Zeus ko po! Bakit ako binigyan ng ganito?

'BDSM'

'Master and Slave'

"17,000.Libre bahay, libre pagkain,libre tubig at kuryente"

Unti-unti kong naipagtagpi tagpi ang nangyayari.

"C'mon, What are you waiting for?" tanong ni Zeus at hinila ako papasok sa condo nya dahilan para muli akong bumalik sa realidad.

"Strip now," utos nito kaya napaatras ako. Lumapit ito sa akin kaya muli akong umatras hanggang sa na-corner nya ako sa may pintuan.

Dinagsa ng kaba ang puso nang titigan nya ako ng mariin.

"I'm your master now," Ani nito sa akin.

Zeus ko po! Ano ba 'tong napasukan ko kaya pala ang laki ng sahod dahil may hidden agenda s'ya sa akin.

Zeus ko po!

Unting unting lumapit ang mukha ni Zeus sa mukha ko.

Hahalikan nya ba ako?

Wala sa sariling na papikit na lamang ako. Bumilang ako ng lima hanggang sa naramdaman ko na.

"Aray! " daing ko matapos akong pitikin ni Zeus sa noo kaagad akong nagmulat ng mata at tinaliman ito ng tingin.

"You should've seen your face," natatawang sabi nito. " I heard it." napakunot sa noo ko  sa huling sinabi nito.

"Yung sinabi ng dalawag babae sa elevator kanina narinig ko yun. Seriously, Hera, you think na gagawin ko yun sa'yo hindi ko pagnanasaan ang babaing nagsusuot ng baby bra. I want big b*obies you know, " ani pa nito at umaktong may hinahawakan. Napangiwi na lang sa sinabi nito. Bakit ba ang hilig ng mga lalaki sa malaking boobs. Yun na ba ang sukatan ng pagmamahal?

"C'mon, let's sit; we need to treat your wound," Aya nito sa akin at pinaupo ako sofa nya. Pagkatapos ay nagpaalam syang kukunin ang first aid kit nya.

Nang mapag-isa ay saka ko lang nilibot ng buong paningin ang paligid ng condo, mukhang mahilig yata sa color blue itong Zeus batay sa mga kagamitan nya dito.

Napakaayos at napakalinis din ng condo nya hindi mo aakaling lalaki pala ang nakatira dito.

Maya maya pa ay muling dumating si Zeus na may dalang medical kit at umupo sa harapan ko.

"Aray ko dahan dahan naman," Reklamo ko ng mapadiin nito ang paglalagay ng gamot sa sugat ko.

"If you don't mind, Why is your mother acting like that towards you? Biglang tanong nito.

Nagpakawala ako ng malalim na buntong hiningan bago sagutin ang tanong nito.

Pinag-iisipan ko ung ikwekwento ko sa kanya ang dahilan, Sa totoo lang wala pa akong kaibigan na nakwentuhan tungkol doon.

"Ayokong pag-usapan muna ."

"I respect that," Ani nito habang nilalagyan ng band aid ang pisngi ko.

"Okay lang. Eh ikaw, bakit mag-isa ka lang dito? Nasan ang pamilya mo?" tanong ko dito balita ko happy family naman daw itong si Zeus. Ang swerte nya na nga eh . Bakit pa sya bumukod?

"I just want to be independent, kaya nandito ako." Tumayo at inayos ang medical kit nya.

"Do you want to eat?" tanong nito. Tumango na lang sa sinabi nito sa totoo lang ay kanina pa nga ako nagugutom. Nagtungo ito sa kitchen, kaya naman sinundan ko ito. Nakita ko itong may kinuha sa ref na garapon at ini-nit sa oven.

Maya maya pa ay kinuha nya ito at inilagay sa plato. Natakam naman ako sa nakita. Ganito yung gusto kong bilihin na pagkain sa canteen namin kaso ang mahal mahal naman halos katumbas na kasi ng limang kilong bigas ang presyo.

"Anong nginingiti mo dyan?" masungit nitong tanong.

"Ito kasi yung pagkain na gustong gusto kong bilihin sa canteen kaso ang mahal na mahal naman kaya nganga na lang ako. Lahat ng binibenta sa canteen ang mahal."

Natigilan ako sa sinabi ko hindi ko na malayang nagku-kwento na pala ako dito.

Nag-serve ito ng dalawang plate at umupo kaya naman umupo na rin ako.

"Mac and cheese ang tawag dito. Don't tell me first time mo lang kakain nito." Nahihiyang tumango naman ako dito. Mac and cheese pala ang tawag dito. Natigilan ito sa pagsubo.

"Hmp spaghetti, pancit, sopas,sopas at lugaw lang naman kasi ang kadalasang tinda sa amin." Paliwanag ko.

"Don't worry, maggro-grocery tayo bukas Bibili tayo ng maraming ganito." Napangiti ako sa sinabi nito. Mabait at galante pala itong si Zeus.

"Anong nginingiti mo dyan? Bawas yun sa sweldo mo."

Binabawi ko na ang sinabi kong mabait si Zeus dahil sa sinabi nito. Sinamaan ko ito ng tinggin. Akala ko naman ay bumait na ito yun pala antipatiko pa rin.

"Wag na lang pala. Sayang naman kung mababawasan ko pa ang mapapadalang pera kay Nanay ng dahil lang dyan," Pagtutol ko.

Nakakapanghinayang din naman kasi kung dahil lang doon ay mababawasan pa ang maibibigay ko kay Nanay.

"I'm just kidding, this is also my favorite, kaya bibili talaga tayo ng marami," Natawang wika  nito.

Matapos naming kumain at sinisimulan na nitong ligpitin ang kinainan namin. Nagkusa pa ako sa  hugasin kaso pinaupo lang ako nito.

Nang matapos ay humarap ito sa akin.

"By the way, your room is on the left side, then tomorrow we will talk about your job here. Okay."

Tinuro nito ang pinto sa left side bago pumasok sa kwarto nya.

Dear ZeusWhere stories live. Discover now