Sixty two

196K 3K 187
                                    

Kumakaen lang kami ni Kei ng merienda nang biglang tumunog ang door bell. Nung pinabukas ko kay Leah, nagulat ako na nandun si Allison at Greg sa harapan ko.

"Allison...." ilang araw na rin kaming hindi nagkakausap simula nung nagbakasyon kami. Nung nalaman niya na ako ang gusto ni Kei. Napatayo ako mula sa kinauupuan ko at lumapit sa kanya.

"Tabby? Pwede ba kitang makausap?"

Malamang awkward nung kaming dalawa dito sa garden. Yung mga lalake nasa loob, naglalaro ng PS3.

"Umm Allison-"

"Best friend!!!" bigla niya akong niyakap. "I miss you. Grabe, miss na miss na kita. Sorry ah. Sorry talaga sa lahat. Pero alam mo naka-move on na ako."

"Um.... okay. Ang bilis ah. Whew." sabi ko na lang. Nagulat din ako. Akala ko kase magkakaron muna ng madugong drama dito eh bago kami magkabati, yung mga tipong Maja-Kim ang peg. Pero nakakatuwa na rin at least nawala yung awkwardness. Agad agad.

"Alam mo best, come to think of it ah, bagay talaga kayo ni Kei. Mahal mo siya. Mahal ka niya. Oh diba? At saka ang cute cute niyo kayang dalawa! Gagawa ako ng fanclub ng loveteam niyo ah! Hihi. Saka sana ako maging ninang ng mga anak niyo ah."

Binatukan ko nga. "Anong pinagsasabi mo dyan, baliw! Hindi pa nga kame eh!"

"Ha?! Bakit? Ay nako naunahan pa namin kayo ni Greg?"

Tinignan ko siya at nanlaki yung nga mata ko. "ANO?! Kayo ni Greg?!"

Tumango siya na namumula pa at nahihiya. Tapos parang kinikilig na ewan. "Hehehe, alam ko medyo mabilis pero grabe kase best! Ang gwapo pala niya no! Tapos pareho kaming heartbroken nun, ako kay Kei tapos siya sa'yo, kaya ayun naging close kami tapos... ayuuuuun nagka-debelopan! Hehehehe."

Uupakan ko 'tong babaeng ito eh! Maygash ang bilis main-love ha! Ahahaha, pero ayun. Okay na rin, kesa naman agawan niya pa ako kay Kei diba?

Nagyakap na kami at bati na. Tapos pumasok na rin kami sa loob. Langya, kumakaen pa pala sila Kei doon nakakainis! Nagkayayaan na ring kumaen hanggang sa wakas eh nagpaalam na sila Allison at Greg. Grabe talaga. Akalain mo yun? Sila pa talaga nagkatuluyan ah.

Naiwan kami ni Kei doon sa sala. Nakaakbay siya sa akin. Ewan ko ba sa lalakeng ito nanantsing eh no.

"Inaantok ka na oh. Matulog ka na sa balikat ko." bulong niya sa akin.

"At baket? Hindi nga ako komportable dyan. Ilipat mo na lang ako sa kwarto. Inaantok na talaga ako." humikab pa ako.

Hinawakan niya yung ulo ko tapos nilagay sa balikat niya. "Yan. 'Wag ka ng magreklamo. Dito na lang tayo matulog, ang hirap mo kayang buhatin."

"Nilalamig ako dito Kei."

"Hay nako." sabi niya. "Kukuha lang ako ng kumot, saglit lang ah." Mabilis lang naman talaga siya. Dala niya na yung kumot niya at nilagay sa aming dalawa. Ako na kusang naglagay ng ulo ko sa balikat niya, medyo malambot din pala eh.

"Uy, ayoko matulog dito. Hindi ako matutulog, wag kang mag-alala. Gising ako swear."

"Oo na, oo na." sabi niya na lang. Tapos nun wala na lang nagsasalita. Tahimik lang kami. Napaka-peaceful sa pakiramdam. Parang pwede na akong mamatay.... Joke.... Hay... inaantok na talaga ako. Pero hindi ako matutulog ah, ayoko nga dito matulog.... gising pa ako..... Zzzzzzzz.....

Minulat ko na yung mga mata ko. Malambot pa rin yung hinihigaan ko. Ang sarap para yumakap ng teddy bear, sarap yakapin ni Dada.... ay teka bakit ganun? Parang may abs si Dada.... saka may pagtibok ng puso. Umupo ako at nagulat na si Kei pala yung kayakap ko. Oo nga pala.... nakatulog na ako dito. Ay nako kaasar.

"Sa wakas gising ka na." sabi niya at naupo na din tapos nag-unat.

"Bakit kanina ka pa ba gising?" tanong ko.

Tumango siya at hinawakan yung buhok niya. "Oo, kanina pa ako gising. Grabe, ang lakas mong humilik. Saka nalawayan mo pa yung dibdib ko."

"Makareklamo naman 'to! Edi sana bumangon ka na lang para hindi na kita naistorbo no."

"Eh kung babangon ako, magigising lang kita. Ang sarap kaya ng tulog mo. Saka masarap naman pakinggan yung paghilik mo."

Namula naman ang buo kong mukha. Binalot ko siya ng kumot tapos tumayo na mula sa upuan. Kahit kelan talaga corny nung lalakeng yun! Umagang-umaga. Hay!

Umiinom lang ako ng isang basong tubig nang bigla na lang tumunog yung doorbell. Ha? Ang aga pa ah. Sino naman kaya yun? Dahil mukhang tulog pa ata sila Leah, ako na ang sumagot nun.

Nadaanan ko si Kei na inaayos yung kumot sa sala. Lumakad na ako palabas ng gate. Binuksan ko yung gate at nagulat sa nakita ko.

"Tabitha! Surprise!" si Mommy, maraming hawak na shopping bags tapos may suot pang coat. Hay nako feeling nasa abroad pa. Si Papa nasa loob ng kotse at inaayos din yung mga gamit sa loob.

"Mom, bakit po kayo nandito?" tanong ko naman.

"Ayaw mo ba? Of course dear, to celebrate Christmas with you! Oh, dalhin mo 'tong mga shopping bags sa loob bilis baby girl dadalhin ko pa yung iba eh."

Kinuha ko na lang yung mga shopping bags sa loob. Patay. Paano na 'to?! Sila Mommy kase eh! Pumasok ako sa loob at nandun pa si Kei na nagtitimpla ng kape.

"KEI!!!! DUN KA SA KWARTO MO!!!! BILIS ANDYAN PARENTS KO!"

Nakangiti pa siya. "Oh? Edi magpapakilala ako."

Hinampas ko siya ng shopping bag. "Tange! Hindi pwede okay? Bilis na Kei. Patay ako kina Mommy neto eh kapag nakita ka nila. Please na sige na."

Umakyat na si Kei sa kwarto niya at naiwan na lang ako sa sala.

HAY. Bakit ba umuwi pa ang mga magulang ko ngayon? Nakakainis!

The XL Beauty (PUBLISHED)Where stories live. Discover now