Sixty one

198K 3.4K 434
                                    

Tingnan mo nga naman ang pagkakataon. Sinong mag-aakala na mag-pinsan pa pala ang dalawang taong pinakagusto ko? Pinakagusto kong awayin, asarin, barahin. Napangiti ako sa kanila.

"Kilala mo siya couz?" tanong nung Shanize kay Daphne.

"Of course, kilala ko siya. Eh ikaw nga 'to, I didn't know that kilala mo siya eh." sagot naman ni Daphne.

Syempre humirit ako. "Ganun talaga pag sikat eh, kilala ng lahat." kinindatan ko pa sila ah. Ramdam ko na yung tension sa air. Of course, ikaw ba naman nagsama ang dalawang demonyita, parang nadala ka na sa hell. Kawawa naman ang isang anghel katulad ko.

"Alam mo, marami nang atraso sa akin yang babaeng iyan eh. What if... what if tulungan mo akong gumanti sa kanya couz?" sabi ni Daphne na binigyan pa ako ng isang ngiti. "Sorry Tabby ah, pero dalawa kame. Isa ka lang. Oops, lima ka pala, size mo kase eh."

Nagtawanan ang mga bruha.

I crossed my arms. "Dalawa kayo? Ay! Akala ko isa lang kayo, sorry. Halos magkamukha kase kayo.... kamukha niyo yung pwet ko. Ay teka, maganda pa nga yung pwet ko sa inyo eh. Tae ko na lang ang kamukha niyo, oy ah, privilege yan!"

Sabay pa talaga silang nagtaasan ng mga kilay.

Sabi nung Shanize: "You're disgusting! Grabe, walang kapoise-poise. Eww. Para kang hindi nag-aaral ah."

"Hindi ko na kaylangan ng poise dahil sa ganda ko pa lang talo na kayo." sabi ko sa kanya. Marami nang nakikinig sa amin actually, sa lakas ba naman magsisalita ng mga ito. Yung mga tao gawin ba naman kaming parang mga manok sa sabungan. Pumupusta kina Shanize at Daphne. Yung iba naman sa akin. The hell.

"Tabby, dapat marunong kang gumalang sa mas nakakatanda sa'yo. Hindi ka ba tinuruan ng good manners ng mommy mo?" tanong nung panget na Daphne na iyon.

Nginitian ko siya. "Dapat marunong ka ring gumalang sa mas nakakaganda sa'yo. Mahiya ka naman, mukha ka lang paa kumpara sa ganitong ganda na parang isang diyosa."

Nagtawanan yung mga tao, meron mga nagbubulungan na 'oo nga maganda yung mataba kesa dun sa dalawa'. Lalo pang naiinis 'tong dalawa na ito.

"Hindi ko na talaga matiis yang ugali mo ah!" sabi ni Daphne bigla. Halatang inis na inis, ayeee. May sukdulan din pala ang pamamlastik ano.

"Hindi na rin kita matiis Daphne! Ang cute ng tigyawat mo ah, pwedeng patiris?" tawanan na naman. Feeling nila siguro ako si Boy Pick Up. Bigla namang nahiya si Daphne at tinakpan yung malaki niyang tigyawat sa ilong. Naghawak-kamay pa sila ni Shanize talaga ah.

"You know what?" sabi ni Daphne at pumeywang na. "Maganda ka nga, yes, pero ano naman? Mataba ka pa rin. Baboy. Tignan mo nga yang sarili mo, hindi ka ba nahihiya dyan sa itsura mo? Nakakadiri yang mga taba mo. Nakakasuka. Maawa ka sa mga mata namin, Tabby. Kasuklam-suklam yung itsura mo eh... eww. Kaya walang pumapatol sa'yo eh. Kase baboy ka. Baboy. Balyena. Fat bitch."

Nagsitahimikan ang lahat. Tumataas ang tono ni Daphne.

"Tanggapin mo na lang na walang magmamahal sa'yo, kase mataba ka. Walang papatol sa'yo. Baka matakot pa sila na baka daganan mo lang sila eh. Ang mga baboy na katulad mo? Sa bukid. Dun ka nababagay. Maglaro ka sa putikan doon, at least doon wala ka pang magagambala."

Kahit yung Shanize natahimik na rin. Si Daphne lang talaga ang nagsasalita. Lumapit yung Shanize sa kanya at bumulong ng, "Teka couz, over ka na sa mga words mo eh. Kalma lang."

Sumigaw pa si Daphne. "Anong kumalma?! The fuck! Umiinit ang dugo ko sa baboy na iyan eh! Masyado siyang gandang-ganda sa sarili niya! Wala namang nagkakagusto sa kanya! Nako, kung hindi nga lang nakakakulong ang pumatay, uubusin ko na lahat ng matataba sa mundo. Ayaw niyo yun? Para mas tipid sa pagkaen at mas fresh air. Hahaha!"

The XL Beauty (PUBLISHED)Where stories live. Discover now