Fifty seven

242K 4.1K 457
                                    

*Krrrriiiiiiinnnnggg Kriiiinnnggg tugsh busgh*

Oo, pulubi ang sound effects namin. Ewan ko ba dito sa author na ito, ang yaman sa likas na ganda pero kuripot sa sound effects. Well anyway, tama na ang pambobola kay author (kahit totoo naman yun), nagising ako sa ingay ng alarm clock. Teka, alarm clock nga ba? Paano naman mangyayare yun eh ni wala nga akong alarm clock dito sa kwarto-

"Krugshhh mahhh body is soooo hawt tugsh tugsh boing..."

LANGYA. Si Kei lang pala na kumakanta-kanta na kung ano, tapos may hawak pang gitara. Gitara ata yun ni Kuya Austin eh. Tapos sumasayaw sayaw pa siya sa harap ko. Ugh. Talagang eto pa ang nakita ko pagkagising na pagkagising ko ah? What. The. Heck.

"Ang hot ko ba?" sabi niya na nagpapa-cool pa sabay kindat. "Alam ko namang-"

Binatuhan ko siya ng unan. Sapul nga sa mukha niya eh. Nagsalita na ako, "HAYOP KA! UMAGANG-UMAGA GINUGULO MO AKO NO? AYOS KA DIN EH! ANG GANDA NA NGA NG PANAGINIP KO, KAKAININ KO NA YUNG CHOCOLATE, AS IN NASA BIBIG KO NA EH! TAPOS YAN, YAN PA ANG GIGISING SA AKIN?!!!!! ANG INGAY INGAY MO!!!!"

Nilatag niya yung unan sa kama ko. "Ikaw talaga, umagang-umaga ang HB mo. Gusto lang naman kitang gisingin eh. Para ako agad unang makita mo." tapos may kinuha siya sa may desk ko. Hindi ko nga napansin yun eh. Isang tray. Na syempre may pagkaen. Almusal malamang, alangan namang pang-hapunan diba? Fried rice. With omelette na may ketchup na pa-heart shape pa. Ugh ang corny ang wala.

"Ano bang kabadingan 'to? Ang corny mo." sabi ko sa kanya.

"Waysus. Kinikilig ka naman dyan eh." sabi niya. Sa totoo lang, oo, kinikilig nga ako. Huli kaseng may gumawa sa akin neto eh si Kuya Austin, nung 13th birthday ko. Yan, umagang-umaga din tuloy naiyak na ako. Sobra kase akong natouch talaga. Alam niyo yun? Breakfast in bed. Hindi mo na kaylangang tumayo at bumaba pa ng first floor para kumaen ng almusal kase nandyan na sa harap mo. Diba? Nakakatouch talaga. Saka feeling ko tuloy special ako. Well, special naman talaga ako, as in special yung beauty ko, pero ngayon... parang mas lalo kong naramdaman na may nagmamahal sa akin pala. Kahit na ganito ako.

"Thank you ha." sabi ko na lang sabay punas sa mga luha ko. Sumubo na ako doon sa omelette. "Mmm, ang sarap neto ah!"

Napakamot siya ng ulo sa hiya. Medyo nag-blush nga siya eh. "Ahm, ako nagluto nyan. Sabi kase ni Nay Erma, paborito mo daw yan eh."

"Kei, alarm clock ka ba?" sabi ko sa kanya na nakangiti.

"Oh? Bakit naman?"

"Kase umaga pa lang ikaw na ang gusto kong patayin! Walang hiya ka talaga! Hindi mo ko madadaan sa pa-omelette omelette mo ah, ginising mo pa rin ako ng sobrang ingay ha!!! Hayop ka-"

Bigla ba naman niya akong sinubuan. Kainis talaga 'tong unggoy na ito kahit kelan. Nginunguya ko yung sinubo niya sa akin at nung naubos na, bumuka na yung bibig ko para magsalita ulit pero sinubuan niya na naman ulit ako. Mas marami nga eh. Binilisan ko yung pag-nguya. "Walang-" naputol yung sasabihin ko kase sinubuan niya na naman ako! Nung wala na akong pagkain sa bibig, magsasalita na naman ako pero ganun ulit.

Tinitigan ko siya ng masama habang ngininguya yung pagkain ko. Epal talaga 'tong lalake na ito! Ugh! Nakakainis!

"Ang cute cute mo talaga Tabby! HAHA!!!"

Nauubo na ako. Kase naman, kase naman no! Nabubulunan na kaya ako! Ubo ako doon nang ubo, at eto namang gagong 'to, nakangiti lang sa akin. Sinubukan kong magsalita. "W-walang hiya.... ka... kuha mo... kong tubig.... kundi... ending na 'tong... chapter na ito...."

"Ha? Baket nabubulunan ka?" tanong niya. Talaga naman ohh! Itong Kei na 'to pogi lang eh, pero shushunga-shunga naman. Hay!

"Hindi ata.... nagpa-practice ata... akong mameke ng sakit para pang-excuse sa class..." Grabe! Parang nawawalan na ako ng hininga. Feeling ko mamamatay na ako. Guys, I am so sorry, ito na ata ang ending ko. Sorry talaga. Tuluyan na talagang ma-eextinct ang species ng magaganda. Sorry guys... bye bye na.... huhu....

The XL Beauty (PUBLISHED)Where stories live. Discover now