Fifty eight

230K 3.7K 751
                                    

"Oh? San na tayo pupunta ngayon?" tanong ko sa kanya. Patuloy pa rin kase kami sa paglalakad at magkahawak pa rin yung mga kamay namin. Aaminin ko, medyo hindi pa ako komportable. Ito kase yung unang beses na may kahawak akong lalake sa isang public place, yung parang boyfriend ko yung kasama ko. Pero diba hindi ko naman siya boyfriend ahh. Pero okay na 'to, aangal pa ba ako ha? HHWW ako with my crush. Blessing 'to!

"Bili tayong damit. Kahit anong gusto mo, marami akong pera ngayon eh."

Napatingin ako sa kanya. "Oh? Eh hindi ba nakakahiya sa'yo?"

Umiling pa siya. "Hindi ah. Kahit ano, kahit ilan." Edi lumapad ang ngiti sa mukha ko nung pagkasabi niya nun at agad na hinila siya paloob sa shops ng mga damit. Tinignan ko agad yung mga racks, namili ng magaganda, tapos kumuha ako ng mga sampung damit lang naman. Nakakahiya kase eh, kaya sampu lang.

"Oo, nahihiya ka nga Tabby, hinay lang uy baka wala na tayong pangkain niyan."

Tinignan ko siya ng masama. "Eh sabi mo kahit ilan at magkano eh! Tapos magrereklamo ka dyan! Hay nako. Konti lang kaya 'to saka-"

Dinagdagan niya pa ng isa yung mga damit. "Sabi ko nga kahit twenty pa eh. Nasanay na ako sa'yo, lagi mong kinakawawa wallet ko." tapos nangiti na lang siya.

Nginitian ko na lang din siya at sinabing susukatin ko lang yun sa fitting room. Pumasok ako sa loob at inuna na yung color green na blouse na long sleeves. Lumabas ako at pinakita sa kanya. Tumango lang siya at napa-thumbs up.

Pumasok ulit ako at sinuot naman yung iba pa. Tapos nung nasukat ko na lahat, inipon ko 'to tapos lumabas ng fitting room. Laking gulat ko na lang na may mga nagsitubuang kabuteng impaktang lamok sa paligid ni Kei.

"Ahem ahem, bakit ang daming lamok dito ha? Shoo shoo!"

Napatingin naman yung mga babae sa akin. "Ay sorry po ate. Type po namin kase 'tong little brother niyo eh. Ang cute cute niya po! Hinihingi nga po namin yung number eh!"

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. "At sinong tinatawag mong ate ha? Wag mo kong ma-ate ate dyan lalo na't di hamak namang mas mukha kang matanda sa akin, manang."

"Aba! Aba! Kala mo kung sinong umasta 'tong baboy na ito ah!" sabi naman ng isa. "Umayon ka nga sa mukha mo, 'te!"

Napameywang ako at tinaasan siya ng kilay. "Yun na nga eh, may karapatan akong magmaldita dahil sa mukha akong Dyosa, eh ikaw? Anong karapatan mo eh mukha kang paa?"

"Di bale nang mukhang paa, kesa naman tadtad ng taba!" hirit ng isa. Aba, at lumalaban! Nagtawanan pa sila doon.

Yung isa pang panget pumeywang din at humarap sa akin. "Ba't ka kaya pinanganak sa mundong ito no? Ang mga gaya mong baboy, dapat hindi na nabubuhay pa eh!"

Tawa na naman sila. Sige lang, tumawa lang kayo dahil hindi magtatagal magsisiiyakan din kayo.

"Bakit ako pinanganak? Well, I was born to be beautiful. Nung pinanganak nga ako, parang magiging 8 na ang wonders of the world. Eh ikaw? Ba't ka kaya pinanganak? Hmmm, para lang masabi na 8 billion ang population ng mundo?"

Natahimik sila sa kakatawa at nagsitaasan yung mga kilay nung babaeng yun. "No, duh!"

Nag-cross arms naman ako. "Ahh alam ko na," I smiled. "Siguro hindi ka naman talaga dapat pinanganak. Kase tignan mo yung itsura mo oh, proof na hindi lahat ng abortion successful. Whee, ang tindi mo pala makakapit! Kaya pala kung kani-kanino ka na lang lumalandi no? Kawawa ka naman. Ikaw pa mismo ang lumalapit sa lalake. Ganyan ka na ba kadesperada? Well... sabagay I can't blame you. Ikaw ba naman sumapain ng ganyang mukha. What a misery."

The XL Beauty (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon