Nine

341K 5.4K 304
                                    

"Grabe! Ikaw na talaga friend! Sayang sana tinawagan mo naman ako para nawitness ko kung pano mo ieat yung tatlong "It" girls na yun. I mean, yung tatlong yun kase ang madalas mambully nung high school."

"Ang corny mo." sabi ko lang habang ginagaya yung nasa TV. Aerobics chuchu DVD na binili ko para magpapayat. Samantalang ang bruhildang Allison na ito kumakain pa ng potato chips sa harapan ko at nakikipagkwentuhan pa.

"Ano ba yan, puro away tuloy ang istoryang ito." naririnig ko pa lang ang boses ng lalaking iyan, grabe, naiirita na ako! Napatingin ako sa kanya at binelatan siya. Kakagising niya lang, oo, cute siya with that bedhair pero annoying pa rin yang pulubs na yan noh!

"Uy andito pa pala si cutiepie." nasabi naman ni Allison. Lumapit si Pulubs sa kanya at umupo sa tabi niya. Samantalang ako pinapanood sila gamit ang peripheral vision ko.

"Hey Miss SEXY," aba at talagang may emphasis pa ang word na perfect description sa akin ah?!

"Hi cutiepie. You can call me Ally."

"Kei here." sabi naman ni pulubs.

Napatingin ako sa kanilang dalawa. "Ang lalandi niyo! Nakakadiri ah! Umagang-umaga nasusuka ako sa inyong dalawa. Huwag nga kayong maglandian dito sa harapan ko." sabi ko habang patuloy pa rin sa panggagaya ng pinapanood ko sa TV.

"Let's go Ally. Dun tayo sa garden." sabi naman ng hampaslupang pulubs na yan. Aba, at talagang umalis sila ah? Nako, mauupakan ko talaga 'yang mga iyan eh. Nagugutom na ako sa ginagawa ko dito. Halos 45 mins ko na rin itong ginagawa at naaamoy ko na rin ang nilulutong omelette ni Nay Erma.

Nag-exercise lang ako when suddenly nagring ang doorbell. Pinabuksan ko sa isa ko pang muchacha na si Leah. Sinabi ko na papasukin na kung sinoman yang nagdoorbell na yan. Baka kasi fan ko gustong magpa-autograph.

And well.... I guess I'm right. Fan ko talaga ang dumating. Superfan ko nga ito eh.

Binigyan ko siya ng isang tingin. "Oh Daphne, what a wonderful surprise!" sabi ko at inimitate ang kanyang ever ever high voice. Lumapit ako sa kanya at binigyan siya ng isang bear hug. Hinigpitan ko talaga yung yakap ko sa kanya, yung tipong hindi na siya makakahinga at kakainin na siya ng mga bilbil ko sa tyan.

Kinuskos-kuskos ko pa ang sarili ko sa kanya at bumitaw from the hug and gave her my most plastic sweet smile.

Tinignan niya yung mga braso niya at napatingin din sa mga braso ko. Lumaki ang kanyang mga mata at napabukas ang kanyang bunganga. "Ewwww!! Is that sweat Tabby?!"

Hinawakan ko yung mga braso ko. "No, it's body glitter and only rich, gorgeous people with sexy body ang nakaka-afford nito. At least nga shinare ko sa'yo blessings ko."

"Yuck!! You're really disgusting you pig!" kinuha niya ang handkerchief niya mula sa purse niyang binili niya lang sa divi for sure at pinunasan pa yung mga braso niya. Sus ang arte ah. Eh di hamak namang mas mabango pa ang pawis ko kesa sa hininga niya.

"Tabby," may narinig akong tumawag sa pangalan ko. I looked at the direction and nakitang nandun ang pinakagwapong lalaki na nakita ko at ang leading man ko sa kwentong ito.... sino pa ba edi si Rowell my loves!! Lalapit sana ako sa kanya at bibigyan siya ng hug pero naalala ko na puno nga pala ako ng pawis.

"Ba't nandito KA Kuya Rowell? Wow, you surprised me." sabi ko at pasweet pa ng smile. Si Daphne my bff naman eh punas pa rin ng punas ng balat niya. Mukhang may ketong na ata.

"Ha? Tabby? Don't tell me you forgot the date today. October 2."

October 2? Oh my gosh. How could I forget?!

"Of course I remember. Kuya Austin's 3rd death anniversary." nasabi ko na lang ng mahina at nawalan na rin ng gana. "Ligo lang ako ah," I said and paakyat na sa stairs when I noticed Allison and pulubs dun sa may likuran malaking vase namin.

And that pulubs is even looking at me like as if I'm such a baby!!

Well, baby face naman kasi ako eh, I can't blame him.

The XL Beauty (PUBLISHED)Where stories live. Discover now