa utak ng impaktitang ito. For sure pinapatay na ako nito sa isipan niya. Napakaplastic talaga. Tsss. Pasalamat siya at may kakaunting kabaitan pa ako at magpaparaya muna ako.

Pero ngayon lang 'to dahil ayokong mag-lunch and I'm on a diet!

"No thanks. Sige na, mauna na kayo. Magsho-shopping pa ako eh." I said at mukhang tuwang-tuwa naman ang impaktita.

"You sure?" tanong ng prince ko.

"Yes, she's sure." at inunahan pa ako ahh. "Halika na babe, I'm so hungry na. Let's eat na." Hinihila niya pa palayo si Rowell sa akin.

"Ahh... Bye Tabby!" sabi na lang ni Rowell at lumabas na sila ng demonya niyang girlfriend. Naiwan na lang ako doon at namili ng 3 blouses. Maaaring nasa kanya ngayon si Rowell ko, pero hawakan niya na habang may panahon pa siya. Higpitan niya na habang nasa kanya pa.

Kase alam kong nasa akin pa rin ang huling halakhak.

Bwahahahahahahahahahaha!

The XL Beauty (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon