Seventy two

209K 3.1K 1K
                                    

Thanks sa mga new readers. Hope I could hear something from you :) Anyway, to make it up for my slow update, this is going to be a long one. Keep on supporting! 

---

Pa-ikot ikot si Mr. Gregorio mula doon sa desk niya, papunta doon sa may mga shelves na organized lahat ang books and stuff, hanggang sa umupo na naman siya sa upuan niya na sobrang laki. Pinatong niya yung dalawang siko niya sa mesa at nilagay yung mga kamay sa baba niya. 

"Miss Olivarez." napalunok ng laway si Allison. "Miss Manalastas." naka-cross arms pa si Daphne pero umiwas naman sa mga tingin ni Mr. Gregorio. "And.... Miss Zaragosa." 

Kumaway ako sa kanya. "Yo wazzup?"

Napangiti naman si Allison at yung Daphne na iyon binigyan pa ako ng 'para-ka-talagang-ewan-baboy-ka' look. Tinitigan tuloy ako ni Mr. Gregorio, at kahit hindi naman ako directly nakatitig sa mga mata niya dahil na rin sa makapal niyang salamin, feeling ko lalamunin niya ako ng buhay.

"Who initiated the fight?" he asked.

Syempre, alangan namang may umamin diba. Edi nagturuan sila Allison at Daphne. Kesyo daw inirapan daw kase ni Ally si Daphne, tapos daw si Daphne nainis at inisulto si Ally, tapos sinugod ni Allison si Daphne at doon na daw iyon nagsimula. Grabe nga eh, nakakarindi sila ang iingay nag-aaway pa.

Pumalo si Mr. Gregorio sa mesa niya at natahimik naman yung dalawa. "Talagang sa harap ko pa kayo nag-away ah. As a punishment, kayong tatlo ay mapapatawan ng isang 2-hour community service for 3 days."

"Ha? No way!" napatayo pa 'tong si Daphne. "Wala naman akong ginagawa eh, siya nga 'tong unang nanabunot!"

Tumayo din si Allison. "Excuse me, hindi kita sasabunutan kung hindi mo ko ininsulto ah."

Away na naman. Muli, pinalo na naman ni Mr. Gregorio yung mesa at binantaan pa na gagawin daw 5 days kapag hindi pa sila nanahimik. "Hay.. hindi pa ba kayo titigil girls? Ba't hindi niyo tularan 'tong si Miss Zaragosa, nanahimik lang at hindi na nakikisagot?"

Napangiti ako. "So.... wala na akong community service sir?"

Nginitian niya din ako. Sabi ko na nga ba uubra kapag nanahimik ako at mukhang mabait eh. Lumapit pa siya kaunti sa akin. "Miss Zaragosa... nek nek mo."

Napatayo na din ako. "Bakit wala naman akong ginagawa ah?! Eh pinigilan ko lang kaya sila! Putang ina nagmamagandang loob lang ako! Ano bang nagawa ko para ipag-community service mo ako ah?! Ang galing rin eh no! Eh gusto mo ipang-mop ko kaya ng floor yang panot mong buhok?!"

"Tabby...." Allison called. "Sa ginagawa mong yan... patay tayo eh."

"Ayy.. sorry..." natahimik ako. Patay na. Tahimik na si Mr. Gregorio. Nakakatakot ang aura niya, yung mga tipo na sa movie eh para bang makakapatay na siya ng tao. Eeeek.

"Panot pala ahh.... sige, Miss Olivarez, Miss Manalastas, and especially you Miss Zaragosa.... make it 5 days. That's final."

PATAY NA TALAGA.

"Hay nako! I don't deserve this! Ang baho baho ng CR, tapos kayo pang dalawa ang kasama ko? What the hell! Hindi ako pumunta sa school na ito just to be a freaking janitress! And I have a date with my boyfriend pa!"

Allison rolled her eyes. "Ang arte arte talaga."

Hinarap naman siya ni Daphne. "Sinong tinatawag mong maarte?"

"Sino pa ba sa tingin mo? Baka yung toilet bowl no?" sagot naman ni Allison. Hay nako, yan na naman yang dalawa na iyan. Away ng away. Inagawan na ata ako ni Allison sa role na pagiging rival ng Daphne na yan eh. Napatingin ako sa salamin, grabe ang ganda ko talaga. Hindi ko rin naman deserve na maglinis ng CR no, ako na nga lang ang pumigil sa kanila tapos nadamay pa ako. And besides, I'm a Zaragosa. Isa sa mga mayayaman na pamilya sa school no. At saka masyado akong maganda para maglinis.

The XL Beauty (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon